Seduce 4

2.1K 45 0
                                    

Saktong natapos sa pag-aayos si Addyson sa kanyang sarili nang dumating ang sundo niyang si Everly kasama nito ang manliligaw na si Zane.

"Wow! You look nice" namamanghang komento sa kanya nang kaibigan nang makita nito ang kanyang anyos. Ipinusod niya ang mahaba at kulot niyang buhok at nagapply siya ng kaonting make-up sa mukha.

"You too girl" nakangiti niyang ani rito. tinanguan niya naman si Zane sa tabi nito kaya tumango at ngumiti din sa kanya ang lalaki.

"So let's go girls?" Aya ni Zane sa kanila.

Nang makasakay sila nang kotse ni Zane ay sa likod siya pumwesto.

Perks of being the third party!

Alam niya naman ang dahilan ni Everly kung bakit siya isinama nito ngayon, upang hindi ito mabored doon

"Zane don't you dare to be drunk, ihahatid mo pa kami ulit ni Addy" Everly said to his suitor

"Yes my queen"  sagot nito sa kaibigan niya.

"Good boy my king" si Everly

Natawa naman si Addyson sa tawagan ng mga ito "Yuck ang corny ng endearment niyo wala na bang bago?" nakita niya na sinamaan siya ng tingin nang kaibigan.

"Mas maganda namang pakinggan yung king and queen namin kaysa sa babe niyo nang ex mong iniwan ka lang rin sa ere" prangkang sagot pa sa kanya ni Everly. Hindi siya sumagot, alam talaga nang kaibigan niya kung paano siya titirahin nito sa sagutan tsk!

Not that she's affected on her ex. ayaw niya lang na ituloy ang usapan tungkol sa hayop niyang ex dahil masisira lamang ang kanyang araw pagnagkataon. Hindi niya kailangan 'yon, dahil goodvibes lang ang kailangan niya ngayong gabi.

Ilang minuto pa ay nakarating na rin sila sa bahay ng kaibigan ni Zane. Mula sa labas ay rinig na ang lakas at masayang tugtog. Maliwanag sa loob dahil napapalibutan iyon na makukulay na ilaw na ipinalibot sa loob ng bahay. Marami nang mga bisita sa loob nang makapasok sila. Idiniretso sila ni Zane sa kaibigan nitong may birthday upang bumati.

"William pare happy birthday!" Bati ni Zane sa kanyang kaibigan nang makita nila ito.

"Happy birthday Wil" bineso naman ito ni Everly

"Salamat pare and Eve!" Nakangiti nitong sagot, bumaling naman ang tingin nito sa kanya

"Ah bro this is Addyson, Everly's bhestfriend" pagpapakilala ni Zane sa kanya.

"Hi! Happy birthday and nice to meet you william" inabot niya ang kamay rito upang makipagkamay na mabilis namang tinanggap nang lalaki.

"Thank you and nice to meet you too Miss Addyson!" Nakangiting tugon sa kanya nang lalaki. Gwapo ang kaibigan ni Zane, pero hindi niya type ang badboy look nito

"Maiwan ko muna kayo. Enjoy yourself here" after that, William excuse himself to them

Dinala naman sila ngayon ni Zane sa isang table na kung saan nandito ang apat pa nitong kaibigan na lalaki na may kanya kanyang 'ring babaeng date sa gilid ng mga ito maliban sa isa. Nakisalo sila sa mga ito.

"Hi! I'm Vladimir" pakilala nang isang lalaki na katabi niya. Ito iyong isang lalaki na walang kasamang girl.

"Addy" matipid niyang pakilala. She's not interested with him. Lalo na't mukhang playboy ito.

"So why are you here?"

"Isn't obvious that i'm invited here" pambabara nito na siyang ikinatawa lang nito.

"Right! Mukhang napipilitan ka lang 'rin na pumunta rito" nilingon niya ito

"Paano mo nasabi?"

Seducing the Third Party [R-18] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon