Chapter 40

40.5K 1.3K 14
                                    

Chapter 40

Dinala namin sa apartment ni Cheska ang walang malay na si Art. Buhat-buhat siya ng mga walang bakuna ko na mga bodyguards. Mukhang na-satisfy yata sila sa ginagawa nila dahil hindi man lang nagsisi. Sino ba ang mga bodyguards na ito at masyado yatang uto-uto?

Hindi ko maiwasan ang mainis kay Ashton. Bakit niya naman inutusan ng gano’n? Bawal na bang lumapit ang mga lalaki sa akin? As if naman magtataksil ako. Natural na may lalaking lalapit sa akin. Paano kung may lalapit na lalaki tapos magtatanong lang pala? Susuntukin?

Bigla akong na-stress sa nangyari.

Maingat nilang inihiga sa sofa ang walang malay na si Art. Habang ginagawa nila iyon ay sinamaan ko sila ng tingin.

“Hindi ko alam kung ano ang gagawin natin diyan!” natatarantang sambit ni Cheska sabay lapag sa paper bag niya sa lamesa.

Hindi namin nabili lahat ng gusto naming dahil sa bodyguards na ito. Umupo ako sa kabilang sofa at pinagmasdan ang nakakaawa na si Art.

Tumayo ako upang lumapit. Gusto kong tingnan kung ano ang kalagayan niya. Kung dapat ba kaming magtawag ng doctor o hindi na.

Nag-squat ako sa harapan ni Art at saka akmang hahaplusin ang pisng niya nang bigla hinawakan ng isa sa mga bodyguards ang kamay ko at inilayo kay Art.

Binawi ko agad ang kamay ko at inis silang binalingan.

“Ano ba?”

Tumikhim ang isang bodyguard at saka umayos ng tayo. “Ma’am, ang sabi ni Sir, huwag daw kayong humawak sa mga lalaki.”

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala silang tiningnan. Mas lalo tuloy akong nainis kay Ashton!

At saka bakit si Art pa? Ang bait-bait ng tao, eh! Mukhang gusto lang naman akong kausapin pero na K.O!

Bumalik si Cheska na may dalang tubig na malamig at saka panyo.

“Hindi ko talaga alam kung ano ang igagamot diyan!” naiiling na wika ni Cheska na katulad ko ay problemado na rin sa nangyari. Nilapag niya ang palanggana sa gilid ko. “Hintayin na lang kaya natin na magising iyan. Humihinga pa naman.”

Napatango na lamang ako at nag-aalala na binalingan si Art. Hindi naman malaki ang pasa niya pero naging violet ang bandang mata niya. Ang mga bodyguards ko ay parang walang nangyari. Nakahawak ang isa sa remote habang naglilipat ng channel.

Hindi ko maiwasan ang mainis. Parang hindi sila mga bodyguards kasi ang chill nila! Tanginang mga ito. Sarap itapon sa Mars!

Napatingin ako kay Cheska na ngayon ay nanlumo na rin. Feel at home ang mga bodyguards ko at nakakahiya kay Cheska.

“Gagi, ilipat mo sa isang channel. Bobo mo, pare!”

Natigilan ako nang makilala ko ang boses na iyon. Nilingon ako ang dalawa at napatayo. Nagtaka naman si Cheska sa ikinilos ko pero wala akong paki. Kaya pala hindi ko sila namukhaan at nabosesan. May pekeng bigote pala na nakalagay at saka iniba ang boses.

Padabog akong lumapit sa dalawa at sabay na hinablot ang mga shades nila. Nalaglag ang panga ko at nabitiwan ang mga shades nang makumpirma ko na sina James at Matthew nga ito.

Napahalukipkip ako at tinaasan sila ng kilay. Nakita ko ang pagtigil nila at ang paglaki ng mga mata nila.

“Talaga lang, ah?” sarkastiko kong sabi at napatango-tango.

Nagkatinginan silang dalawa. Napalunok bago ako tiningnan ni Matthew na mukhang mag-e-explain pa yata.

“Katarina, kasi si Ashton pare—”

“Wala akong paki!” singhal ko na ikinagulat nila pareho. “Kaya pala ang lakas ng loob niyong manuntok!” Tinuro ko si Art na walang malay. “Gisingin niyo iyan o habang buhay kong hindi papansinin ang kaibigan niyo!”

“Problema na iyon ni Ashton. Malaki na siya. Susuyuin ka lang no’n,” nakangising sambit ni Matthew at naglipat ng channel.

Hindi ako makapaniwala na ang mga kaibigan pala ito ni Ashton. Ano ba ang trip nila sa buhay at nagganito sila? Sa pagkakaalam ko, mayaman ang mga ito.

At siyempre, susuntukin talaga nila si Art kasi kalaban nila si Art dati sa basketball at tingin ko ay hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bati.

Kaya pala hindi sila talaga sunod nang sunod sa akin gaya ng dati kong bodyguards kasi mga kaibigan pala ito ni Ashton.

Wala na akong magawa kundi ang hayaan sila.

Isang oras ang hinintay naming bago nagising si Art. Nakahawak siya sa kanyang ulo at napaungol sa sakit na naramdaman. Agad-agad akong lumapit kay Art at umupo para maging ka-level kami.

“Art!”

Nagulat siya nang makita ako. “Crystal?”

Tumango ako. “Okay na ba ang pakiramdam mo?”

Magsasalita na sana si Art nang may biglang tumikhim kaya sabay kaming napalingon ni Art. Tumayo ang dalawa at lumapit sa akin. Mayabang na ngumisi sila kay Art bago ako hinila patayo at palayo kay Art. Binawi ko agad ang kamay ko.

“Ano ba?”

Kumunot ang noo ni Art nang makita ang dalawa.

“What are you—Shit!” Napahawak si Art sa kanyang bandang mata nang nakaramdam siya ng sakit kaya sinamaan ko ng tingin si Matthew na mukhang natatawa na.

“Masaki ba ang suntok, pare?” maangas na tanong ni James.

Napatayo si Art nang makilala niya ang dalawa.

“You son of a bitch!” Nagngitngit ang ngipin ni Art.

“Huwag ka nang lumapit kay Katarina kung ayaw mong masapak ulit.”

Hinila na ako ni James kasama si Matthew.

“Teka…” narinig kong tawag ni Cheska peroo hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi dahil nakalabas na kami ng apartment.

Sapilitan pa nila akong ipinasok sa kotse at natatawang nag-drive.

“Mga kulang ba kayo sa bakuna?” sigaw na tanong ko. “Mga buwisit kayo! Sinira niyo ang araw ko!”

Kumuyom ang kamao ko nang hindi nila ako pinansin. Buwisit ka Ashton! Nanggigigil ako sa iyo! Wala kang lambing na makukuha sa akin, Monteverde! Nanggigigil ako!

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon