Chapter 11

378 11 0
                                    

Ara's POV

"Copper nanaman?" i asked pero nauna na siyang naglakad pabalik sa sala. Yawang copper. Mas sumasakit pa ulo ko don kesa sa alak.

Pagbalik ko sa sala ay halos magkasunod lang kami ni Jazen kahit na mas nauna siyang umalis sa kusina. Nakatingin silang tatlo sa amin nang madatnan namin sila.

"What?" tanong ni Jazen tsaka umupo sa carpet katabi ni Allen.

"Ano kayang meron sa kusina?" pabulong na tanong ni Kio pero rinig pa rin siya. Buboh.

"Gusto niyong malaman?" tanong ko at tumango naman yung tatlo. "Bili kayong gulaman." natatawang sabi ko pero hindi sila tumawa.

"Pucha naman, Ara. Ang corny kahit kailan!" ani Ali.

"Tara na nga uwi na."

"Edi umuwi ka, Kio!" sigaw ko then i rolled my eyes. Narinig ko pa silang nagtatawanan.

Akala ko kapag naubos na ang alak ay tapos na ang pagtambay namin, akala ko lang pala 'yon. Umalis si Allen, Kio at Ali para pumunta sa convinience store para bumili pa ng mga alak. Naiwan naman ako dito sa sala dahil pumasok si Jazen sa kwarto niya.

Habang nagiscroll down sa ig ko ay napansin kong lumabas na si Jazen mula sa kwarto niya pero hindi ako tumingin.

"Where are they?" he asked pero nanatili akong nakatingin sa phone ko.

"Bumili." i answered. "Okay ka pa ba?" i asked then i saw him na nagtataka sa tanong ko.

"Of course, what do you expect?" sagot niya at tumango nalang ako.

"Ako, di mo ba ko tatanungin kung okay lang ako?" i asked him and this time nakatingin na ako sa kanya.

"Why would I? You look totally fine."

"Alam mo talaga ikaw—" sabi ko nalang dahil napakabait niya talaga sumagot. "I have a question."

"Make sure that question makes sense." sabi niya kaya napanguso ako dahil alam kong walang kwenta nanaman 'tong lalabas sa bibig ko. "Question?" tanong niya. Wala akong choice kung itanong sa kanya 'yon since nasabi ko na.

"Beer ka ba?" tanong ko tsaka ako nagtakip ng mukha gamit ang unan sa sofa dahil alam kong di niya 'yon sasagutin.

"Bakit."

Napatanggal ako ng takip sa mukha nang marinig ko siyang sumagot. Napatingin din ako sa kanya dahil sa gulat.

"I said, bakit." paguulit niya pa sa sagot niya kanina.

"K-Kasi.. Alabyu.." sabi 'ko tsaka ako pumikit. "Beery much.."

Napadilat ako nang marinig ko siyang tumawa ng mahina. Tama ba yung narinig 'ko?

"Queen of cheesy banats." he said then he stood up. Tinignan ko lang siya habang papunta siya sa pinto.

"Hala, bakit mo inalis sa pagkakalock yung pinto?" tanong ko nang bumalik na siya dito sa sala.

"So that we won't be disturbed while talking. I don't want to stand up just to open the door for them." he said.

"Omg, teka! Yun na ata pinalamahaba mong sagot sa'kin! Achievement!" tuwang tuwang sabi ko at nakita ko pa siyang ngumiti ng slight pero agad din nawala 'yon.

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now