Chapter 30

41K 1.4K 16
                                    

Chapter 30

“Katarina…”

Kuyom na kuyom ang kamao ko habang naglalakad palabas ng big 4. Nakasunod si Ashton sa akin at tinatawag nang paulit-ulit ang pangalan ko.

“Katarina, mag-usap tayo.”

At nang mahuli niya ang kamay ko ay natigil ako sa paglalakad at nilingon siya.

“Ano?” Iniwakli ko ang kamay niya at saka tiningnan siya ng masama. “Ano pa ba ang ginagawa mo rito, Ashton?”

Hinawakan niya muli ang kamay ko at mariing tiningnan.

“Why are you with him?” mariing tanong niya at humigpit ang hawak niya sa akin.

Natawa ako. “Bakit ka ba nagtatanong? At aksidente ko lang siyang nakita. Hindi ko alam na nandito rin pala siya.”

Bumaling ang tingin ni Ashton sa jacket na nasa balikat ko. Kumunot ang noo niya at napasinghap ako nang marahas niya itong hinablot mula sa akin.

“Ash!”

Namilog ang mata ko nang itinapon niya ito na parang isang basura. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kaya mas lalo akong nainis.

“Bakit mo ginawa iyon?” inis ko na tanong at akmang pupulutin ang itinapon niya na jacket ngunit natigilan ako dahil nakahawak pala siya sa akin. “Bitiwan mo nga ako!”

Sinubukan kong kumawala sa hawak niya ngunit masyado siyang malakas.

“Bakit mo pupulutin?” tanong niya at umigting ang panga niya. “Ayokong lumalapit ka sa kanya, Katarina.”

Umawang ang labi ko at naramdaman ko ang pagwala ng puso ko dahil sa narinig. Parang kanina lang ay sikip na sikip ang dibdib ko ngunit ngayon, nag-iba na naman ang pagtambol ng puso ko. Nakakainis!

“Why?” Tiningnan ko siya. “Bakit ko naman siya iiwasan?”

Bumilis ang paghinga ko sa tanong na iyon. Sumabay pa ang simoy ng hangin kaya medyo nangatog ang binti ko sa lamig.

“Because I said so, Katarina. Iwasan mo siya para sa akin.”

Napailing ako sa kanya. “Hindi ko iiwasan si Art nang walang dahilan, Ashton.”

Kinagat niya ang ibabang labi niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Lumuwag din ang pagkahawak niya sa kamay ko kaya naging advantage ko iyon para tuluyang makawala sa kanya.

Nang makawala ay niyakap ko ang sarili ko at saka umatras.

“Bakit mo ba sinasabi iyan?” tanong ko at napasinghap. “Hindi nga kita pinagbawalan na kitain si Sabrina, eh!”

Nagulat siya sa sinabi ko at napatingin sa akin. Gulat na gulat siya. Halata naman sa pamimilog ng mata niya. Hindi ko mapigilang sabihin iyon. Siguro dala na rin ng pride at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya ngayon.

“Kat—”

“Hindi nga kita pinipigilan sa gusto mo, eh!” pagpatuloy ko. “Wala kang karapatan sa akin at wala akong karapatan sa iyo. Nagpakasal tayo dahil pareho tayong may kailangan sa isa’t isa pero wala kang karapatan na diktahan ako at wala rin akong karapatan na diktahan ka, Ashton. So, bakit ka pa nandito? Hindi ba at nagtungo ka kay Sabrina!”

Kumirot ang puso ko nang nabanggit ko ang pangalan na iyon. Kahit talaga dito, nababanggit pa rin! Nakakainis!

“Sabrina is just my friend, Katarina. I told you, wala lang siya sa akin—”

“Pero si Sabrina? Ano ang tingin sa iyo ni Sabrina? Kaibigan din?” singhal ko. “You know what, Ashton? Umuwi na lang tayo! Ayokong makipagtalo sa iyo nang dahil lang sa babaeng iyon! At hindi ko siya iiwasan. Bakit ko naman iiwasan si Art para sa iyo?”

“Dahil nagseselos ako!” aniya at napasabunot pa sa kanyang buhok. “I am freaking jealous right now, Katarina. Hindi ko mapigilang hindi umeksena dahil kitang-kita ko sa mata ng gago na iyon na kukunin ka niya sa akin!”

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Gulat ako sa sinabi niya. Nagseselos siya?

“At ayokong mawala ka muli sa akin.” Huminahon ang boses niya. “Hindi na puwedeng mangyari iyon, Katarina. Masasayang ang paghihirap ko kung mapupunta ka lang din sa kanya.”

“A-Ash…”

Humakbang siya palapit sa akin kaya napalunok ako at napaatras. Ngunit hindi na ako napaatras pa dahil sasakyan na ang nasa likod ko. Napapikit ako nang itinulak niya ako sa may kotse at kinorner. Naramdaman ko ang kanyang hininga sa balat ko.

“I am jealous, Katarina,” mariing niyang sabi habang ang kanyang kamay ay unti-unting gumagapang sa bewang ko. “I am fucking jealous right now because I love you! I am still fucking love you!”

Naimulat ko ang aking mata at gulat na gulat siya na tiningnan.

“Ash!”

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit namin. Halos sumagi na ang tungki ng ilong niya sa balat ko.

“Narinig mo ako?” Umangat ang gilid ng labi niya. “Mahal pa rin kita. Mahal na mahal.”

Akmang magsasalita na sana ako ngunit natameme ako nang bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi.

Nailagay ko ang palad ko sa kanyang dibdib at sinubukan ko siyang itulak. Iniwas ko rin ang labi ko ngunit masyado siyang agresibo.

“Ash…” Sinubukan ko siyang itulak ngunit napasinghap ako nang sinapo niya ang puwet ko at inangat. “Ash!”

Napatili ako.

“Kiss me back,” aniya sa gitna ng kanyang halik. “Kiss me back, Katarina.”

“Ashton…”

Nanghina ako lalo nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napahawak ako sa balikat niya at napapikit.

“Dalawang taon ko itong hinintay, Katarina. At wala akong ibang plano kundi ang ibalik ka sa buhay ko.”

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon