Kabanata 7

1.6K 49 5
                                    


KABANATA 7.

Like.



ANG EXCITEMENT na naramdaman ko para sa artist’ night gig bukas ay sinabayan ng excitement ng mga kaibigan ko. Dahil pagkatapos naming maghapunan ay nag-aya sina Adi at Fita na mag bar. Excited sila dahil ilang linggo rin daw kaming hindi nakapag-bar dahil sa hell week.

Hindi naman sa ayaw kong sumama pero may gig kasi ng alas otso ang The Poison ngayon at parang mas gusto kong pumunta sa gig kaysa na pumarty. Naninibago rin ako sa sarili ko. Dati-rati kasi ay mas gusto kong p-um-arty kasi maingay at marami akong nakakausap. Pero ngayon, kahit na wala ako masyadong nakaka-usap sa mga gig ay parang mas gusto kong pumunta do’n.

Pero dahil mas mahal ko ang mga kaibigan ko, sumama pa rin ako sakanilang pumarty, ganoon rin si Spica. Pagkapasok namin sa bar ay maingay na at marami nang tao. Nakahanap agad kami ng couch at agad ring nag-order ng drinks si Adi. Ilang minuto pa ay nagyaya na sina Adi at Fita na sumayaw. As usual, nagpa-iwan si Spica sa couch dahil ayaw niya raw makipagsiksikan sa dancefloor.

Gusto kong matawa dahil kapag nasa The Underground kami ay handang-handa siyang makipagsiksikan makapunta lang sa harap pero kapag andito kami ay palagi siyang nagpapaiwan sa couch. Napailing nalang ako at saka dinaluhan sina Adi at Fita.

May mga lumalapit na mga kakilala pero hindi rin ako masyadong nakikipag-usap dahil ang utak ko ay nasa The Underground. Malamang ay nagsisismula na ang gig ng The Poison ngayon. After talking to some of my acquaintances, napadako ang mata ko sa wrist watch ko. agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong mag a-alas dies na!

“Raf, okay ka lang? Parang aligaga ka, ah. Nakita mo ‘yong ghinost mo, ‘no?” biglang tanong saakin ni Fita. Adi turned to me too. I almost rolled my eyes on Fita because of what she said. Pero wala talaga sakanila ang focus ko. hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan. It’s Friday, bukas pa naman ang artist’ night kaya okay lang na hindi ako manood ng gig ngayon, ‘di ba?

Pero hindi eh. Gusto ko talagang manood, pero paano? Nabibigla rin ako sa sarili ko dahil mag a-alas dies palang pero uwing-uwi na ako. Though I’m not really going home, but still. Nakakapanibago na mas gusto kong manood ng gig kaysa mag-party overnight.

“Ulol, hindi. A-Ano kasi, sumasakit ang tiyan ko eh. I t-think I have diareah,” Damn. I can’t believe I’m lying to Fita. Napangiwi ako nang makita ko ang pandidiri sa mukha niya.

“Yuck! Umuwi ka na nga, baka matae ka pa rito!” mabulong na sigaw ni Fita. Lalo akong napangiwi sa sinabi niya. Bakit ba kasi ‘yon pa ang naisip kong palusot? Kadiri talaga.

“Baka hanapin ako nina Adi,” pag-arte ko pa. nagsinungaling na rin naman ako, gagalingan ko na.

“Pucha naman, ako na magsasabi. Mas okay na umuwi ka kaysa ma-tae ka pa rito, mas nakakahiya ‘yon ‘di ba?” nakangiwing sabi ni Fita. Talagang naniwala siya sa mga kasinungalungan ko. Oh God, forgive me for I have sinned.

“Sige na nga, I-I better get going,” pagkasabi ko no’n ay kulang nalang ay itulak ako ni Fita palabas ng bar. Napangisi ako nang makarating ako nang makarating ako sa parking lot. Bago ko pa paandarin ang kotse ko ay may na-receive akong text galing kay Fita.

Fita Lasinggera:

Nasabi ko na kina Adi. Tae well, friend!

Natawa ako sa text ni Fita. Talagang naniwala si loka sa palusot ko. Nangingit akong nag-drive papunta sa The Underground.



“YOU’RE LATE,” napangiwi ako nang maabutan ko si Vale na inuupos ang sigarilyo niya. Pagkarating na pagkarating ko sa Underground ay dumiretso agad ako sa smoking area dahil alam kong late na nga ako sa gig ng banda nina Vale. At hindi nga ako nagkamali dahil naabutan ko siya rito.

In the Midst of the War Where stories live. Discover now