Chapter 17

76.3K 2.4K 190
                                    

Chapter 17

"Aray ko!"

Sumigaw sa sakit si Ashton nang hilain ko ang kanyang buhok dahil sa galit.

Dumiretso agad ako rito pagkatapos ng work ko. Gusto kong bugbugin nang bugbugin ang lalaking ito hanggang sa hindi na siya makahinga at matauhan sa ginagawa niya.

"Ano ba ang problema mo?" nagtatakang tanong niya nang nakawala sa akin at hinawakan ang buhok niya. "May regla ka pa rin ba?"

"Buwisit ka!" singhal at hinila muli ang buhok niya.

Nagreklamo muli siya sa sakit at tinawag pa ang pangalan ng Mommy niya. Wala akong pakialam kung sino pa ang tatawagin niya. Galit at nanggigigil ako sa kanya.

I continued pulling his hair. "Bakit mo ako pinatanggal sa trabaho? Ha? Pota ka!"

Minura ko siya nang minura at nang nakawala siya sa akin, akma ko siyang hahabulin sa sobrang panggigigil nang makita ko si Tita Amore na gulat na gulat. Natigil ako sa aking ginagawa at napasinghap. Naabutan ko si Tita na nakaupo sa sofa habang may tasa sa kanyang kamay. Napalunok ako at napatingin kay Ashton na ngayon ay kasalukuyang inaayos ang kanyang buhok na nagulo.

Naibalik ko ang tingin ko kay Tita na gulat pa rin.

"T-Tita." Parang may humila sa dila ko dahil halos hindi ko maibigkas iyon.

"What was that all about, hija?" tanong ni Tita nang naka-recover sa nakita. Inilapag niya rin sa center table ang tasa na hawak niya. "Cool-off pa rin ba kayo hanggang ngayon?"

I was about to speak nang biglang sumapaw ang unggoy. Halos pumuti ang mata ko sa inis.

"Y-Yes," ani Ashton at nilakihan pa ako ng mata.

Nilakihan ko rin siya ng mata at ipinakita ko sa kanya ang kamao ko sa gilid ko.

Nag-alala na tumingin sa akin si Tita Amore. "Ano na naman ang ginawa ni Ashton sa iyo, hija? Nagtataksil ba siya?"

"What?" Kumulong ang boses ni Ashton at napatingin sa Mommy niya. "Why would I cheat on her?"

Nilapitan niya si Tita na ngayon ay nakasimangot na. "Mom, hindi ako gano'n!"

Umirap si Tita Amore at bumuntonghininga. "Nagulat lang naman ako kasi bigla-bigla ang pagsulpot ni Katarina sa bahay mo, anak, at saka sinabunutan ka."

Bigla akong nahiya sa ginawa ko kaya napakagat-labi na lamang ako.

Kasalanan ito ni Ashton, eh! Simula nang makita ko siya ulit ay sunod-sunod na kahihiyan na ang natamasa ko.

"S-Sorry po, Tita." I lowered my head and gritted my teeth.

Ashton, buwisit!

"Oh no, it's okay!" Biglang lumambing ang boses ni Tita Amore. "Away magkasintahan lang naman iyan kaya labas na ako diyan. Narito lang naman ako to visit my son's new house at personal na inihatid ang wedding gown na napili ko from one of my friend's creations. I heard wala ka pang napili so ako na lang ang pumili for you."

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakangiti na si Tita Amore sa akin. Inayos ko naman ang tayo ko lalo na nang tumayo siya mula sa kanyang inuupuan at lumapit sa akin. Nang nakalapit siya sa akin ay hinawakan niya ang kamay ko na bahagyang ikinagulat ko.

She smiled sweetly at me. "Ang ganda mo talaga, hija. Excited na ako sa kasal ninyong dalawa ng anak ko. Sana ay makabuo kayo agad ng maraming bata."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Tita at narinig ko ang paulit-ulit na pagtikhim ni Ashton sabay iwas ng tingin.

Sorry to disappoint you, Mrs. Monteverde, pero hindi iyan mangyayari. Asa naman siyang ibibigay ko ang sarili ko kay Ashton!

I only smiled at her, ignoring her hopeful words. Pagkatapos no'n ay kumapit si Tita sa braso ko. Napalunok ako lalo kasi ang awkward.

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon