Chapter 10

397 11 1
                                    

Ara's POV

Grabe this guy's full of unexpected words. Hindi ko inaasahan yung mga possible niyang isasagot sa akin. Napakamisteryoso.

Pagtapos ng usap namin ay agad akong pumasok sa kotse dahil baka mainis na 'tong si Ali kakahintay sa akin.

"Akala ko wala ka pang balak umuwi eh. Iiwan na sana kita diyan kay Jazen." sabi niya. Pero hindi ko nalang pinansin yon at itinuon ang atensyon ko sa mga dinadaanan namin.

Pagdating namin sa condo ay ginawa na namin ang mga evening rituals namin bago kami mag-aral at matulog.

Days passed and today's friday. Balak kong umuwi kasama ang parents ko mamaya dahil ang tagal ko na ring hindi nakakauwicsa amin dahil nga sa mga friday nights inumans and gimiks.

Nang makarating kami sa school ay as usual normal day lang. After morning classes ay kumain kami ngayon ni Ali dahil wala namang gaanong requirements, exams and recitations.

"Uy, LM girls!" narinig ko ang boses ni Allen kaya napapikit nalang ako bago pa siya lingunin.

"Ano nanaman?" si Ali na ang nagtanong. Kadalasan kasi kapag naririnig namin yung tawag neto ni Allen, may nagbabadya nanamang inuman o kaya gastos nanaman.

"Grabe, ang aga aga ang init ng ulo natin, sir!" sabi niya kay Ali. "Free kayo tonight?"

Sinasabi ko na nga ba. Hindi na talaga ako magpaplano na uuwi ako sa parents ko ng friday night dahil for sure hindi nanaman matutuloy.

"Tara sabay tayo mag lunch!" aya neto ni Allen kaya kumain kaming tatlo ng sabay. "Buti nalang nahanap ko kayo dito. Akala ko hindi rin kayo kakain eh, wala akong kasama kasi busy nanaman si Jazen."

"Sayang naman, andito pa naman ako." sabi ko.

"Feeler ka, girl?" pagtataray neto ni Ali. "Ano bang meron mamaya at nagaaya ka nanaman?"

"Wala, chill lang. Wala kasing masyadong workload ngayong week tsaka weekend naman. Chill lang, movie marathon ganon. Walang inuman." sabi pa ni Allen na excited na excited habang nagkukwento.

"Scammer." sabi ko.

"Bogus." sabi naman ni Ali.

"Grabe kayo sa'kin ha. Edi tignan natin kung sino magaaya ng inuman."

"Alam mo ikaw, Allen, ba't di mo nalang sabihin na, 'may inuman talaga mamaya guys'. Andami pang ebas."

"Ayan, naebas ka pa tuloy ni Ara." sabi naman ni Ali.

"Oy basta tuloy mamaya ha!" sabi ni Allen at hindi kami tinantanan hanggat hindi niya kami napapapayag.

After naming kumain ay dumaan muna kami sa library para magpaprint ng reviewer.

"Sana sipagin ka magreview." sabi ni Ali tsaka may itunuro sa akin. "Baka may balak ka pang lapitan? Malapit na magtime, bhie. Ikalma mo yang kaharutan mo."

"Eto naman! Kakamustahin lang." sabi ko pa tsaka ako tumalikod mula sa gawi ni Jazen.

"Alam mo ikaw, scammer ka din eh 'no." sabi ni Ali. Nang maipaprint na namin yung reviewer namin ay lumabas na kami mula sa library tsaka kami dumiretso sa last class namin.

After attending our classes ay agad kaming umuwi ni Ali para magpahinga muna bago kami pumunta sa condo nila Allen. Doon daw kami tatambay mamaya. Sa pagkakatanda ko ay nagistay si Allen at Jazen sa iisang condo pero nagtataka pa rin ako kung sasama saamin si Jazen lalo na't busy mag-aral 'yon.

When we got home, ibinaba ko lang ang gamit ko sa study table ko at tsaka ako naghalf bath then I did my skincare. After doing so, humiga ako sa kama ko para magpahinga.

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now