Kabanata 10

1.6K 39 3
                                    


KABANATA 10.

Play.






"This ain't a song
for the broken-hearted"

PAGKAPASOK KO sa Underground ay sumalubong agad saakin ang maingay na crowd. When I looked at the stage, I already know why the crowd is getting wild. Vale’s band is already performing in front. Ang mga tao ay tumatalon habang sinasabayan ang pamilyar na kanta.

I made my way to be in front of the crowd. Hindi ko kasama si Spica ngayon kaya nahirapan akong pumunta sa unahan. Spica and Fita are both busy with their requirements while Adi is nowhere to be found. Kaya naman mag-isa akong nagpunta ngayon sa gig.

The Poison performed two more songs before taking a break. Pa-simple kong nilingon si Vale habang naglalakad sila papunta sa isang booth, their usual spot. Hindi ako nilingon ni Vale kaya ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harap. Nags-sound check na sa stage ang bandang sunod na magp-perform. Recently I’ve been listening to rock songs and I can’t believe I’ll be hooked!

I watched live performances of famous bands in youtube and I actually liked it! Kaya naman hindi na issue sa’kin ngayon ang manood ng gig ng ibang banda. I’m actually willing to listen to underrated artists.

“Ms. Revamonte,”

Napalingon ako nang may tumawag saakin. I saw James, The Poison’s keyboardist, beside me. I noticed that he’s wearing a shirt with a famous band’s logo on it. I smiled at him.

“Yeah?”

“Ah, join us on our table. Birthday ko, the drinks are on me,” ngising sabi niya. Nagsalubong ang kilay ko. Birthday niya?

“Why are you inviting me?”

“’To naman, syempre kaibigan na rin kita. Teka, asan nga pala si Spica?” umikot ang paningin niya sa buong club.

“Hindi sumama. Busy sa school works,” tumango-tango siya at saka tumingin ulit saakin.

“Tara na, libre naman drinks. At saka ando’n naman si Vale,” he gave me a teasing look. Natawa ako sakaniya pero sumama rin. Naglalakad ako sa likod ni James. May mga nakakabunggo ako kaya hinawakan ni James ang pulsuhan ko at nilapit ako sakaniya para hindi ako mabunggo ng mga tao.

Nakarating rin naman kami sa booth nila. Nandoon na ibang ka-banda nila at may dalawang babae rin na katabi ng kambal na kabanda ni Vale. Nang makalapit kami sa booth at sabay-sabay silang tumingin saamin. Napangiwi ako nang asarin kami ng mga kabanda ni James.

“Nako James, baka mapagalitan ka nanaman!” pang-aasar pa ni Marlon, isa sa kambal.

“Gago ka, ‘wag ka maingay oy!” natatawang saway ni James bago bitawan ang pulsuhan ko. Pinaupo niya ako sa couch.

“Oy Raf, kumusta? ‘Di mo kasama si Spica?” bumaling ako kay Charlie, nakaupo siya sa kaharap na couch.

“Hindi eh, school works,” nakakaintindi naman siyang tumango. Maybe because he’s also a student? Vale is a student at FEU, siguro ay nasa college rin ang mga kabanda niya. Or maybe, they’re working already?

“Raf, enjoy ka muna ah? Magpapalit lang ako ng damit sa taas, amoy pawis na ako.” ani James. Nginitian ko nalang siya at tinanguan. Agad naman siyang umalis at umakyat sa taas.

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang nasa taas ng The Underground. Two-storey kasi ang The Underground pero private space ang second floor. Ang unang palapag ay club, hindi ko alam ang nasa taas. Wala rin naman akong ibang nakikitang umaakyat doon maliban sa mga miyembro ng The Poison.

In the Midst of the War Where stories live. Discover now