Chapter 4

52.1K 1.7K 22
                                    

Chapter 4


"Ano ba ang kailangan mo?" tanong ko habang bumaba sa hagdanan. "Kung tungkol ito kagabi, gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ko at sa nabasag ko na vase, babayaran ko na lang."

Hindi ko maiwasan na puriin ang sarili ko dahil diretso ang pagsalita ko. Suot ko ngayon ang isang jogging pants at maluwag na T-Shirt. May suot na rin akong sports bra.

"Akala ko ay tatanggapin ko ang sorry mo?" Umigting ang panga niya habang sinusundan ako ng tingin. "I was wondering kung bakit ka napadpad sa bahay ko."

Pinagsalikop niya ang kanyang kamay at malamig akong tiningnan.

"At puwede kitang kasuhan sa ginawa mo. Hindi mo ba alam kung gaano ka-delikado ang ginawa mo? You might get killed. Kung hindi lang nawalan ng malay ang mga tauhan ko, baka isang bala ka lang, Katarina," mariin niyang sambit.

Nakatayo lang ako at nilagay sa baywang ang isang kamay ko. "So, bakit ka nandito? Bakit mo binisita ang trespasser mo? Bakit hindi mo ako kasuhan kung gano'n nga, Ashton?" panghahamon ko na tanong.

Ang totoo ay takot ako kung gagawin nga niya na kasuhan ako. Maaaring makulong ako at malaking kahihiyan iyon hindi lang sa akin kundi sa Ate ko.

Hindi niya sinagot ang tanong ko, instead, napatalon ako nang biglang lumakas ang boses niya.

"Just, what the fuck, Katarina? Trespasser ka na ngayon? Ano? May balak kang magnakaw? Nagbago na ba ang pangarap mo at magnanakaw ka na ngayon?" galit niya na tanong sa akin.

I looked at him in disbelief. Nainsulto ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung deserve ko ba ito o hindi. Bakit pa siya nandito? Puwede naman siyang mag-file ng kaso sa akin para tapos na!

"Nandito ka ba para insultuhin ako at ang pangarap ko?" matabang ko na pagkatanong.

Nakita ko na nagulat siya sa tanong ko. Akmang magsasalita na sana siya nang inunahan ko siya.

"Sinabi ko na sorry. Alam ko na hindi madali sa iyo ang sorry pero sinabi ko naman sa iyo na babayaran ko na lang ang vase. At ang mga tauhan mo? Hindi naman siguro sila namatay, ano?"

Nagsalubong ang kilay niya. Umiling siya sa akin at saka sinapo ang noo. Bigla tuloy akong kinabahan. Sa mata niya pa lang kanina, parang nag-aapoy sa galit at para akong napapaso sa mga tingin niya.

Napalunok ako at umatras. Alam ko na bilyonaryo na siya ngayon at magagawa na niya ang gusto niya. Baka nga sa puntong ito, may plano na siya kaya siya narito. Hindi naman siguro siya narito para makipag-chikahan sa akin dahil sure naman ako na hindi.

"Nasaan ang kasamahan mo?" tanong niya. Nagulat ako sa tanong niya. "Hindi ako naniniwala na ikaw lang mag-isa. My men were unconscious and a girl like you couldn't do that to many."

Napangiwi ako.

"Wala naman akong nanakaw sa bahay mo at huwag ka nang magtanong—" Natigil ako sa pagsasalita nang may naalala. Tiningnan ko siya at humalukipkip. "Bakit may picture ako roon?"

Nagulantang siya sa tanong ko at nakita ko agad ang pagpula niya especially sa tainga niya.

Bigla akong naging confident kasi para ko siyang nahuli. Curious ako kung bakit. Kaya naghanap ako ng upuan at umupo para maharap siya. Umiwas agad siya ng tingin at kinagat pa ang ibabang labi.

Nainis ako. "Uy! Sagutin mo ang tanong ko. Bakit may litrato ako sa bahay mo?"

Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, kinuha niya ang remote sa lamesa at inilipat sa ibang channel. Sa inis ko, inagaw ko ang remote mula sa kanya pero nagulat ako nang hinila niya ito pabalik sa kanya. Sa gitna ng aming pag-aagawan sa remote, nahila niya rin ako at bumagsak ako sa dibdib niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang naamoy ko ang kanyang mamahaling pabango.

Nang akma na akong aalis, tinulak niya ang likod ko kaya nasubsob muli ako sa dibdib niya. Tangina.

"Ano ba?!" reklamo ko at pinalo ang matigas niyang dibdib.

Tumingala ako at saka sinamaan ko siya ng tingin, ngunit saglit lang iyon dahil napalitan ng pagkagulat ang mata ko nang nagtama ang paningin naming dalawa. His eyes were glowing at kung titigan mo ang kanyang abo na mata, malulusaw ka talaga.

Agad akong umiwas ng tingin at saka tumikhim. "Pakibitiw," pakiusap ko sabay takip sa kanyang hita.

Bumilis lalo ang pagtambol ng puso ko dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Ang kanyang kamay ay nasa likod ko pa rin at ramdam na ramdam ko ang kanyang mahinang paghaplos doon.

Napasinghap ako nang bigla niyang hinawakan ang baba ko at inilapit sa kanya. Niliitan niya ako ng mata at sobrang visible ng ngisi sa labi niya.

"Kalilimutan ko ang nangyari kagabi," he huskily said. "Hindi kita kakasuhan pati na rin ang kasamahan mo."

Umawang ang labi ko at biglang nabuhayan. "T-Talaga?"

Dinilaan niya ang ibabang labi niya at umigting ang panga sa reaksyon ko.

"Uhuh..." Tumango siya. "But..."

Napawi ang kung ano'ng nararamdaman ko dahil sa "but" na dagdag niya. At alam niyo ba na nakaluhod ako sa gitna ng hita niya? I was in between his thighs at nangangalay na ako sa posisyon ko.

"You will marry me," seryosong sambit niya.

Namilog ang mata ko at agad siyang itinulak palayo. Inis akong tumayo at tiningnan siya dahil umaasa ako na nagbibiro lang siya pero hindi. Walang halong biro ang mukha niya.

"You will marry me. Kapalit ng hindi ko pag-file ng kaso sa inyo ng kasamahan mo. I need a damn wife right now for a show, Katarina."

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala siyang tiningnan. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Nauubusan na ba siya ng babae kaya ako ang in-offer-an niya?

"Kalilimutan ko ang pangyayaring iyon. I will tell my men to not make it a big deal even though they were fooled by a Buko juice drink."

Hindi ako nagsalita.

"Marry me, Katarina."

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon