Chapter 16

361 8 3
                                    

"Taray girl ah? Lakas ng fighting spirit!" Natatawang sabi ni Jill at sinabayan pa ng tawa ni Ali.

"Pa'no kayo magkakajowa niyan kung di niyo ko gagawing inspiration. Wala, Mahena." sabi ko.

"Maangas ka bata." ani Ali. "Magjojowa pa ba 'ko eh nandyan na kayo?"

"Sweet naman nyarn, bhie!" sabi ni Jill na umaarte pang kinikilig.

"Pag ikaw nagjowa, kaltok ka sa'kin, Alijah." sabi ko then they laughed at me. We spent our night by having fun. Nang maramdaman kong umiikot na ang paligid ay nagpahinga na ko. Ayokong maging sabog sa exam ko bukas.

After a little while ay napagdesisyunan naming umuwi na. Ipinagdrive ulit kami ni Jill dahil wala pa naman siyang tama.

"Thank you for tonight girls! See you when I see ya!" Jill said.

"Thank you too, birthday girl! See ya around!" i said then i kissed her on her cheeks. Pagdating namin ni Ali sa condo ay nag-ayos lang ako ng sarili tsaka ako humiga sa bed ko. Nagusap kami ni Ali na bukas nalang ng umaga magreview. Bago ako matulog ay kinuha ko ang phone ko para itext si Jazen.

To: king scorpion
i'm homeee. see u tom <33

Ilang saglit pa akong naghintay ng reply niya pero wala akog natanggap. Paniguradong tulog na 'to dahil anong oras na rin. The next day ay late kaming nagising ni Ali kaya nagmamadali kami at wala nang naayos sa bahay. Hindi na rin kami nakapagreview. Buti nalang at nagreview na kami bago pa ang first day ng exam.

Pagdating namin sa classroom ay wala pa naman ang proctor namin kaya nagreview pa kami saglit ni Ali.

"Ali! Here!" we heard someone from our back shouted. Si Allen na nasa tapat ng locker ang sumigaw. "Tapos na exams niyo?" he asked then we nodded. "Oh, Anong nangyari dyan kay Ara?" natatawang tanong niya kay Ali dahil nakasandal ako kay Ali dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Lasing 'yan." Ani Ali. "Sabi ko na kasing wag galawin mga tequila. Sabi ba namang onti lang. Kailan pa naging onti yung tatlong bote?"

"Inom pa more! Hahaha!" sabi ni Allen na pinagtatawanan pa ko. "Uuwi na ba kayo? Naghihintay si Jazen sa canteen." nang marinig ko iyon ay agad kong iniangat ang ulo ko.

"Ha? Sa canteen? Tara na!" sabi ko at tsaka na ko naglakad papunta sa direction papuntang canteen.

"Ayan, pag kaharutan nawawala yung sakit." sabi ni Ali. Nang makarating na kami sa canteen ay nakita namin si Jazen na magisa sa table for four. Umupo ako sa tabi ni Jazen at katapat naman namin si Ali at Allen.

"How's your head?" tanong ni Jazen kaya napatingin ako sa kanya mula sa pagkakatungo.

"Ulo pa rin naman." sabi ko. "Eh yang ulo mo? Kamusta?" sabi ko. Tutungo na dapat ako nang hawakan niya ang ulo ko tsaka niya ako pinasandal sa balikat niya na ikinagulat ko maging nila Ali at Allen.

"Tara na nga Ali, order na tayo bago pa ko tuluyang langgamin dito." ani Allen tsaka sila umalis ni Ali papunta sa counter.

"Which one?" tanong ni Jazen nang makaalis na sila Ali kaya napaupo ako ng maayos tsaka ako napatingin sa kanya.

"ALAM MO IKAW—" sabi ko at tinawanan lang niya ako.

"I'm just kidding." sabi niya tsaka niya 'ko muling isinandal sa balikat niya. Habang nakasandal ako sa balikat niya ay ipinapanalangin kong huwag nawang mamula yung pisngi ko sa harap ng crush ko. "Next time, don't drink up if you have exams the next day." Jazen said then nodded with a smile while my head's resting on his shoulder.

Pagdating nila Allen ay umayos na ako ng upo dahiledyo wala na ang sakit ng ulo ko. Kinuha ko ang order ko mula sa mga pagkaing pinatong ni Allen sa table tsaka ako nagsimulag kumain.

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now