Simula

7.1K 83 5
                                    


Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the product of the writer’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, business, establishments and events are purely fictional.

Note: I used the name of some universities such as ADMU, DLSU, UST, UP, FEU, etc., and some names of UAAP athletes. But the events in this story are not affiliated with the said universities/persons. This is purely fictional.

Credits to the rightful owner of the pictures and audios that are used in this story.

---



SIMULA

In the Midst of the War


NAGMAMADALI AKONG naglakad papalabas ng bus. I don’t want to be late. Alas dyis ang usapan naming magkikita pero mag a-alas dyis y medya na! Sigurado akong tatalakan nanaman ako ni Adi o ni Fita! Nevermind nalang si Spica dahil hindi naman mahilig magsalita ang isang ‘yon.  Bakit ba naman kasi sa lahat ng oras na pwede akong masiraan ay ngayon pa kung kailan magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko? Napaka-wrong timing!

Nang makababa ako sa bus, naglakad agad ako papasok ng coffee shop kung saan kami nakatakdang magkita-kita. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay rinig na rinig ko na ang malakas na boses ni Fita. When Spica saw me, she waved her hand to get my attention. I smiled at her and walked towards our table.

“Sorry, I’m late. Nag-commute ako eh.” Bungad ko sakanila.

“Ay, where’s your car? Iniwan ka rin ba?” sinamaan ko ng tingin si Fita dahil sa sinabi niya. Natawa naman sina Adi at Spica.

“Shut the hell up, Fita Francesca.” Suplada ko pang sabi. She just laughed at me. Agad akong tumawag ng waiter para kumuha ng order naming. Nang makarating na ang order namin, sabay-sabay na kaming kumain habang nagk-kwentuhan. Minsan nalang kami magkitang apat kaya kapag ganitong nagkakasama-sama kami ay nilulubos talaga namin.

“Buti naman nakalabas ka sa lungga mo, Fita.” Natatawang sabi ni Adi. My attention instantly moved to them.

“Gaga ka, ikaw kaya magpakain ng mga baka ro’n?” pabalang na sagot ni Fita na ikinatawa namin. Fita’s joke is a bit true though. She is managing their farm in Batangas while working as an architect. Multi-tasking at its finest!

“Girl baka naman kasi maging kamukha mo na ‘yong mga hayop sa farm niyo.” Pagbibiro ulit ni Adi. Fita rolled her eyes on her.

“Tigilan mo ‘ko, Adriana. Baka isampal ko sa’yo ‘yong mga tandang sa farm.” We laughed and continued eating. I was drinking my coffee when they fell into silence. Taka ko silang tinignan. They were also looking at me.

“Why are you looking at me like that?” I asked. Lalo akong nagtaka dahil sabay-sabay rin silang humuntong hininga.

“We know what you did.” Seryoso ngunit may bakas ng manunukso na sabi ni Adi. I gave her a questioning look.

“We know that you bought a ticket for their homecoming concert.” Si Spica naman ang nagsalita.

“At hindi lang basta ticket. VIP standing mga mamsh. Yamings ka girl?” Ani Fita. Nakakaintinding tumango ako. They’re right. I bought a ticket to their concert. His concert. Bakas ang pag-aalala sa mga mata nila, lalo na kay Spica, pero nginitian ko lang sila.

My decision is final. And I already bought a ticket. There’s no turning back now.

I WIPED MY tears as I sang along with the band performing in front. MOA Arena is big. Pero parang mas lumaki ito sa paningin ko nang ilibot ko ang tingin ko sa buong Arena. It was packed with different people. Iba’t ibang klase ng mga tao ang nagtipon ngayon para sa concert ng bandang ‘to.

I was in standing VIP and we’re already packed here. Kahit ultimong upper at lower box ay puno. Kahit sa labas ng Arena ay mga nakaabang na fans. That’s how famous this band is. Pumalik ang tingin ko sa bandang nagp-perform sa stage.

Hindi ko akalain na darating ang araw na mag-isa akong a-attend ng ganitong concert. I was never a fan of a band before. I was more on parties. Clubs and dances. I love those. Ni hindi sumagi sa isip ko na makakasama ako sa ganitong crowd. I’ve been to concerts before but not on a rock bands’ concert. This is actually more on Spica’s thing.

This is not my genre. It didn’t even caught my attention before. All I want is to dance and party and drink. Pero naiba iyon lahat nang makilala ko siya. Siya ang dahilan kung bakit minahal ko ang ganitong klase ng musika. He’s the reason why I am in this crowd.

Kasabay ng pagbabago ng kanta ay ang malakas na pagpalo ng drummer sa drum set. Kung kanina ay nakakaiyak na kanta ang kinanta nila, ngayon naman ay up-beat. Agad akong napahanga. They make songs on different beats. Nakisabay ako sa pagtalon ng mga tao. I enjoyed the beat as I enjoyed listening to the vocalists’ voice.

Nang matapos ang masayang kanta ay nagkaroon ng break. Nang nagbalik ang banda sa stage ay nag-perform ulit sila ng isang emotional song. Muli ay napatitig ako sa bokalista ng banda. His black hair is longer but his thick eye brows are still the same. I watched him as he sing every lyric on the song. Those lips… the lips that was once the source of my confidence. Those lips that lied to me.

Pinunasan ko ang luhang muling naglandas sa mga mata ko. Nang bumalik ang tingin ko sa stage at nagulat ako nang makitang nakatingin rin siya saakin. Hindi ako sigurado dahil maraming tao rito sa may puwesto ko pero napatunayan kong saakin nga siya nakatitig nang ilang kanta pa ay nanatili saakin ang mga titig niya.

Walang pinagbago ang pakiramdam ko. Ganoon parin kalakas ang kabog ng dibdib ko tuwing tinitignan niya ako sa mata. Even after how many years, it’s still the same. At… hindi na ito magbabago. I wiped my tears again. But the tears just won’t stop from falling. Nang inangat ko ang mata ko ay nakatingin parin siya saakin.

Hindi ko alam kung nakita ko talagang nag-alala siya o gawa lang iyon ng imahinasyon ko. Nang hindi ko na mapigilan ay tumakbo na ako paalis. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang makita ang taong nanakit saakin nang hindi ako umiiyak. Hindi ko na kayang pakinggan ang boses niyang kumakanta dahil sa tuwing kumakanta siya, naaalala ko ang mga nangyari noon.

Kasinungalingan ang lahat nang iyon. That made me cry even more. Dahil ang akala kong totoo ay kasinungalingan lang pala.

“CLASS DISMISSED, see you on Monday!” masayang sabi ko sa mga estudyante ko.

“Goodbye, teacher! Goodbye, classmates! See you on Monday!” napangiti ako nang isa-isang lumabas ang mga estudyante ko. Ngumiti ako sa lahat ng bumabati habang papalabas. Nang makaalis na ang lahat ay nag-simula na akong mag-ayos ng mga gamit ko sa mesa.

Naglinis rin ako ng buong classroom at nag-erase ng mga nakasulat sa board. I smiled when I finished cleaning. Kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas na ng classroom. Pagkatapos ko itong i-lock ay sumakay na ako sa kotse ko para umuwi sa condo.

I am now a public school elementary teacher. Years ago, hindi ko nakita ang sarili ko na magiging isang guro. My future was planned, at wala akong magagawa roon. But a person named, Vale Sison came to my life and changed everything.

---》

Hi Loves!

This is the second installment of the War Series.

WAR #1: WAR IN KATIPUNAN (completed)

WAR #2: IN THE MIDST OF THE WAR ( completed - you're here! )

WAR #3: Whispers of the War ( completed )

WAR #4: Taste of War

Date Started: 06.18.20
Date Ended: 11.28.20

-Ella Dianne

In the Midst of the War Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon