Seduce 5

2K 44 0
                                    

Nagising si Addyson sa maingay na tunog na nagmumula sa kanyang telepono. mabilis na kinapa nang kanyang kamay ang side table upang abutin ang phone niyang kanina pa nagiingay. Nang maabot ito ay mabilis niyang sinagot ang tawag.

Nakahalita pa rin siya sa malambot na kama habang hinihintay na sumagot ang tao mula sa kabilang linya.

"Hoy babae sinong naghatid sayo at kasama mo kagabi!?" Bungad iyon nang kaibigan niyang si Everly

Napaungol siya sa boses nitong malakas, kulang na lang ay sirain nito ang eardrum niya. "I'm fine Eve don't worry"

"Umamin ka nga sakin kasama mo ba si Nigel?" nang marinig niya ang pagbanggit ng pangalan nang lalaki ay napalingon siya sa kanyang gilid. Mahimbing itong natutulog sa tabi niya, muli niyang naalala ang nangyari sa kanila kagabi.

"Hoy babae nasa linya ka pa ba!? Sumagot ka?" Daig pa nito ang nanay niya kung makaintriga sa kanya ngayon.

"Yes Everly i'll talk to you later" mabilis niya namang tinapos ang tawag at pinatay ang kanyang phone. Panigurado kasi siyang hindi siya titigilan nito.

Kahit na masakit ang kanyang katawan ay pinilit niyang bumangon at maupo. tinakpan niya ang hubo't hubad niyang sarili nang kumot upang takpan ang kanyang dibdib. Biglang sumakit ang kanyang ulo para iyong mabibiyak, kaya napasapo siya sa kanyang sintido. Naparami yata ang inom niya nang alak kagabi.

Maya maya lang ay naramdaman niya na ring gumalaw ang katabi niyang si Nigel. Mukhang gising na ito. Pinasadahan niya ito ng tingin. Kahit na masakit ang kanyang ulo ay ngumiti siya at binati ito.

"Goodmorning" bahagya itong nagulat at mabilis na napaupo sa kama at napansin niyang iniangat ng kamay nito pataas ang kumot upang takpan ang dibdib nito na animo'y ayaw masilipan. Natawa siya sa aktong ito nang lalaki

"Nakita ko na 'yan" hindi nahihiyang sabi niya

"What are you doing Addy?" Hindi makapaniwala nitong tanong sa kanya ngunit mahinahon pa rin ito.

Umangat ang isa niyang kilay "C'mon Nigel. You know that we both like it!"

Kahit na siya ang nagsimula kung bakit may nangyari sa kanila kagabi ay hindi niya napigilan ang mainis sa sinabi nito. Wala namang magaganap sa kanila kung hindi rin ito bumigay sa kanya kagabi. So, bakit parang kasalanan niya lang?

umiling ito "Addy this is wrong" dissapointed siyang tinignan nito.

"Wrong? Ano ba don Nigel? Yung nagsex tayo nang hindi kasal or yung may nangyari satin kahit hindi naman tayo magjowa?"

"Both" tipid nitong sagot. umiling iling na lamang siya rito, wala naman na itong magagawa kahit na magreklamo pa ito. Nangyari na ang dapat mangyari. Tumayo naman na si Addy wala siyang pakialam kahit wala siyang saplot at takip, nakita naman na nito ang buong katawan niya kagabi so anong sense kung magtatakip pa siya.

"Anong ginagawa mo Addy?" Sinundan siya ng tingin nito.

"Ano pa ba? Eh di magbibihis" aniya rito habang dinadampot isa isa ang kanyang damit na nakakalat sa lapag.

Hindi na ito umimik pa sa kanya. Walang hiyang nagbihis siya sa harapan nito, napangisi siya nang makitang umiwas ito ng tingin sa katawan niya na tila ba parang nahihiya. Nangingiting umiling siya. Ibang klase rin ito, mukhang mas babae pa itong umakto sa kanya ngayon.

Hays Nigel Hamza Fursegon lagi mo kong pinapamangha sa mga kakaiba mong akto!

Nang matapos ang kanyang pagbibihis ay dinampot niya ang sling bag sa lapag na malapit dito, muli niyang hinarap ito at nilapitan. Naupo siya sa gilid nito kaya bahagya itong lumayo sa kanya.

Seducing the Third Party [R-18] CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora