Chapter 1

1.1K 16 3
                                    

Ara's POV

"Miss Gonzales." My professor called my name kaya agad ko siyang nilingon.

"Yes, Sir?" I answered after facing him.

"Please gather all the possible events and activities for the whole school year. Thank you."

"Sure, Sir. I will." I said at pagkatapos non ay agad din siyang umalis.

Disadvantage ng pagiging President ng student council ng law department. Lam niyo na guyth, wag tatakbo next time, lakad nalang. #charot

Nagpatuloy na ko sa paglalakad papunta sa classroom ko ng payapa, please lang no more utos na utang na loob at labas.

"Oh, san punta mo bhie?" natatawang tanong ni Ali sa'kin.

"Ha? Papasok sa classroom?" sabi ko.

"Tanga, walang klase."

"Beh medyo ouch yung part na na-tanga mo ko ha." Reklamo ko. "Bakit anong meron?"

"Pina-cancel yung subject natin ng gantong oras kasi may laban daw CEU tsaka UE." Pagpapaliwanag ni Ali.

"Edi mas okay, less stress. Tara na!"

Nang makarating kami na kami sa gymnasium ay halos escolarian lang ang makikita lalo na wala pa yung players ng kalaban. Baka kami lang yung kinansela ang klase dahil homecourt.

Humanap na kami ni Ali ng magandang pwesto at sakto ay nakahanap kami ng empty seats sa part ng gym kung nasaan nadun ang mga Law Students.

"Magi-start na, Ara babe!" sabi netong si Ali na halatang halatang excited.

"OMG SAKIN YANG NAKAWHITE!" sigaw ko nang maglabasan ang mga players ng CEU.

"Tanga ka beh? Lahat yang escolarian naka white." Pagtataray netong si Ali kaya nanahimik nalang ako habang pinapanood ang mga nangyayari.

Ilang saglit pa ay nag-start na ang laro. Maganda ang nagiging laban at napaka-smooth pero lamang ang UE ng tatlong puntos.

"Kaya yan mga bhie!! Habol scorpions!!" sigaw ni Ali.

"Ikalma mo yan teh utang na loob at labas." Reklamo ko dahil napakaingay.

Tuloy tuloy lang ang panonood namin maging ang game ng dalawang Universities nang may makaagaw ng atensyon ko.

Lord, di pa po ako ready magpakasal pero kung siya po sige po, anong oras po ba today?

"Ara! Okay ka lang?" nagulat ako nang tawagin ako ni Ali.

"H-Ha? O-Oo, bakit?" tanong ko.

"Kanina ka pa tulala, lamang na tayo, six points gurl!" sabi niya at nagulat naman ako dahil parang napakabilis.

"H-Ha? Pano?" nagtatakang tanong ko.

"Ang galing ng King Scorpion ng CEU, girl!" natutuwang sabi pa niya.

Inilibot ko lang ang paningin ko para hanapin ulit yung nakita ko kanina at saktong nakita ko siyang nakangiti habang nagaannounce ng score.

Mami, ang gwapo..

Nang matapos na ang laro ay tuwang tuwa ang mga escolarian lalo na ang varsity team dahil sa pagkapanalo.

"Ano ba nangyari sayo kanina Miss Presi?" tanong ni Ali habang naglalakad kami palabas ng gym.

"Bhie, ang gwapo nung number 19, bhie OMG!!" sabi ko habang kinikilig kilig pa.

"Ikalma mo yang kaharutan mo beh. Type mo captain ball ng varsity?" tanong ni Ali.

"Captain ball siya?" gulat kong tanong.

"Oo gurl, kaya naman pala tulala ang lola mo kanina, nakakita ng gwapo."

"Di ka pa nasanay sakin, siz." Sabi ko at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Matapos ang game ay back to normal na dahil kailangan naming attend-an ang last class namin.

"You have to make a digest regarding this topic and the digest should be passed next week." Pagpapaliwanag ng prof namin.

Minsan talaga napapaisip nalang ako bakit ako nagLaw na course, anak ng tinapa.

"Akala ko med students na tayo, nakalimutan kong Law students pa rin pala tayo. Yawang digest yan, biology lang 'te?" pagrereklamo ni Ali habang nagaayos ng gamit dahil tapos na ang klase.

"Kunyari ka pa, tapos malalaman ko nalang bukas meron ka na agad digest. Wag ako please, Alijah." Sabi ko.

Kung sino pa yung mga taong mareklamo sa schoolwork, sila pa yung magugulat ka nalang at may gawa na agad.

"Wag mo 'kong ma Ali Alijah dyan, Arabella. Baka gusto mong wala kang digest."

"Ali, gusto mo mag blackscoop? Libre ko hehe." Tanong ko.

"Leche ka kahit kailan, malamang di ako tatanggi dyan, ampochi ka."

Matapos magayos ni Ali ng gamit ay agad kaming dumiretso sa malapit na blackscoop na lagi naming tinatambayan tuwing magaaral at pag wala kaming magawa sa bahay.

"Anong gusto mo? Frappe or milktea?" tanong kay Ali na nakaupo na.

"Milktea ako, magfafrappe ka ba?" she asked then I nodded.

Kumuha lang ako ng wallet bago lumapit sa counter.

"One Okinawa Milktea large, then one Blueberry Cheesecake, large as well." I said.

"Name, ma'am?" the lady in the counter asked.

"AC, thank you."

"We'll call your name nalang po, Ma'am. Thank you!" she said then I smiled at her.

Pagtapos kong um-order ay naglakad na ako papunta sa table naming ni Ali.

Napahinto ako sa paglalakad ng may biglang tumayong lalaki sa harap ko na ikinagulat ko.

"Hi.." the only word I'm able to say then he just smiled at snagpatuloy sa paglalakad.

Wtf, girl, 'Hi'? LOL

-----------------------------------------------------------------------------------------

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now