Seduce 2

1.8K 53 1
                                    

"And guess what?" Nakangising ani ni Addyson kay Everly. Nasa isang restaurant sila ngayon nito upang maglunch.

"I'm not madam auring. C'mon wag mo kong bitinin, babalian talaga kita ng buto dyan" humalakhak siya sa banta nito.

"Alright we're already friends" masaya niyang sagot sa kaibigan. Kahapon bago siya tuluyang umalis ay nagkuhaan sila ng numero nito. Of course siya na ang nagfirst move para hingiin ang personal number nito, and she reason out that for business matter and in case of emergency

"Friends? Really? Buti hindi mo inaway" umirap siya dito.

"Hindi ako ganon kamaldita para awayin ang mabait na baklang 'yon" si Everly naman ng humalakhak ngayon.

"Mabait? Akala ko ba walang mabait sa mang-aagaw ng jowa"

"Well, ngayong nakilala ko na siya nagbago na ang pananaw ko. 'yon lang naman ang lamang sakin ni Nigel,at iyon ang pagiging mabait nito" kahit hindi niya pa lubusang nakikilala ang lalaki ay talagang nararamdaman at masasabi niyang mabait ito.

"So, you think kaya ka ipinagpalit nang ex mo kasi mabait iyong ipinalit sayo at ikaw maldita. Well, di naman na nakapagtataka. Kung ako din naging jowa mo baka di kita napagtiyagaan ng two years dyan!"

Tumaas ang isa niyang kilay sa sinabi nito. "Excuse me, wala akong balak pumatol sa tomboy no! And look who's talking here, mas malala pa pagkamaldita mo sakin baka gusto mo isa-isahin ko pa!?"

"Whatever!" tanging naisagot sa kanya ni Everly habang umiikot ang mata nito sa kanya

Hindi niya ipagkakaila na talagang may pagkamaldita sila ni Everly kaya nga sila nagclick agad nito at naging magbhestfriend. Isa pa, magkaibigan ang  kanilang mga parents kaya hindi malabong naging magkaibigan din sila nito. Inaamin niya din na minsan nagmamaldita at inaaway niya ng walang dahilan si Dominic noon. Gusto niya lang lambingin siya ng ex niya noon sa kadahilanang madalas busy ito sa trabaho at hindi sila nakakapag-usap ng dalawang araw minsan. Walang epekto ang pagmamaldita niya dito dahil ang ending ay nag-aaway lang rin sila at dahil mataas ang pride nang peste niyang ex, ay siya na lang ang magsosorry at gagawa ng paraan para magkabati sila nito. Ganon kawalang kwenta ang kanyang ex, narealize niya lang ang mga bagay na iyon ngayong break na sila.

Matapos ang lunch date nila ni Everly ay bumalik na rin sila sa kanya kanya nilang trabaho. Sinadya niyang makipagkita ng breaktime rito upang maikwento ang nangyari sa kanya kahapon and knowing Everly walang sekreto ditong hindi nabubunyag, ganon rin siya dito.

Buong araw na nagtatrabaho si Addyson sa loob ng kanyang office, dahil bukas ay off na naman niya. Ayaw niyang matambakan na naman siya ng mga bagong gawain pagbalik ng office, kaya't hanggang maaari ay tinatapos na niya ngayong araw ang naiwang trabaho. She's not a workaholic, she being dilligent. Ayaw niyang masira ang tiwala sa kanya ng kanyang amain sa kanya. That's why she's trying her best para maging proud sa kanya ang ama at hindi masayang ang ipinama nitong kompanya sa kanya.

Mag aala-singko na rin nang hapon nang matapos si Addyson sa kanyang trabaho. Iniunat niya ang kamay upang mastrech iyon mula sa maghapong trabaho na hindi niya iginagalaw ang mga kamay maliban sa pagpirma ng napakaraming business approval and documents. Tinawagan na niya ang sekretarya at nagpaalam na uuwi na siya. Palabas na sana siya nang kanyang opisina nang magring ang kanyang phone, hudyat na may tumatawag. Dinukot niya sa loob ng kanyang bag ang telepono, at nang makita ang caller ay automatic na napangisi siya.

Guess what!? It's Nigel!

Hindi niya akalaing tatawagan siya ng lalaki at anong kailangan nito sa kanya?

"Hello Nigel?" Masaya niyang bungad rito

"Addy, can i have your time today if you're not busy?"

Seducing the Third Party [R-18] CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora