Chapter 19

368 10 0
                                    

4 months later.


"You're finally here. Done na kayo sa thesis niyo?" tanong ko kay Ali na kakauwi lang. Galing siya sa coffee shop kasama ang mga kagrupo niya para gumawa ng thesis dahil malapit na ang finals at kailangan nang magpasa. Ako naman, naiwan magisa dito sa condo dahil nagrereview ako.


"Not yet. May mga idadagdag nalang then ready to pass na." Ali said as an answer to my question. "Are you gonna cook pa for our dinner?"


"Yep. Why?" I asked.


"Don't cook na. I'll eat out with my friend. You can cook naman for yourself or you can just order sa grab food." Sabi niya at tsaka siya dumiretso sa kwarto niya. "You can also call Jazen nalang as your food." sigaw pa niya mula sa kwarto niya tsaka siya tumawa ng malakas.


"Wag kang lalabas dyan sa kwarto mo Ali sinasabi ko talaga sayo!" sigaw ko tsaka ako tumayo mula sa pagkakaupo ko sa carpet ng sala namin. "Who's this friend na kasama mong kumain? Do I know this guy?" tanong ko kay Ali habang nakatayo ako sa pinto ng kwarto niya at pinapanood siyang ayusan ang sarili niya.


"Guy ka dyan. Dun ka na nga!" pagtataboy niya sa akin. "Don't forget to have your dinner ha."


Pagtapos kong daldalin si Ali ay pumunta na ako sa sala para ligpitin lahat ng reviewer ko. Pagtapos ay binitbit ko ang mga 'yon tsaka ko pinatong sa ibabaw ng study table ko sa loob ng kwarto.


Humiga ako sa bed ko tsaka ko inopen ang phone ko. I scanned my instagram as well as my twitter account when I suddenly received a text notification.


From: King Scorpion
hey, u busy? are u done reviewing?


To: King Scorpion
already done, hbu, are u busy?


From: King Scorpion
not really, should I come over?


To: King Scorpion
:((


From: King Scorpion
otw


Tuwang tuwa akong tumayo mula sa higaan ko nang matanggap ko ang reply ni Jazen. Paglabas ko mula sa kwarto ay saktong papalabas si Ali mula sa kwarto niya.


"Tuwang tuwa bhie? Birthday mo?" pangaasar ni Ali. "Mukhang may paparating na food ah—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya.


"Papalunukin na kita ng preno next time." Sabi ko tsaka ako naglakad papunta sa sala.


"Alis na 'ko ha. Wag mo kalimutan kumain ng dinner please lang Arabella." sabi ni Ali habang nagsusuot ng heels niya.


"Oo na, Alijah. Di ko alam kung kaibigan pa ba kita o nanay na. Daig mo pa si Mother earth eh." sabi ko.


"Kwento mo sa nanay ko." sagot niya lang. "Aalis na 'ko ha. Enjoy your food! Eatwell! Hahaha!" Sabi niya tsaka ko siya binato ng unan bago pa siya makalabas.


"Ingat bish! Enjoy your date!" sigaw ko. Nagligpit muna ako ng kalat sa sala bago pa makarating si Jazen. Pagtapos ay nagphone lang ako habang nakaupo sa couch at naghihintay. Ilang saglit pa ay nakarinig na ako ng tunog ng doorbell kaya dali dali akong tumayo at tumungo sa pinto upang buksan 'yon.


Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now