Chapter 24

71K 2.3K 220
                                    

Chapter 24

Ngiting-ngiti ako habang papasok kami sa mall na mismong pagmamay-ari ni Ashton. Kahit peke man itong ngiti ko, effective naman dahil kita ko talaga na natulala ang mga nakakita sa aming dalawa.

Sa loob ng mall, agad kong nakita si Miranda sa kanyang puwesto na ngayon ay nanlilisik na ang mata sa sobrang inggit. Kaya agad kong ipinulupot ang kamay ko sa braso ni Ashton para mas lalo siyang mainggit sa nakita.

Kunot-noo naman akong binalingan ni Ashton kaya mahina ko siyang kinurot sa tagiliran.

“Go with the flow tayo,” mahina ngunit mariin ko na sabi. “Tayong dalawa naman ang nagkakabenepisyo. Malalaman ng mga tao na may asawa kang maganda at sexy.”

Hindi ko na hinintay ang kanyang reaksyon at tumingin na sa paligid. Nang mapadaan kami kay Cheska ay nakita ko na nalaglag ang kanyang dala na teddy bear sa nasaksihan. May sinabi siya sa akin pero hindi ko siya maintindihan. Inilingan ko na lang siya at nilagpasan ang puwesto niya.

Nang mawala na kami nang tuluyan sa paningin ng Miranda na iyon, binitiwan ko na ang braso ni Ashton at saka bumuga ng hangin. Nang tiningnan ko si Ashton, masama na ang tingin niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. “Oh, bakit ganiyan ka makatingin?”

Hindi niya ako sinagot. Instead, hinapit niya ang bewang ko kaya napasinghap ako at namilog ang mata sa gulat. Umawang ang labi ko sa ginawa niya at akmang lalayo sa kanya nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. Niliitan niya ako ng mata.

“My baby is using me.” At ngumuso siya.

Namilog lalo ang mata ko dahil sa kanyang akusasyon. Ano? Using him? We are using each other nga, eh!

Nag-iwas ako ng tingin ngunit hinuli niya ang tingin ko kaya nagtama ang paningin namin. Parang saglit tumigil ang paggalaw ng mundo dahil sa tingin namin. Unti-unti kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ngunit saglit lang iyon dahil napalitan iyon ng pagsikip. Sumikip ang dibdib ko nang makita ko ang pangungulila sa kanyang mga mata. Pamilyar na pamilyar sa akin ang klase ng tingin niya ngayon. Ito iyong tingin na pilit kong ibinaon sa limot.

Kumurap ako at saka itinulak siya gamit ang aking lakas. Nang medyo nakalayo siya ay bumuga ako ng hangin.

“H-Hindi, ah,” tanging sagot ko dahil wala na talaga akong masabi.

Umangat ang gilid ng labi niya habang nakatingin sa akin.

“I’m gonna use you then,” aniya at humakbang ng isang beses patungo sa akin at hinapit ang bewang ko sa kanya.

Nailagay ko ang palad ko sa kanyang dibdib at parang hinahabol ako ng aso dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nataranta ako nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Marami kasing taong sa mall at may nakatingin pa.

“A-Ano ang gagawin mo?” Bilog na bilog ang aking mata.

Kinagat niya ang ibabang labi niya at may sinulyapan pero saglit lang iyon dahil ibinalik niya ang tingin sa akin.

“Kiss you.”

Hindi pa man ako naka-react sa kanyang sinabi ay agad na niya akong hinalikan sa labi sa harap ng maraming tao. Nangatog ang binti ko sa kanyang ginawa at halos hindi ako makagalaw. Ang aking mata ay nanatiling nakamulat dahil sa gulat. Ginalaw niya pa nga ang labi niya para sa mas malalim na halik.

Ngunit nang makarinig ako ng isang hikbi, napasinghap ako at agad-agad naitulak si Ashton. Inayos ko ang sarili ko at nilingon ang likod ko.

Sabrina?

Luhaan si Sabrina habang ang kanyang kamay ay nakatakip sa kanyang bibig. She was wearing a simple floral dress with an expensive bag on her side. Ang kanyang buhok ay bagsak na bagsak at kitang-kita ko na nasaktan siya sa nakita.

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon