Seduce 11

1.7K 43 2
                                    

Nakita ni Addy ang isang bouquet nang red rose sa ibabaw nang kanyang table. Hindi na siya magtataka kung kanino galing iyon, dahil isang tao lang naman ang naiisip niyang gagawa nito.

And it's Nigel! Hindi niya alam na may dumadaloy pa palang kasweetan sa katawan nang baklang 'yon. Pansin ni Addy ang pagiging mas malambing at sweet nito sa kanya sa nagdaang araw. Kung dati, sya ang unang nagiging touchy at clingy rito ngunit ngayon ay ito na ang mas madalas nang mga bagay na ginagawa niya at aminin niyang kinikilig at naapektuhan siya sa ginagawa nito sa kanya.

Maya maya pa ay nagvibrate ang kanyang phone nakita niyang may text siyang natanggap galing kay Nigel. Mabilis niya iyong binuksan at binasa ang mensahe nito

'Hi Addy! Flowers for you. Take care yourself for me. I miss you and can't wait to see you again'

Hindi niya naiwasan ang mapangiti. Mukhang kailangan na niyang maghanda sa pagngangalay nang kanyang panga dahil sa pagkakangiti, dahil wala yatang balak na tumigil pa si Nigel sa pagiging asukal nito sa kanya.

Hindi niya nireplyan ito, kailangan niyang panindigan ang pagpapamiss niya rito para lalo itong mapilitang makipagkita sa kanya. Naiinis kasi siya dahil hindi niya napipilit ang lalaki na makipagkita sa kanya hanggang hindi natatapos ang trabaho nito, ang ending eh palagi siyang naghihintay na matapos pa ito, kahit na ba pinipilit din ni Addy ang sarili na magpakabusy pero sadyang makulit ang kanyang sarili at gustong gusto nya nang makita ulit ito. Ni hindi yata siya mapapakali hangga't hindi ito nasisilayan.

Nagsisimula na siyang hiwagaan sa sarili, hindi na niya alam ang nangyayari sa kanya. Palaging idinadahilan nang isang bahagi ng kanyang isipan na  baka kaya gusto niyang nakikita ang lalaki eh para mas mapabilis at magawa niya ang plano rito. Iyon lagi ang itinataktak ni Addy sa kanyang isipan wala nang iba pa.

Natigilan naman siya nang magring ang kanyang phone, nakita nya ang pangalan nang kaibigan niyang si Everly.

Buhay pa pala ang bruha?

Mabilis naman iyong sinagot ni Addy at siya na ang naunang nagsalita mula sa kabilang linya "Hello how's your supposed to be bonding date with your suitor"

"Correction. Zane is my boyfriend now" mabilis na sagot nito sa kanya

"Siguraduhin mo lang na may pasalubong ako? Anyway, napatawag ka?"

"I'm here at my home, kakauwi lang namin ni Zane kahapon and i'm planning to buy a gown for the party tomorrow"

"And?"

"can you please go with me?"

"Where?" She have no choice, tinatamad na rin naman siyang tapusin ang mga naiwang trabaho.

"Great! Let's meet at starbucks"

"Okay" matapos nilang makapagpaalam sa isa't isa ay ibinaba na rin niya ang tawag. Inayos muna ni Addy ang gamit bago napagdesisyunang umalis sa kanyang opisina.

Wala pang isang oras nang makarating siya sa meeting place nila ni Everly. Natanaw na niya ito sa di kalayuan, tinawag niya naman ito kaya lumingon ito sa kanya. Nagyakapan sila nito nang makalapit sila sa isa't isa.

"Nasaan ang pasalubong ko?" Tanong niya rito na agad nitong ikinasimangot.

"Pasalubong agad? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kumusta na ako or bakit buhay pa ako hanggang ngayon" umirap siya rito

"C'mon masamang damo ka, kaya hindi ako nangangamba sa buhay mo"

"You're such a brat!" Pikon nitong sambit sa kanya

Nang makapasok sila sa loob nang mall ay agad silang nagtungo nito sa isang department store, tinulungan ito ni Addy na maghanap nang susuotin nitong gown para sa gaganaping Annual party.

Seducing the Third Party [R-18] CompletedWhere stories live. Discover now