Chapter 22

78.5K 2.8K 95
                                    

Chapter 22

“Gusto ko may rules ang pagsasama natin, Mr. Billionaire,” ani ko sabay angat ng aking kilay.

Nasa may sala kaming dalawa nakaupo sa sofa at sobrang saya ko nang magsibalikan ang mga kasambahay ni Ashton. Nakita ko nga si Manang Lolita na kasalukuyang naghahanda sa aming almusal.

It’s good na nandito na ang mga kasambahay ni Ashton para naman hindi ako masyadong matahimikan dito.

At saka, ayokong makasama palagi si Ashton!

Pero alam ko na imposible iyon dahil asawa ko na siya. I need to be his wife for a show. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan niya ng asawa, e, hindi pa naman siya gaano katanda. Ilang taon na nga siya? Twenty-two? Twenty-three? Ewan. Noong naghiwalay kami, twenty na ang edad niya habang ako ay nineteen pa lang.

At isa pa, kung may mas better choice man, si Sabrina iyon. Ano ba talaga ang reason kung bakit kailangan niya ng asawa? For a show lang ba talaga?

Napailing na lamang ako at hindi na lamang iniisip iyon. Ang mahalaga ay nasa akin na ang titulo. Balang araw, tatayuan ko ng bahay ang lupa ni Papa at doon ako titira kapag natapos na ang lahat ng ito.

Tiningnan niya ako na may pagtataka sa kanyang mukha. Pinagmasdan niya ang padabog na paglapag ko sa papel at ballpen sa lamesa. Nagsulat ako ng rules kagabi nang maisip ko ang pagiging mag-asawa namin.

Of course! I need to protect myself from him. Kailangan may boses din ako at kailangan naming pag-usapan ang bawal at hindi sa pagpapanggap na ito.

Kunot-noo niyang kinuha ang papel at saka nagtaas ng kilay nang makita ang laman. Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita.

“Naisip ko iyan kasi nakita ko sa isang movie na ikinasal for a show. Parang relate na relate tayong dalawa. Kaya may rules sila at ayan, may set of rules na tayo na dapat nating sundin,” paliwanag ko at humalukipkip.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Really?”

“Ha?”

Bumaba muli ang tingin niya sa papel at binasa.

“First, separate ang room natin kapag wala ang Mommy mo at iba pa,” basa niya at tumango-tango naman ako. “What the hell? Ayaw mob a akong makatabi?”

Natawa ako sa kanyang sinabi. “Siyempre! Saka lang ako tatabi sa iyo kapag nandito ang parents mo o mga taong niloloko natin! Pero kapag wala, edi layo tayo sa isa’t isa.”

“No, hindi ako papayag.” At nagpatuloy siya sa pagbabasa.

Napailing na lang ako at pinakinggan siyang seryoso sa kanyang binabasa. Mas lalo lamang kumunot ang noo niya sa sunod na binasa niya.

“Hugs and smack kiss are only in public. No sexual intercourse.”  Napangiwi siya at nag-angat ng tingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. “What?”

“Really?” aniya sabay tingin muli sa papel.

“Really.”

“You want us to kiss publicly?” pang-aasar na tanong niya at sumilay ang ngiti sa labi.

Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at binawi ang papel.

“Hindi!” ani ko at kinuha ang ballpen para mapalitan. “Ang ibig kong sabihin ay kapag meron lang tao at kapag kailangan lang,” paglilinaw ko.

“And no sexual intercourse,” dagdag niya at tinaasan ako ng kilay. “Why?”

Bumilis ang paghinga ko sa tanong ng  lalaking ito.

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Where stories live. Discover now