Chapter 12

85.9K 2.8K 335
                                    

Chapter 12

"Anong kagaguhan ito, ha?!" singhal ko nang puwersahan niya akong ipinasok sa van.

Nang nagtagumpay siya ay umusog ako at sinamaan siya ng tingin. Muntik ko na siyang suntukin sa sobrang inis. Hindi ako makapaniwala na gano'n na lang niya ako kunin! Nagtatrabaho ako!

Binalingan ko ang katabing pinto ko at akmang bubuksan ngunit napatid ko na lang ang upuan sa harap nang nalamang lock ang pinto.

Inis kong nilingon si Ashton. Kasalukuyan niyang kausap ang driver. Gusto ko na lang sumabog sa inis at gigil. Hindi man lang niya pinansin ang pagmamaktol ko rito!

Kumuyom ang kamao ko at sa isip ko, paulit-ulit kong pinagsusuntok ang itlog ni Ashton hanggang sa mabaog siya at hindi na makabuo ng bata.

Nang nagsimula nang nagmaneho ang driver, nataranta ako. Pinatid ko ang paa ni Ashton kaya napatingin siya sa akin.

"Kagaguhan?" He chuckled. Humalukipkip siya at nakangisi akong tiningnan. "What are you talking about? Sinabi mo na sa akin na pakakasalan mo ako. There's nothing wrong with it. Sinundo ko lang ang fiancee ko mula sa trabaho niya."

"Tanga ka ba?" gigil na gigil ko na sambit. Halos ihampas ko na ang kamay ko sa upuan. "Supervisor ko iyon! Paano kung masisante ako dahil sa ginawa mo? Hindi ako katulad mo na mayaman kaya huwag mo akong pagtripan sa oras ng trabaho ko!"

Ang suwerte na nga niya kasi humihiga na siya ngayon sa pera, samantalang ako, kinailangan ko pang gumapang, magkapera lang.

Napawi ang kanyang mapang-asar na ngisi dahil sa sinabi ko. Tingin ko ay nainsulto siya ngunit wala akong pakialam. Wala ba siyang utak? Mayaman naman siya, dapat bumili siya para malaman niya na mali ang ginawa niya kanina.

He looked at me darkly and I saw how his jaw moved. "I am the owner of the mall," mapanganib niyang sambit habang salubong ang kanyang mga kilay. "Should I fire him?"

Namilog ang mata ko sa narinig. I looked at him in disbelief.

"Ikaw ang may-ari ng mall na iyon?" hindi makapaniwala ko na tanong.

He nodded and smirked. Kitang-kita ko ang tuwa niya sa aking reaksyon. Parang ang sarap sa pandinig niya ang tanong ko. He even adjusted the collar of his expensive shirt na bumagay sa kanyang cargo pants. Mukha siyang hindi bilyonaryo sa damit niya, mukha siyang turista.

"Ah, ganoon ba?" matabang ko na sambit sa kanya at nagtiim-bagang bago ko hinampas ang upuan na nasa tabi ko na nagpagulat sa kanya.

"Dapat taasan mo ang mga sahod namin!" diretsahan kong sambit sa may demanding na tono. "Ikaw naman pala ang may-ari!"

Namilog ang mata niya sa sinabi ko.

Mayaman naman siya, ah, kaya dapat lang na taasan niya ang mga sahod namin. Hindi lang iyon, dapat hindi sila basta-basta tumatanggap ng empleyado!

"Wow..." hindi makapaniwala niyang sambit at napailing na lamang sa akin. "Are you asking for it right now?"

"Oo!" agad ko na sagot at saka umayos ng upo. Binuka ko pa ang palad ko at tinuro-turo kung ano ang point ko sa sinabi ko. "Kung hindi man sahod, dapat ang requirements naman ninyo sa pagpili ng mga empleyado!"

Masyado kasing mataas ang standard ng mall niya. Gusto kagandahan kaysa serbisyo. Kaya ayan, nagkaroon sila ng isang Miranda.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo habang mukha akong tanga rito.

"Dapat hindi lang kagandahan. Dapat masipag din!" pagpatuloy ko. "At saka walang backer! Dapat tanggap mga Senior High Graduates at saka dapat honest! Bulok sistema ng mall mo! Hindi ba, Manong?" Binalingan ko ang inosenteng driver na nadamay ko pa yata.

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon