Chapter 6

441 7 1
                                    

Ara's POV

"June 12, 1999?" tanong ko sa sarili ko habang binabasa ko ng paulit ulit ang reply ni Jazen sa akin.

aragonz: i should call u kuya pala?

jazenc: if that's what makes u feel satisfied

aragonz: ofcourse not.
i don't wanna call u kuya.
u wanna know kung anong mas better na itawag sayo?

Nageenjoy ako sa paguusap namin kahit late na, atleast masasabi kong may convo ako with crush. Shawrawt kay Allen, who finally told me King Scorpion's name. Magkakalovelife na ata ako.

I waited for his reply dahil napatagal 'yon. Iniisip ko tuloy kung tulog na siya o baka busy lang. Habang nagiscroll up and down sa twitter, at habang hinihintay ko ang reply ni Jazen ay naisipan kong magtweet.

@thatsarabella
late night talks wt crush <33

Pagtapos kong magtweet ay ilang saglit ko pa 'yong tinitigan hanggang sa makareceive ako ng notification sa instagram.

jazenc: what?

aragonz: i wanna call u
mine

Natuwa pa ako nang makitang na-seen agad ni Jazen ang dm ko pero agad ding nawala ang tuwa na 'yon nang seen nalang pala ang last response niya.

Naghintay pa ako kung magrereply siya pero hindi na kaya naisipan ko nang matulog dahil may klase pa ako bukas. The next day ay maaga akong nagising kahit na medyo late akong natulog kagabi dahil sa kaharutan ko.

Tumunganga lang ako saglit tsaka ako tumayo at pumunta sa C.R. para maligo at gawin ang morning rituals ko. Pagtapos ay agad akong dumiretso sa dining area para puntahan si Ali.

"Di ko kinaya yung kaharutan!" sabi ni Ali na nakatalikod pa rin sa akin dahil nagluluto siya. "Imagine, inabot ng madaling araw. Late night talks ampochi, edi nyaw."

"Alam mo ikaw, ang bitter mo." sabi ko. Nang matapos magluto si Ali ay tinulungan ko na siyang maghain para makakain na kami.

"Uy, Ali, Ara!" bati ni Allen na nakasalubong namin sa hallway. "Lunch mamaya!"

"Sige!" sabi ni Ali bilang pagsang-ayon naming dalawa kay Allen. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa classroom namin.

Pagtapos ng morning classes namin ay inabangan namin ni Ali si Allen sa entrance para kumain ng lunch kasama siya.

"Muntik nang tumagal." reklamo ni Ali dahil napakatagal dumating ni Allen.

"Sorry sir, overtime prof namin sa biochem." pagpapaliwanag ni Allen sa amin ni Ali.

"Oh saan tayo kakain?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Sa plato. Gusto mo ba sa baso?" sagot ni Ali sa tanong ko.

"Gusto mo pukpok ko sayo baso?"

"Huminahon kayo, baka umabot tayo sa korte neto!" pag-awat sa amin ni Allen. "Kain nalang tayo kung saan matripan."

Naglakad nalang kami papunta sa parking para kunin ang kotse ni Allen para di na daw kami maglakad ng malayo. Siya na ang nagmaneho para sa amin ni Ali hanggang sa makarating kami sa napili naming kainan.

"Oh kamusta, nasearch mo ba?" tanong sa akin ni Allen dahil si Ali ang umorder.

"Oo, daming followers! Nalula ako!" sabi ko.

"Hindi ka nagdm 'no?" tanong ni Allen na ikinagulat ko. "Wala na kasingh sumubok magdm don dahil alam nila kung gaano kasnobber si Jazen."

"Ha? Nagdm ako." sabi ko na ikinabigla ni Allen. "Nagreply siya. Actually humaba nga conversation namin."

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now