Seduce 17

1.4K 42 2
                                    

Nagtungo si Addy sa pad ni Nigel dahil alam niyang dito 'rin ang punta nito kapag natapos ang dalawa sa kanilang pagdedate. Sana lang ay hindi na nito kasama pa si Dominic kapag umuwi ito, dahil baka masayang lang ang pagpunta niya rito. Knowing Dominic ay hindi siya nitong hahayaan pang makalapit kay Nigel.

Napagalamanan niyang hindi pa nakakauwi si Nigel dahil halos ilang beses siyang nagdoorbell sa pad nito ngunit walang nagbubukas sa kanya. Halos kalahating oras na rin siyang naghihintay sa tapat nang pad nito. Pabalik balik siya at hindi mapakali, hanggang sa umabot nang dalawang oras ang kanyang paghihintay. Hindi pa rin niya natitinag sa paghihintay rito, alam niya sa sariling hindi siya yung tipo ng tao na nagaantay nang matagal. Inipin siya, at ang kaya niya lang na ilaan ay kalahating oras Kapag hindi pa rin dumarating ang kameeting niya ay hindi na sya magaabala pang hintayin ito, pero hindi kay Nigel.

She was patiently waiting him!

Nangangalay na siya mula sa pagkakatayo kaya naman ay naupo na siya sa harap ng pinto nang pad nito at hindi alintana ang mga taong napapatingin sa gawi niya.

Mariin siyang napapikit at naiyuko ang ulo.

Where are you Nigel? Please dumating kana.

Parang dininig ang kanyang panalangin dahil bigla siyang may narinig na boses.

"Addy?" Narinig niya ang boses ni Nigel, kaya mabilis niyang naiangat ang ulo. Nakita niyang mag-isa lang ito

"Nigel" nakangiting tawag niya dito atselaka siya tuluyang tumayo. Pinagpag niya pa ang damit na bahagyang nadumihan.

"W-what are you doing here?" Nakakunot ang noo nitong tanong sa kanya. Sumeryoso siya

"I just miss you" matamis siyang ngumiti dito

"And i need to talk with you" dagdag niya pa, tinalikuran lang siya nito, at hindi pinansin ang kanyang sinabi. Nang mabuksan nito ang pinto nang pad niya ay malungkot na napangiti si Addy.

So alam na nito? That's why he mad at me?

Mukhang wala itong balak na ayain sya na pumasok sa loob ng pad, kaya sinundan niya na lamang ito. Tahimik lang sila nang tuluyang makapasok sa loob.

"Magpapalit lang ako" paalam pa nito, ngunit hindi niya itong hinayaang makaalis. Hinabol niya ito atsaka niya niyakap ito nang mahigpit mula sa likuran nito.

"Nigel p-please believe me. Di ba ako naman ang pinili mo?" Aniya rito, naalala niya ang pagpunta nito sa kanyang condo it means na pinipili siya nito kahit na ba na hindi niya tuluyang narinig mula sa bibig ni Nigel, na pinipili siya nito.

Ayaw na niyang magpaligoy pa, ito naman ang ipinunta niya rito ang kumbinsihin itong piliin siya at tuluyan nang iwan si Dominic.

Ilang segundong hindi umimik ito sa kanya. Ngunit maya maya lang ay tinanggal nito ang kanyang mga kamay sa bewang nito at hinarap sya.

Malungkot itong ngumiti sa kanya, nabuhayan nang loob si Addy. Hindi ito galit sa kanya?

"Addy h-hindi naman totoong inakit mo lang ako di ba?" Umaasa ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Akala ni Addy ay hindi na siya masosorpresa pa kapag binanggit ito nang lalaki sa kanya, ngunit nagulat pa rin siya sa narinig.

Gusto na niyang magpakatotoo sa sarili niya, hindi lang rito. Sa una, ay totoong inakit niya ito para sa plano niyang makaganti kay Dominic. Pero kahit na anong pilit niya sa kanyang isipan na plano lang ang lahat, eh nagawa pa rin siyang pagtaksilan nang puso niya.

"t-totoong inakit kita sa umpisa Nigel. H-hindi ko matanggap na iniwan ako ni Dominic at ipinagpalit lang sayo. Kaya plinano kong akitin ka at magkagusto ka sakin para iwan mo si Dominic, kahit papano ay makakaganti na ako sa kanya, pero believe me trinaydor ako nang sarili ko Nigel. I-i'm so sorry for what i've done to you. Nigel magsimula tayo ulit" malungkot na ngumiti sa kanya ang lalaki at sinapo nang dalawang kamay nito ang magkabila niyang pisngi.

Seducing the Third Party [R-18] CompletedWhere stories live. Discover now