Wakas

2.5K 68 26
                                    


WAKAS.

The Constant.


NAPABUGA AKO ng malalim na hininga. Nakapasa ako bilang isang iskolar sa FEU. Hindi naman ito ang pangarap kong iskwelahan pero wala akong choice.

Dito nag ii-sponsor iyong pinag-apply-an ko. Nagpasa na kaagad ako ng requirements para makauwi na agad.

Nang makauwi ako sa bahay ay parang lalong bumigat ang pakiramdam ko. Wala na nga pala akong uuwian dito. Wala na si nanay at wala na rin si Clare, pumasok na ng kombento.

Akmang lalabas na ako ng bahay nang makita ko ang isang babae na nakatayo sa harap ng pinto ng bahay. Tulad ko ay nabigla rin siya.

Mukha siyang ka-edad ng nanay. Kinabahan ako. Nang tignan ko ang mata ng babae ay para akong tumingin sa salamin.

“V-Vale…”

Nang gabi ring iyon ay nalaman kong siya ang totoo kong nanay. Angeline Revamonte? Sikat ang mga Revamonte dahil sa negosyo nila. Narinig kong mabait din ang mag-asawang Revamonte.

Mali ata ang narinig ko. Kasi kung mabait nga ang babaeng ‘yon, bakit niya naman ako iniwan sa ampunan?

Imbes na doon matulog ay dumiretso ako sa simbahan. Naroon si Clare, ang step sister ko na ngayon ay nagma-madre na.

Kinausap niya ako at siya ang unang nakaalam. Hindi ko naman itatanggi, isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Maging ang puso ko ay handa kong ipagkatiwala sakaniya kaso…

Magma-madre siya, hindi puwede. Wala rin namang mangyayari kung aamin ako kaya hindi ko nalang sinabi. Wala rin namang patutunguhan.

Nalaman nina Father na pinuntahan ako ng totoo kong nanay. Sabi nila ay magpapa-DNA test daw. Ayaw ko. Hindi ko siya nanay.

Nang mag-kolehiyo ay napag-desisyonan kong mag part time job. Hindi ko alam kung ano ang talent ko. Basta marunong akong magluto at tumugtog ng gitara.

Nang dumating ang second semester sa freshman year ko ay nakita ko ulit iyong mga dati kong tropa noong senior high school, sina James.

Mga mayayaman sila, galing sa mga kilalang pamilya kaya hindi ko alam kung bakit ko sila nakasundo noong senior high. Mayroon naman akong mga tropa noong high school na mayayaman pero iba naman sina James.

Nagkataon na may kalokohang ginawa si James at iyong tropa niyang kambal kaya na-freeze raw ang allowance nila. Wala naman silang ibang alam na gawin kundi ang tumugtog.

Doon namin binuo iyong banda. Sa una ay si James ang nagd-drums pero hindi iyon ang expertise niya kaya naghanap kami ng iba. Si Charlie, mayaman din at walang magawa sa buhay.

Kinuha namin siya, magaling siya. Nagkasundo agad kami. Sa una ay wala kaming bokalista. Pero nakita nila akong nagsusulat ng kanta at kinakanta iyon kaya sabi nila ay ako nalang daw.

Doon kami nagsimula. Mula sa maliliit na gigs, minsan ay wala pang bayad, pagkain lang. Pero ayos na rin, nair-refer naman kami sa ibang tao.

Noong patapos na ang school year, may in-offer saamin si Charlie. Negosyo raw, hulugan nalang daw namin ang membership. Nagulat nalang kami na bar pala iyon.

Agad naman namin iyong pinatulan dahil pare-pareho kaming walang pera. Maloko kasi sila kaya palaging naf-freeze ang allowance.

Nag-trabaho kami kung saan-saan noong bakasyon para makaipon ng pera. Panay din ang gig namin. Maayos naman ang buhay ko noon. Nakapag-upa na nga ako ng maliit na apartment na malapit sa school.

Pero nang sophomore year ko ay nagpakita ulit iyong Angeline Revamonte, gusto ng DNA. Kahit inis na inis ako ay wala akong nagawa dahil pinakiusapan ako ni Father.

In the Midst of the War Onde histórias criam vida. Descubra agora