Chapter 43

62.3K 2.2K 329
                                    

Chapter 43

Warning: This chapter is not suitable for readers below 18. Read at your own risk.

Malungkot na inilapag ko ang mga binili namin kanina sa lamesa at iniwan si Lucy sa kusina kasama ang iba pang kasambahay. Hindi na ulit ako pinansin ni Ashton at mukhang inis na inis talaga siya kanina.

Bukod sa nauto ko siya na sa palengke lang pala ang punta namin, nakita niya pa si Art. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para hindi na siya mainis o magalit.

Hindi ako ang taong nanunuyo kapag nag-aaway. Kadalasan, si Ashton pa ang sumusuyo sa akin. Pero ngayon mukhang kailangan ko nang manuyo dahil ayaw ko na magtagal ang ganito. Kasal na kami ni Ashton at wala rin naman akong ginawang masama. Talagang nagulat din ako sa sinabi ni Art.

He will snatch me? Ha? Hindi rin ako magpapa-snatch, no? Kaya bakit takot itong si Ashton. Sa kanya naman ako, ah!

Umakyat ako patungo sa kuwarto at pumasok sa loob. Nadatnan ko roon si Ashton na nakasandal sa headrest habang nagbabasa ng libro.

Napahawak ako sa pintuan at saka pinagmasdan siya. Hindi man lang siya lumingon sa akin. Talagang nasa libro lang ang tingin niya.

Seryoso ba siya? Hindi niya ako papansinin?

“Ashton…” tawag ko sa kanya para makuha ang atensyon.

Sinulyapan niya ako pero saglit lang iyon dahil agad niyang ibinalik ang tingin sa kanyang hawak na libro. Naibagsak ko na lamang ang balikat ko at saka padabog na naglakad patungo sa banyo.

Kinuha ko ang tuwalya at naisipan na lamang na maligo. Gusto ko na lang maging fresh ngayon dahil na-stress na ako kay Ashton. Hindi naman sadya ang pagkikita namin ni Art at wala sa isip ko na makita siya kahit may kasalanan kami sa kanya.

Binalingan ko si Ashton at nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero nang mahuli ko siya ay agad niyang ibinalik ang tingin sa libro. Napasimangot ako at pumasok sa banyo. Padabog kong sinara ang pinto at saka dumiretso sa bath tub. Inilubog ko ang sarili ko sa bath tub at napapikit.

Maraming bumagabag sa isip ko. Bukod sa pagseselos ni Ashton ay si Ate. Hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako matitiis. At gusto ko rin bisitahin ang puntod ni Papa para ipaalam sa kanya na nakapasa na ang bunsong anak niya.

Kung buhay siguro siya ay sigurado ako na masayang-masaya iyon. Pero nakakalungkot dahil hindi man lang siya nakaabot. Kung nandito sana siya ay baka kung saan-saan na niya ako pinapasyal ngayon dahil sa pagkapasa ko sa board.

Napangiti ako sa naisip at hinaplos ang sariling katawan. Dumilat ako at kumuha ng sabon para pabulain ang tubig. Pagkatapos no’n ay pumikit muli ako.

Sobrang pagod ko ngayong araw at kailangan ko ng beauty rest. Hindi ko namalayan na sa sobrang dami ng iniisip ko ay nakatulog ako sa bath tub.

***

Nagising ako mula sa pagkatulog nang makarinig ako ng yapak mula sa labas. Hindi man gaano kakita kasi masyadong blurry ng paningin ko pero kilalang-kilala ko ang tao na nasa harapan ko ngayon, nakatingin sa akin.

Nang tuluyan ko nang makita ang buong mukha niya ay napasinghap ako sa sobrang gulat at napaupo sa bath tub.

“Ashton…”

Umawang ang labi ko at unti-unting bumaba ang paningin ko sa kanyang katawan. Nanigas ako nang ma-realize ko na hubo’t hubad si Ashton.

Napalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang paningin namin. Kitang-kita ko ang kasabikan sa kanyang mata at gusto kong itago ang sarili ko dahil pinasadahan niya ako ng tingin.

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Where stories live. Discover now