Seduce 6

1.8K 48 0
                                    

"I-i'm sorry kung natagalan" bungad na sabi sa kanya ni Nigel nang makabalik ito sa opisina galing sa business meeting nito.

Halos dalawang oras ding naghintay si Addyson, hindi naman siya gaanong nabored dahil katawagan niya si Everly. Una itong tumawag sa kanya kanina kaya she have no choice to tell her the story between  her and Nigel upang matigil na rin ito sa kakaintriga sa kanya.

"It's okay. So let's go!" tumango lang si Nigel sa kanya at sabay nga silang lumabas nang opisina nito. Naglalakad sila palabas nang hotel, kaya hindi naiwasan ang pagtinginan sila ng mga tao especially nang mga empleyado ni Nigel sa hotel.

"Ngayon lang ba sila nakakita nang babaeng kasama mo?" Tanong niya rito

"Hindi porket gay ako ay lalaki na palagi ang kasama ko" seryoso nitong bulong sa kanya na siyang mahina niyang ikinatawa.

"Malay ko ba? Gays love boys"

"Not all Addy" he was defensive. Nagkibit balikat na lamang siya sa sinabi nito. Nang makarating sila sa parking lot ay napagdesisyunan nilang gamitin ang sasakyan ni Nigel. Babalikan na lamang ni Addy ang kanyang kotse na naiwan sa parking lot.

Sa isang italian restaurant nila napagdesisyunang kumain.

"What do you want to eat?" tanong sa kanya nito habang hawak ang isang menu

"Kung ano ang sa iyo" aniya rito, nang makaorder naman si Nigel ay ibinalik nito ang menu sa waiter na kumuha nang kanilang order

"How long have you been in business?" she suddenly ask on him, habang hinihintay nila ang order ay napagdesisyunan ni Addy na tanungin ito tungkol sa personal nitong buhay. She guess that he will gladly answer her question to him dahil alam na rin naman niya ang kalahati nang pagkatao nito. And she feel comfortable talking him.

"After i graduated my dad gave me one of our family business which the NHF hotel as his graduation gift to me. Pero hindi ako agad pumayag na maging CEO ng hotel at pamahalaan ito. I will suggest to undergo training, lahat nang ginagawa ng mga empleyado ko sa loob ng hotel ay nagawa ko na. Tumagal ako ng one year sa pagtatraining ko at nung naging pamilyar sa pamamalakad sa hotel ay hinandle ko na ito at the age of twenty two. I'm twenty nine years old and seven years ko na ring hawak ang hotel" Addy amaze his story.

Noong ipinama nang daddy niya ang kompanya niya ay twenty two na rin sya non. She did trained ng mga tauhan nang kanyang daddy ngunit hindi katulad ni Nigel na maraming pinagdaaanang hirap bago tuluyang ihandle ang business ng pamilya nito.

Bakit nga ba hindi niya kilala ang lalaki noon pa man, gayong nasa business world rin siya at halos kilala niya lahat ang mga maimpluwensyang mga tao pagdating sa larangan nang business or sadyang lowkey at mas piniling iprivate ang impormasyon nang pamilya nila.

"What about you Addy?" Nakangiting balik na tanong sa kanya ni Nigel

"May-ari ang daddy nang company appliances. Hindi naman ganon kalaki. May dalawang branch iyon at sa akin niya ipinama ang isa at kay kuya Adrian naman ang isa pa"

"So, kapatid mo si Adrian Sullivan?"

Kumunot ang noo niya "Bakit isa ba siya sa mga naging boyfriend mo?" tumawa lang ang lalaki sa kanya at umiling

"Isa siya sa nakadeal ko sa business upang magprovide nang ilang appliances para sa hotel" nakangiti nitong sambit sa kanya. Tila napahiya siya kaya nainom niya ang apple juice sa kanyang harapan. Ilang minuto lang din ay dumating na rin ang kanilang inorder kaya nagsimula na rin silang kumain nito.

"Here try this, masarap 'yan" nakangiti nitong sabi sa kanya nang ilagay sa plato niya ang isang putahe.

Ngumiti siya dito "thank you" tinikman niya ang ibinigay nito, masarap nga 'yon dahil ito lang ang may kakaibang lasa sa lahat nang putaheng inorder nila. Habang busy sila sa pagkain ay bigla na lang may lumapit na lalaki sa kanilang table.

Seducing the Third Party [R-18] CompletedWhere stories live. Discover now