Seduce 22

1.4K 45 4
                                    

Nagtagumpay din si Addy sa pagkumbinsi kay Nigel na makipagkita sa magulang nito ngayon. Bale dumaan muna sila nito sa mall para makapagpalit ito nang bagong damit at pagkatapos ay nagpunta na sila sa hometown nila Addy. Nang makapagpark sila ay sabay silang lumabas nito sa sasakyan, sinalubong sila ni Mang Ador.

"Hello young lady, may bisita po pala kayo?" Nakangiting bungad nito sa kanila at tumingin sa kasama niyang Nigel.

"Ahh Mang Ador this is Nigel my boyfriend, and Nigel this is Mang Ador matagal nang katiwala nang mga magulang ko" pagpapakilala naman niya sa mga ito.

Tumango at Ngumiti si Nigel "Magandang araw po Mang Ador" bati nito sa matanda

"Ikinagagalak po kitang makilala sir Nigel" anito, tumango lang naman si Nigel rito. Pagkaraan pa ay pumasok na rin sila ni Addy sa loob ng mansyon nito. Pagkapasok nila ay saktong naabutan nila ang mga magulang sa may salas at natigil lang ang paguusap ng mga ito nang makita sila.

"Dad, mom" bungad ni Addy rito at nilapitan ito upang halikan ang mga ito. Hindi nagsalita ang kanya ina at ama, nagtatakhang nakatingin lang ang mga ito sa kasama niyang lalaki.

"Ahh mom, dad this is Nigel my b-boyfriend" mabilis na tinignan ni Addy ang reaksyon ng ama nang maipakilala niya ang lalaki.

Nakita niyang bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito at tuluyang tumayo mula sa kinauupuang sofa, sinundan naman nito ng ina na seryoso lang ang naging reaksyon.

"Tito and tita i'm Nigel Hamza Fursegon, nice to meet you po" magalang na bati pa ni Nigel sa mga ito, at akmang magmamamo sana ito sa dad ni Addy nang ilayo nito ang palad sa lalaki

"Hindi ka welcome sa pamamahay ko ang mga katulad mong nanira nang relasyon!" Mariing sambit ni mr sullivan, at halata ang galit sa boses nito. Nagulat si Addy sa sinabi nang ama. Hindi niya inaasahan iyon. At paano nito nalaman ang tungkol 'don?

"Daddy!"

"Addyson pauwiin mo 'yan kung ayaw mong ipakaladkad ko pa yan sa mga guard at maguusap tayo!" Pagkatapos na sabihin iyon nang kanyang ama ay mabilis itong umalis. Hindi siya makapaniwala, hanggang sa maramdaman niya ang kamay nang ina sa kanyang braso.

"Addy, iho pasensya na kayo sa asawa ko, ako na ang humihingi ng dispensya sa sinabi niya. Addy, mas magandang pahupain mo muna ang init nang ulo ng iyong ama"

"W-walang anuman Mrs. Sullivan naiintindihan ko kung bigla ang aking pagsulpot dito" tumango lang ang ginang at nagpaalam ito na iiwan muna sila nito saglit upang sundan ang asawa nitong mainit ang ulo kaya naiwan silang dalawa ni Nigel.

Agad na niyakap ni Addy ang kasintahan "I-i'm sorry Nigel, hindi ko alam kung paano nalaman ni daddy ang tungkol sa atin. Kung sana ay hindi na kita pinilit na pumunta dito ay hindi ka mapagsasalitaan ni daddy" tuluyang napaluha si Addy matapos ang sinabi. Gayong buntis siya ay hindi na nakapagtatakang nagiging emosyonal sya ngayon dahil sa nangyari.

Naramdaman niya ang bahagyang paghaplos nito sa kanyang likuran. "It's not your fault Addy, don't stress yourself baka makaapekto kay baby. Baka sadyang nabigla lang ang ama mo na makita ako at ipakilalang bagong boyfriend mo" pagaalo nito sa kanya. Kahit ganon ay hindi pa rin naiwasan ni Addy ang masaktan para dito. Alam niyang itinatago lang nito ang lungkot sa hindi pagkatanggap sa kanya nito ng ama.

"Nigel kahit anong mangyari ipaglalaban kita"

"Me too Addy. Just wait at matatanggap din ako ng pamilya mo at gagawin ko ang lahat para pumasa sa  kanila" pagkatapos nito iyon sabihin sa kanya ay hinalikan siya nito ng mariin sa kanyang noo atsaka nito pinunasan ang pisngi niyang may luha.

Seducing the Third Party [R-18] CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora