Chapter 2

805 11 6
                                    




Ara's POV

"You saw that?" tanong ko okay Ali habang shocked pa rin ako.

"Saw what?" sagot niya while looking at me na mukhang naguguluhan.

"I just bumped into the campus varsity captain, sizmars owemji! Di pa ko ready magpakasal!" I said with matching papikit pikit pa habang kinikilig.

"Tanga, papakasalan ka ba? Di mo nga alam kung may jowa o wala eh." She said at bigla namang nawala yung ngiti si labi ko.

"Alam mo, madalas, pasmado talaga bunganga mo, pakitikom please." Pagtataray ko.

"Oh edi humanap ka ng kausap mo, tikom pala ah." Sabi naman ni Ali.

"Jowa ka teh? Susuyuin pa kita?"

"Ewan ko sayo, umuwi na tayo gagawa pa tayo ng digest."

Pagtapos ng usapan naming sa loob ng blackscoop ay agad din kaming nagligpit ng gamit namin tsaka kami lumabas sa Blacscoop.

"Ano nga ulit topic?" sigaw ni Ali mula sa sala dahil nasa CR ako, nagiskin care hehe.

"SANDALE!" sigaw ko din. Sigawan pala ah.

Pagtapos kong gawin ang skincare routine ko ay naglakad na ko papunta sa sala habang nagpupunas ng mukha.

"Ano nga ulit yung topic, hehe?" tanong ko.

"Alam mo ikaw, tatamaan ka na sa'kin, konti nalang." Sabi ni Ali pero tinawanan ko lang.

"Mali ka dyan gurl, tinamaan na ko sa captain ball ng CEU." Sabi ko habang kinikilig kilig pa tsaka ko nakaramdam ng malakas na hampas ng unan mula kay Ali.

"Pucha, digest muna bago harot, okay lang ba?" pagmamaldita ni Ali.

"Oo na eto na. Yung topic daw yung about sa Reproductive Health Literacy. Lahat ng factors na sakop ng RHL." Paliwanag ko sa kanya habang nagta-type siya sa laptop niya.

"Galing, saktong sakto sayo yung topic, Ara." Natatawang sabi ni Ali na agad umilag dahil alam niyang hahampasin ko siya.

"Leche ka sagad."

Tinapos na agad namin yung pinapagawang digest sa amin para di kami matambakan ng gagawin. Hindi kasi pwede kay Ali na hindi agad gagawin yung binabatong schoolwork sa amin. Ayos na rin na siya kasama ko sa condo atleast may taga buhat ako sa acads hehe.

Opo magaabogado, pag hindi pinalad, magaasawa nalang ng abogado.

Kinabukasan, maaga akong nagising pero mas maagang nagising si Ali dahil naaamoy ko na yung niluluto niyang breakfast.

Tumayo agad ako at dumiretso sa CR para maligo.

Pagtapos kong maligo ay nagsuot na ako ng high waisted na denim pants tsaka yung CEU polo namin tsaka naman ako nagsuot ng flat rubber shoes. I also tied my hair with a beige colored bandana.

"Good morning, master!" sabi ni Ali na abala sa pagluluto ng bacon.

"Good morning, Ali-pin." Sabi ko naman na kasalukuyang naka-upo.

"Leche ka, Alijah yon, Alijah!" reklamo niya.

Nang matapos na siyang magluto ay tinulungan ko siyang maghain sa mesa. Minsan lang kami nakakapagbeakfast sa condo dahil madalas ay sa mga fastfood nalang malapit sa CEU dahil late na kaming nagigising kakapuyat dahil sa mga schoolwork.

#KalaMoNamanTalagaAra

Pagtapos naming kumain ay nagligpit muna kami dahil maaga pa naman.

After cleaning the table ay kinuha na namin yung mga gamit namin tsaka kami naglakad palabas sa condo namin.

Nang makarating sa parking ay sa BMW ni Ali kami sumakay dahil siya ang magdadrive ngayon. Tinatamad ako bhie.

We took all of our morning classes then after ay naglunch na kami sa cafeteria. Niyaya ko si Ali na kumain sa labas pero ayaw niya dahil magrereview pa daw siya para sa recitation namin. Haist, pati ako nadadamay.

"Nagyayaya si Jill mamayang gabi ah?" tanong ni Ali na hawak ang reviewer niya.

"Pass ako, baka may ibang maghatid nanaman sa akin pauwi sa condo." Sabi ko kay Ali tsaka naman niya ako tinawanan.

"Tanga, sa Starbucks lang, and if ever hindi man sa Starbucks diretso natin, babantayan kita para ako maghahatid sayo pauwi lokang 'to." Natatawang sabi ni Ali pero inirapan ko lang siya dahil sa pangaasar niya.

After lunch break ay dumiretso na kami sa next class namin kung saan meron kaming recitation. Fortunately, nasasagot ko lahat ng tanong ng prof naming kahit na ini-scan ko lang yung reviewer kagabi.

After our classes ay umuwi na kami ni Ali para makapagbihis dahil nagyayaya daw si Jill mag-Starbucks.

Dahil sa Starbucks lang naman ang punta, nagsuot lang ako ng pair ng black jagger, white oversized DBTK shirt na naka-tucked in and my Nike slippers.

After preparing ay lumabas na ako ng room to check on Ali if she's already done.

I volunteered to drive the car since I'm in the mood to drive.

"Girls!" sabi ni Jill nang makalapit kami ni Ali sa table kung nasaan siya.

Jill is our elementary to Senior high school friend and since then, it's just the three of us na laging magkakasama. She is a tigress from USTe. She didn't get a chance na magenroll sa CEU dahil late na silang nakauwi ng family niya from Jersey.

"Nakaorder ka na?" tanong ni Ali sa kanya.

"Nope, tara let's order na." Jill said.

And syempre me and my tamad ass, "Oder na kayo girls, I'll stay here para may magbantay sa table natin."

"Palusot mo, bhie, bulok." Sabi ni Ali na nagmamaldita nanaman.

"Ano order mo?" tanong ni Jill sa akin.

"The usual." I said then naglakad na sila papunta sa counter.

After a little while ay nakabalik na sila sa table namin dala yung drinks na in-order nila.

"I bought you guys a box of Krispy Kreme pala." Jill said habang nilalapag ang box ng donuts sa table.

We thanked her before opening the box. We started eating and talking about our college life.

"You know this girl, ewan ko kung magaabogado pa ba yan, parang gusto nalang atang magpakasal." Ali said.

"Grabe ka naman! Jojowain ko muna." Sabi ko bago ako kumagat sa donut ko.

"Eh tanga, jojowain ka ba?" tanong ng demonyitang si Alijah.

"Omg ha, I'm outdated, what's the tea?" Jill asked.

"She saw the University's captain ball nung game ng CEU laban sa UE. And guess what? Ayon kinilig si tanga." Paliwanag ni Ali na dahilan ng pagtawa ni Jill.

"Papakainin na kita ng sili, Alijah, onti nalang, mga twenty."

"Whoah, gwapo ba, Ara?" Jill asked me with matching kilig.

"Super yes!!" I said while kinikilig.

I also told Jill about what happened yesterday at the Blackscoop para di outdated 'tong mahaderang chismosa kong friend.

"Siz, sobrang harot ata, parang harot responsibly."

"Pag ikaw, Alijah nagkalovelife, ipupukpok ko sayo yung libro natin sa criminology." Sabi ko kaya napasimangot si Ali.

"Pagnabati pa lovelife ko, kayo ni Jill ipapalapa ko sa tigre ng Santo Tomas." Sabi ni Ali pero tinawanan lang namin siya.

"Ara, alam mo na ba name ni king scorpion?" tanong ni Jill sa akin kaya napahinto ako sa pagtawa.

"Soon."

-----------------------------------------------------------------------------------------

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now