Kabanata 37

1.5K 44 9
                                    


KABANATA 37.

Amsterdam.



VALE AND I roamed around Baguio until the next morning. Sabay din kaming nag-breakfast dahil ten AM ang flight nila pabalik ng Manila at alas-sinco naman ng hapon ang flight nila papuntang US. Nang maihatid niya ako sa hotel ay nakatulog ako agad.

Hindi kami natulog ni Vale dahil naglibot pa kami. I’m so tired but I am happy. I got to spend time with him kahit kaunting oras lang iyon.

I slept in the room the whole day. Hindi na ako nakasama sa mga co-teachers ko sa pamamasyal. Tutal naman ay nakapamasyal na kami ni Vale.

I woke up around three in the afternoon. I received a text from Vale, saying that they’re already on the airport. I replied that I just woke up. Nag-usap pa kami ni Vale nang ilang minuto bago sila nag-board.

After the call, I took a bath and prepared my things. Bukas ng umaga ay b-byahe na kami pauwi ng Manila. Gabing-gabi na nang maka-uwi galing sa paggala ang mga co-teachers ko.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil alas-otso darating ang bus na maghahatid saamin pauwi. Minutes later, we were on the bus. Malayo ang biyahe kaya nagsuot ako ng earphones. The playlist that Vale made for me years ago is still here.

When he saw it last night, he made a new one. He put the songs that remind him of us on that playlist. Ang playlist din na iyon ang pinakinggan ko pauwi. Nakatulog pa nga ako sa biyahe.

Nang makarating ako sa condo ay nagpahinga lang ako maghapon dahil may pasok na kinabukasan. Tamad na tamad ako. Pagkagising ko ay umaga na, at sobrang lakas ng ulan. The rain is unusually heavy.

Binuksan ko ang TV para making ng balita. Imposibleng makapasok ako sa lakas ng ulan. I even opened my phone to read news. At kung mamalasin nga naman, bumabagyo pala ay wala man lang akong kaalam-alam. Cancelled ang klase sa buong NCR.

Nag-announce na rin an gang school naming na walang pasok. I guess another lazy day for me, huh. I charged all my gadgets and I watched news on TV habang may kuryente pa. Bumabalik naman agad ang power supply sa tower namin pero ayaw ko kasing mag-charge ng gamit na generator ang gamit.

Bumabaha na sa ibang parte ng Quezon City. Sana lang ay wala namang naapektuhan na estudyante ko. Kung mangyayari iyon ay mas maaapektuhan ang bata.

Maghapong umulan sa buong NCR. Kinabukasan ay medyo maayos na ang panahon. Pero dahil binaha ang ibang parte ng city proper ay cancelled parin ang pasok sa lahat ng public schools. It’s a whole week no-academic days.

Hindi ako mapakali sa loob ng unit ko dahil sa isang linggong walang pasok. Tapos ko na rin ang lahat ng gagawin ko para sa linggong ‘to. I waited for a text from Vale pero wala parin hanggang ngayon. It’s been four days since. Baka masyado siyang busy.

Bagot na bagot ako sa loob ng unit kaya nang mag-chat si Fita sa group chat naming na nasa QC siya ay nag-respond agad ako na pupunta ako. Nag-aya sila ng gala dahil two days daw dito si Fita, may project siya rito sa Quezon City.

“Maganda ro’n. Live band tska drinks,” ani Spica habang nasa loob kami ng isang café. She was talking about that bar na mayroong midnight gig.

Lahat kami ay nag-clear ng schedule naming dahil nandito si Fita. Minsan lang lumuwas ng city ang babaeng iyon kaya sinisegurado naming na free kami kapag andito siya. At ngayon nga ay nagkaayaan kami na pumunta roon sa sinasabi ni Spica na midnight gig.

“Ay mars, d’yan ka ba dati dinadala ni Luthor?” pang-aasar ni Fita. Inirapan lang siya ni Spica na ikinatawa namin.

Kasalukuyan kaming kumakain nang makatanggap ako ng text galing kay Vale. I excused myself, ayaw kasi naming na may nagp-phone kapag kumakain kami kaya nag-excuse muna ako bago ko tignan iyong text.


In the Midst of the War Where stories live. Discover now