Chapter 14

364 14 1
                                    

Hindi niya alam na he's the one who's driving me insane. What's with this guy?

"Okay na ko dito." i said nang makita kong malapit na kami sa condo. "Bababa na 'ko."

Nang matanggal na mula sa pagkakalock ang car doors ay akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse nang hawakan ako ni Jazen sa aking braso.

"Ara.." he said. I removed his hands from holding mine tsaka ako lumabas sa kotse nang hindi siya hinaharap.

Naglakad ako papunta sa condo na gulong gulo ang isip. Iniisip ko kung bakit siya nagpapakita ng motibo when he already have a woman in his life.

Nang makarating na ako sa condo ay dumiretso ako sa kwarto ko at tsaka ako nagbihis. After changing my clothes and cleaning my face, agad akong humiga sa bed ko at tsaka ko kinuha ang phone para itext si Ali.

To: Ali
call me kung uuwi ka dito

After texting her ay inilapag ko sa side table ang phone ko. Pipikit na sana ako nang marinig kong tumatawag si Ali. Kinuha ko ang phone ko tsaka ko sinagot ang tawag ni Ali.

"Ano?" sabi ko.

"Ayos ka lang ba? Hindi ako uuwi dyan. Tumawag ako para tanungin ka kung ayos ka lang ba. Nagaalala din si Kio sayo." Ali said from the phone.

"Oo, bakit?"

"Kanina ka pa walang imik. Napakatahimik mo. Ikaw ba 'yan, Ara?" Ali asked.

"Loko ka talaga. Matutulog na ko. Ikaw din." sabi ko.

"Don't end the call. Sagutin mo 'ko. Is it about Jazen?" tanong ni Ali at natahimik lang ako imbis na sagutin 'yon. "Arabella."

"Ayoko nalang pagusapan, Ali. Mas magiging magulo lang. Parang siya lang. Magpapakita ng motibo eh may jowa pala si tanga." sagot ko kay Ali.

"Kaya naman pala. Oh eh anong gusto mong gawin dun sa Jade?"

"Pakagat mo sa alagang scorpion ni Librada." sabi ko.

"Ay seryoso nga siya oh. Sige na magpahinga ka na. Alam kong may sagot sa mga tanong na nasa isip mo. See you tomorrow, my Ara babe!" sabi ni Ali at napangiti naman ako. Alam na alam talaga ni Ali kung pano 'ko pangitiin.

"Pahinga ka na din. See you!" i said then i ended the call.

Kinabukasan ay hindi na ako nagluto kahit pa maaga akong nagising. Pagtapos kong magayos ng mga kailangang ayusin ay agad na akong umalis sa condo. I drove myself to school dahil wala si Ali. Dumaan muna ako sa malapit na blackscoop. Bumili ako ng dalawang frappe para sa amin ni Ali.

Pagdating ko sa room ay nakita ko siyang nagiipit ng buhok. Lumapit ako sa kanya tsaka ko inabot sa kanya ang binili kong frappe para sa kanya.

"Omg! Thank you!" sabi niya tsaka niya inilagay ang straw ng frappe niya. "Ano, okay ka na ba?" tanong ni Ali at tumango ako.

After ng klase namin sa tanghali ay nagannounce ang prof namin bago siya lumabas na wala nang klase pagtapos ng lunch break dahil may laban daw ang Beda at Escolar.

Nang marinig ko ang announcement na 'yon ay agad 'kong naalala si Jazen. Hindi kaya manonood ang girlfriend niya?

"Ano, manonood ba tayo o mag-aaral nalang tayo sa library?" tanong ni Ali sa akin habang nasa hallway kami. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa canteen.

"Uy! Ali, Ara!" napatingin kami kay Allen na tumawag samin. "Hindi kami makakasabay kumain ngayon ha, nagreready para sa game eh."

"Okay lang baliw! Goodluck ha!" sabi ni Ali.

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now