Seduce 18

1.5K 36 13
                                    

"You sure na kaya munang pumasok?" Halos paulit ulit na tanong nito sa kanya ni Everly, naiikot niya naman ang mga mata habang patuloy siyang nagbibihis ng pang business attire.

Sa loob nang apat na araw na pagkakasakit niya ay nandito lang ang kaibigan sa tabi niya, hindi siya nito iniwan hangga't hindi siya gumagaling. Nagsuggest itong magpahospital sya ngunit tinanggihan niya ito, kaya ito na lang ang nagpresinta na alagaan siya. Hindi niya alam kung nasaan ang jowa nito at sya ang ginagambala nito.

"Hindi ka pa ba susunduin nang jowa mo? for pete sake Eve! Halos tumira kana dito, look maayos na ako" totoong maayos na ang kanyang pakiramdam, thanks to her! Hindi niya ugaling maging matamis dito at hindi siya sanay, kaya ganito ang way na  pagpapasalamat niya dito. And Everly knows her!

Nakita niya ang pag-ikot ng mga mata nito

"Gagang to salamat sa pag-aalaga ko sayo huh babae!" Asar nitong sambit sa kanya, saktong natapos siya sa pagbibihis kaya lumapit siya rito na nakaupo sa kanyang kama.

Mahigpit niya itong niyakap at hinalikan ito sa pisngi
"You're welcome, 'yan okay na ba?" Nakangisi niyang sambit pa rito, nandidiri naman itong tumingin sa kanya.

"Kadiri ha!" Maarte nitong untag na ikinatawa niya kaya humiwalay na siya rito.

"Pero sa sperm ni Zane hindi ka nandidiri?"

"Addy!" Saway nito sa kanya at binato siya nito nang unan na agad niyang nailagan.

"Palibhasa namimiss mo yung sperm ni Nigel!" Kapwa parehas silang natigilan na dalawa nang mapagtanto nila ang binanggit ni Everly na pangalan. Sa loob nang apat na araw nilang magkasama ay hindi sinubukan ni Everly na banggitin ulit ang pangalan nang lalaking naging rason nang pagiging brokenhearted nang kanuang kaibigan. Ramdam niyang nasasaktan pa rin ito.

Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi bagkos ay tumayo ito at tumikod na sa kanya. "Aalis na ako. I'll treat you lunch tomorrow for thanks gift" matapos na sabihin iyon ni Addy ay tuluyan na itong umalis nang condo nito.

Habang nagdadrive si Addy ay hindi niya maialis sa kanyang isipan ang sinabi ni Everly, hindi dahil sa laman nang sinabi nito. Kundi ang muling pagbanggit nito sa pangalan nang lalaking gusto na niyang burahin sa sistema niya at tuluyang kalimutan.

Akala niya naiiyak na niya ang lahat kay Everly, ngunit tuwing gabi at kapag umaalis ang kaibigan nang kanyang unit ay hindi niya mapigilan na maiyak. Pero ngayong araw nangako siya sa sarili na ititigil na niya ang kanyang kahibangan sa lalaki, hindi nito deserve ang kanyang luha. At isa pa, hindi porket hindi siya ang pinili nito ay kailangang matapos na ang lahat. Ang namagitan lang sa kanila ang matatapos, at ang hindi ang buhay niya.

Hindi lang ito ang nagiisang lalaki sa mundo! Kung nakaya siya nitong hindi piliin, pwes mas kaya niya naman itong palitan agad.

Winelcome muli siya nang mga empleyado sa muling pagbabalik niya sa trabaho. Tinanguan at nginitian niya lang ang mga bumabati sa kanya, hanggang sa makarating siya sa kanyang opisina. Sinundan naman sya nang kanyang sekretarya.

"How's the company? May meeting ba ako ngayon?" tanong niya rito habang binubuksan ang kanyang laptop

"Well good ma'am. So far you have no meeting for today, dahil napaalalahan naman na ang board na may sakit ka. And the head on the factory contact me earlier. He said that the customize appliances that mister Nigel requested is finally done, and tomorrow pwede na iyong ideliver sa hotel nito" tumango tango siya.

"Thank you Lina. Ikaw na ang bahalang magremind kay mister Fursegon niyan" aniya habang hindi inaalis ang mga mata sa laptop, she checking her emails.

Seducing the Third Party [R-18] CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora