Seduce 19

1.5K 41 11
                                    

"Anong kailangan mo?" Bungad ni Addy kay Dominic matapos niyang umupo sa harap nito. Kaninang umaga nang magising siya ay nabasa nito ang mensahe niyang gusto nitong makipagkita sa kanya, at kahit na galit siya rito ay hindi naman siya ganon kasama para indyanin ito.

Hanggang ngayon ay wala siyang ideya kung bakit ito nakipagkita sa kanya.

"Bakit hindi ka muna magorder, dahil mahaba habang usapan yata ang mangyayari?" Seryoso nitong sambit sa kanya. Kumunot ang noo niya rito at hindi na kinontra pa ang gusto nito.

Habang naghihintay sa kanilang order ay biglang nagsalita si Dominic.

"How are you Addy?" Halos sarkastiko siyang mapatawa sa naging tanong nito sa kanya.

Mukha bang ayos na siya? Iniisip at inaasahan ba nitong tuluyan na siyang nakamove on.

"Hindi okay ngayong nakita ulit kita" maldita niyang sambit rito at bahagyang sumimsim sa mango juice na inorder nito para sa kanya, hindi pa rin nito nakakalimutan ang mga hilig niya. Ganon rin naman siya dito, kahit na matagal na silang hiwalay nito ay alam niya pa din ang ayaw at gusto nito. Yon nga lang nagkamali siya sa isa. Hindi niya nalaman na gusto pala nito nang kapwa lalaking jowa tsk!

"Hindi ka pa rin nagbabago Addy" seryoso pa rin ang mukha nang kumag niyang ex. Hindi niya alam kanina pa siya inis na inis rito, pinipigilan niya lang ang sarili. Mabuti na lang at may mango juice siya, pampakalma sa sarili niyang malapit nang manuntok nang kaharap.

"Maganda pa rin ako Dominic. Iyon lang ang hindi nagbago sa akin" kahit na binabara niya ito ay patuloy lang ito sa pagiging kalmado na labis niyang ipinagtatakha. Hindi ganito ang kilala niyang Dominic, dahil kahit maliit na bagay na nasasabi niya rito ay lagi itong may panglaban sa kanya.

"G-gusto kong magsorry sa lahat nang nagawa ko sa iyo Addy. I admit that i cheated on you, i was with him five months kahit na tayo pa. Akala ko sa una nacoconfuse lang ako sa nararamdaman ko para kay Nigel dahil nandyan siya noong mga panahon na kailangan ko nang karamay. Mababaw man ang problema ko tungkol sa business ko but Addy i never expected na siya yung nandyan instead of you na busy sa kakasermon sakin sa hindi ko pakikipagkita sayo agad, umaasa akong kakamustahin mo ang araw ko at itanong sakin kung ayos lang ba ako. Pero hindi ko 'yon narinig mula sayo"

Hindi naiwasan ni Addy na mapakuyom nang palad sa narinig. "So nakipagkita ka sakin para isumbat sakin ang lahat, na ako ang may kasalanan kung bakit nagsawa ka sakin" inis niyang asik rito.

Kung alam niya lang na ito ang paguusapan nila sana ay hindi na siya nagabala na siputin ito. Ano bang kailangan pa nito? Nasa kanya na ang lahat! Kulang pa ba, kailangan niya pa ba ako ulit uliting saktan?

"I owe you an explanation Addy kaya sinasabi ko sayo ang lahat. Kahit papano may pinagsamahan tayo and i need a good closure this time"

Ang kapal din naman nito na humingi pa sa kanya nang closure pagkatapos nang lahat. Pero fine! Pagbibigyan niya ito, para tuluyan na siyang tantanan nito.

"Sabihin mo na ang lahat mang gusto mong sabihin. I listen to you, but i just want to clarify to you Dominic. Parehas tayong nagkamali sa naging relasyon natin, kaya huwag mong isisi sakin ang lahat na para bang ikaw ang biktima dito" tumango tango lang ito sa kanya.

" I know Addy. Sorry for everything, at sorry sa two years na sinayang ko. Pero kahit kailan ay hindi ko pinagsisihang iwan ka upang piliin si Nigel" anito, hindi niya sinagot ito. Sumimsim muli siya sa kanyang mago juice mukhang kukulangin ito sa kanya.

She's still curious kung paano ito nagkagusto sa kapwa lalaki nito.

"Can i ask?" Tumango naman ito sa kanya, dumating na rin naman ang inorder nilang dessert. Wala siyang gana kaya ito lang ang inorder niya.

Seducing the Third Party [R-18] CompletedWhere stories live. Discover now