Chapter 1

142 70 35
                                    

Nagising ako sa Alarm ng Cellphone ko. Nagmulat ako ng mata at kinuha ang phone ko sa tabi ng lamp shade sa side table.

"6:20 am, Monday" bulong ko habang nakatingin sa screen ng phone ko. Bumangon ako at nag-unat muna ng braso at likod.

Kailangan kong bilisan ang kilos ko dahil Science ang first subject namin at masyado pa namang masungit at maarte si Ma'am Ocampo. Ang Lecturer ng Science subject. Pero kahit palaging triggered yong si Ma'am, mataas naman syang magbigay ng Grades. Ang ayoko lang sa kanya ay ang hilig-hilig nyang magpa-recite tsk.

Dali-dali akong nagtungo sa banyo para maligo at nagsuot ng uniform. Pagkatapos ng lahat-lahat ay nagtungo naman ako sa kusina at naabutan ko don si Manang na nagluluto ng breakfast.

"Good morning manang!" masiglang bati ko saka umupo.

"Good morning Astrid, iho" nakangiting bati sakin ni manang.

"Asan po sila Mom?" takang tanong ko.

"Maagang umalis dahil marami silang Kliyente ngayong araw...Alam mo naman ang Mommy't Daddy mo, mahal na mahal ang kompanya niyo." sabi ni manang saka naupo, kaharap ko siya.

"Ah okay..Hmm, mukhang masarap ang niluto niyo ngayong umaga manang ah." sabi ko habang inaamoy yung Fried rice na may halong bits ng hotdogs, ham, egg, and onion leaves.

"Edi ibig sabihin nung mga nakaraang araw e hindi masarap ang niluto ko?" kunwaring malungkot na sabi ni manang. Natawa naman ako.

"Ano ba kayo manang, syempre araw-araw masarap ang luto niyo..at ngayong araw ang pinakamasarap heheheh!" sabi ko saka inubos ang pagkain ko.

"Sabi mo e..O siya siya, bilisan mong kumilos at male-late ka na." sabi ni manang. Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako.

"Mauna na po ako manang. Bye" paalam ko saka naglakad palabas at sumakay sa sasakyan ko.

"Mag-iingat ka iho.." sabi pa ni manang sa tapat ng pinto.

Bumusina lang ako saka pinaandar ng mabilis dahil nga male-late nako. Lintik! Masungit pa naman yung Science lect. namin. Tss.

Parking lot~

Pinark ko na ang sasakyan ko at malas ang bumungad sakin. Natanaw ko si Gwen Estrada na kilala bilang Katana dito sa buong Amwell University. Nasa tapat siya ng pinto ng kotse niya at mukhang inila-lock.

Kaya naman hindi ko na siya pinansin at dumiretso nako sa loob.

"Good morning sir president! have a nice day!" masiglang bati sakin nung guard. Tumango lang ako at ngumiti saka siya nilagpasan. Wala nang student ang nasa quadrangle siguro nasa classroom na lahat.

Nagtataka kayo kung bakit President ang tinawag sakin nung guard? dahil binoto ako bilang President ng Student Council.

Diba? kaya malas si Gwen sa paningin ko dahil siya palagi ang laman ng Dean's Office, laman ng mga usap-usapan, palaging topic ng mga lalake kesyo maangas at maganda daw si Gwen, at palaging topic nung mga babae kesyo mayabang daw, attention seeker at kung ano-ano pa at higit sa lahat palagi akong nai-stress sa kaniya dahil hindi ko siya masaway-saway at hindi ko siya mapatigil sa pakikipag-away sa ibang student dito.

Grrrr!

I stole the bad girl's heart (On Going)Where stories live. Discover now