Kabanata 12

1.4K 40 5
                                    


KABANATA 12.

Owner.



OUR TALK didn’t last long. Pagkatapos mag-meryenda ng mga bata ay inaya nila kami sa loob ng tinatawag nilang ‘House of Hearts’, ito ang ipinangalan nila sa ampunan sa loob ng simbahan. This orphanage is supported by the church.

Ayon sa kwento ng isa sa pinakamatagal nang staff sa ampunan ay nagsimula raw ang orphanage na ito noong natagpuan ng mga Pari at Madre si Vale. So this is why Vale loves this orphanage so much. One glance and you’ll see how he cherish this orphanage. He grew up here. He learned many things here. And I’m happy to be here, in the place where he grew up.

The kids gave me little tour on the simple house turned orphanage. Mayroon itong dalawang palapag. Hiwalay ang kuwarto ng mga babae at lalake. Lahat ng kuwarto ay nasa taas, apat iyon. Mayroon ding dalawang banyo, isa para sa mga lalaki at isa para sa mga babae. Ang tatlong kuwarto ay may tag-sampung single bed. At ang ikaapat naman na kuwarto ay mas maliit, mayroon itong tatlong bunk bed.

Malaki ang bahay dahil dito rin naninirahan ang ibang staff. Sa unang palapag ng bahay ay may sala, kusina, dining, dalawang banyo at isang opisina para sa mga staff. Mayroong flat screen television sa malaking sala kung saan sama-samang nanonood ng cartoons ang mga bata.

“This place isn’t as big before. Pero simula noong nalaman ng mga mayayaman na nagsisimba rito na nagtayo ng orphanage ang simbahan ay nag-donate sila ng malalaking halaga,” kwento saakin ni Vale habang sinisipat ko ang mga picture frames na nakasabit sa dingding.

“Is this you?” turo ko sa isang picture. Karga ni Father Dan ang batang lalaking kamukhang-kamukha ni Vale. This must be him. This photo is kinda old.

“Yeah, the old Priests and Nuns made sure to keep the pictures of every kids here. Kapag may nag a-adopt ng bata ay ibinibigay nila ang ilan sa mga litrato ng bata noong narito pa sa ampunan,” tumango-tango ako. This is amazing. Though hindi pa naman ako nakakapunta sa ibang ampunan, I can say that the House of Hearts really is a home for abandoned kids.

Napangiti ako nang marinig ko ang hagikhikan ng ma bata mula sa sala. Nanonood na sila ngayon ng cartoons sa TV. I wonder if Vale also enjoyed his childhood like those kids? At least even if they don’t have their own parents, the orphanage became their new family. I wonder…

“Mga bata, may pasalubong ako sainyo!” sabay kaming napalingon ni Vale nang may pumasok sa pinto. It was Sister Clare. Agad na sumugod sakaniya ang mga bata para yumakap. Napangiti ako dahil ganoon rin sila saamin ni Vale noong dumating kami kanina. These kids are so sweet. Nilingon ko si Vale para sana yayaing batiin si Sister Clare pero nang nilingon ko siya ay umalis na siya para salubungin si Sister Clare.

Napakurap-kurap ako. Ofcourse, kahit hindi ko siya sabihan na batiin si Sister Clare ay kusa niya itong babatiin. They are basically step siblings since Sister Clare’s mother, Mama Cora, adopted Vale. Right, they are step siblings. Ngumiti muna ako bago naglakad papalapit sakanila.

“Narito ka pala, Rafaela. Halika, kuha ka ng cupcakes!” masayang bungad saakin ni Sister. Lalong lumawak ang ngiti ko at binate siya pabalik. She handed me a chocolate cupcake kaya kinuha ko iyon.

“Akala ko mag o-overnight kayo sa Laguna?” dumako ang mata ko kay Vale nang kinausap niya si Sister Clare.

“Hindi natuloy ang seminar na dinaluhan namin kaya’t pinauwi na kami. Bumili pa nga ako ng pasalubong. Kuha ka dali!” masayang ani ni Sister.

I saw how Vale stared at his step sister. I know siblings love each other but I can’t help but to put something on how Vale stared at Sister Clare. I know the sibling bond even if Andromeda and I doesn’t get along. Alam ko kung paano tignan ng isang kapatid ang kapatid niya. And it’s not the way Vale looked at his step sister.

In the Midst of the War Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon