Kabanata 22

1.3K 31 9
                                    


KABANATA 22.

Familiar.






TIME FLIES so fast when you're happy. When I thought about my relationship with Vale, napapangiti nalang ako kahit wala namang dapat ikangiti.

The girls find it creepy, but I don't. Tama nga siguro 'yong sinasabi nila na kapag in love ka, kahit sa paghuhugas ng pinggan ay nakangiti ka. Because that's what happened to me!

Our relationship is going smooth. And again, Vale didn't miss a day on sending me foods. I even saved money from buying lunch because he always cooks for me. And he is even a great help when our midterms arrived. Hindi niya rin ako pinapunta sa gig nila a week before our midterms but I came anyways.

Hindi rin naman siya nagalit dahil pasado naman ako sa lahat ng subjects. Though I'm going to switch course next school year, I still want to finish my sophomore year in business administration.

"The kids would probably jump at you when we get there," natawa ako sa sinabi ni Vale. Pagkatapos kasi ng midterms naming ay napakasunduan namin na dumalaw sa House of Hearts.

Pagkarating namin sa parking lot ng simbahan ay agad akong bumaba dala ang dalawang paper bag na may lamang mga damit para sa mga bata. Si Vale naman ay dala ang dalawa pang paper bag na may lamang mga pagkain.

Sabay kaming naglakad papasok sa orphanage. Nasa entrance palang kami ay nakita na kami ng mga bata kaya agad kong naibigay kay Vale ang dala kong paper bags at agad na lumuhod para yakapin ang mga bata. True enough, dinambahan nga ako ng mga bata at halos matumba na kaming lahat!

"Ate Rafa!" the kids said. Tinulungan nila akong tumayo.

"Kumusta kayo? Na-miss niyo ba si Ate Rafa?" magiliw kong tanong sa mga bata. Sabay-sabay silang tumango kaya lalo akong napangiti.

"Tutugtog po ba ulit tayo ng piano, Ate Rafa?" tanong ng isang batang babae, si Rachel. Tumango ako at pinisil ang pisnge niya.

"Oo naman! Gusto niyo ba 'yon?" naghiyawan ang mga bata at sabay sabay nila akong hinila papunta sa electric keyboard na nasa sala.

Alanganin akong napatingin kay Vale at napangiwi nang makita ang itsura niya. Nakasimangot siya saakin habang hawak ang apat na paper bag. Nang magtagpo ang mga tingin naming ay inirapan niya ako na ikinatawa ko nalang.

I played two Praise songs before Vale called us for lunch. Nanag makarating kaming lahat sa dining area ay binate ko ang mga staff na naroon. Saka rin napagtuonan ng mga bata si Vale.

"Nandito ka rin po pala, Kuya Vale!" ani Jason na ikinatawa ng lahat. Sumimangot lalo si Vale at padabog na naglakad papunta saakin. He put his arms around my waist. Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumingon sa mga bata.

"Inaagaw niyo naman sa'kin ang Ate Rafa niyo," marahang sabi ni Vale. Halos manghina ako nang maghiyawan ang mga bata! Ang mga staff na naroon ay binigyan kami ng nanunuksong mga ngiti.

Siniko ko si Vale pero hindi niya ako pinansin.

"Girlfriend niyo po ba Kuya si Ate?" tanong ng isang batang lalaki. Tumango si Vale kaya naghiyawan ulit ang mga bata. Namula ako lalo nang tuksuhin nila kami.

Halos dumuko nalang ako sa buong oras na nasa dining area kami. Sa bawat kilos ni Vale para saakin ay tinutukso kami. Nakahinga lang ako ng maluwag nang patulugin ng mga staff ang mga bata at na-solo naming ni Vale ang buong sala.

Agad akong naupo sa mahabng sofa katapat ng TV at tinignan si Vale na nasa tabi ko. My eyes formed a thin line when I saw him smirking. Humarap ako sakaniya at pinagkrus ang mga braso ko.

In the Midst of the War Where stories live. Discover now