Chapter 9

409 11 0
                                    

Ara's POV

"I'm now going." he said pero hindi ako nakasagot dahil nanatili akong gulat sa sinabi niya.

"Huy! Walang balak pumasok sa loob? Umalis na oh." tsaka lang ako bumalik sa ayos nang tapikin ni Ali ang balikat ko.

Pumasok na ako sa loob at tsaka kami nagayos ng condo bago kami magaral. Umorder pa kami ng pagkain para may makain habang nagrereview dahil tinatamad kami pareho.

The next day, wala kaming masyadong ginawa dahil Sunday. Umattend kami ng Youth Service  at pagtapos no'n ay kumain lang kami sa labas ni Ali para hindi na kami magprepare ng lunch sa condo.

Pagbalik sa condo ay nagbihis nalang ako ng pangbahay which is sobrang comfortable. I decided na maglinis ng kwarto habang busy pa si Ali sa pagaayos ng gamit niya. Afterwards, pumunta na kami sa sala para magreview ng sabay at para gumawa ng digest.

Kinagabihan, pumasok na ako sa kwarto ko after naming magdinner. I decided to open my Instagram, at as usual, sa dms ang punta ko. Naisipan kong idm si Jazen kahit na ramdam ko pa rin yung awkwardness mula kahapon.

aragonz: tao po

Ilang saglit lang matapos ko siyang idm ay natanggap ko rin ang reply niya sa akin na ubod ng haba.

jazenc: ?

Napairap ako nang buksan ko ang dm niya dahil napakahaba nga kung magreply.

aragonz: wow natouched ako sa reply mo :((

Sineen lang niya ang message ko kaya nagdm ako ng isa pa. Last na talaga 'to matutulog na ako after hehehehe.

aragonz: tnx ulit for yesterday!

jazenc: no prob

aragonz: okie <33 see u tom! i mith u

jazenc: okay

Sa sobrang haba niya magreply, muntik nang maging sentence. After ng conversation namin na di ko alam kung conversation ba talaga 'yon, ay inilapag ko na ang phone ko sa table at tsaka ko inayos ang bed ko para matulog.

Kinabukasan sa klase ay parang normal na araw lang. Nagpasa kami ng mga requirements, digests at nakinig sa mga classroom discussion.

Nang matapos ang morning classes namin ay tumambay lang kami ni Ali sa library para magreview dahil puro quizzes at recitations kami sa mga afternoon class subjects namin.

"Ang sakit naman sa ulo neto." sabi ko tsaka ako tumungo sa mga reviewer ko.

"Yan, Legal Management pa more." sabi ni Ali na nakatingin pa rin sa reviewer niya.

"Kailangan ko ng motivation huhu." sabi ko habang nakatungo pa rin.

"May klase yon." sabi ni Ali kaya napatingin ako sa kanya. "Mamaya ka na humarot."

"Wala naman kasi akong sinabing si Jazen 'yon, pero sige na nga. Si Jazen nalang 'yon." sabi ko at inirapan lang ako netong kaibigan ko.

Pagtapos magreview sa library ay pumunta na kami sa room namin ngayong oras. Inattend-an na namin ang mga afternoon class namin hanggang sa magdismissal na.

Habang naglalakad sa hallway ay may nakasalubong kami ni Ali.

"Guys! Tapos na class?" tanong ni Allen.

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now