Chapter 4

81 61 8
                                    


"Sorry bud Hahaha!" natatawang sabi ni Caleb kay Marcus.

"Oy bud! natulala ka na dyan!" nagulat ako ng tapikin ako ni Owen.

"A-Ano ba! kita mo nang nakikinig ako sa away nila e!" inis na sabi ko.

"Ooowwkaayyy!"

Napatayo na ko ng bigla na namang itulak ni Ace si Gwen.

"Ano ba! nakakailang tulak ka na ah! kanina ka pa! nanggi-gigil nako sayo!" Galit na galit na sigaw ni Gwen at saka sinugod si Ace at binigyan ng Malakas na suntok dahilan para matumba siya at mapahawak sa labi niyang pumutok at nagulat ang lahat ng hindi pa makuntento si Gwen at kinwelyuhan pa niya si Ace.

"Sinabi ko sayong wag na wag mo kong babanggain dahil hindi mo ko kilala!" sigaw ni Gwen sa pagmumukha ni Ace.

"Bud akala ko ba nasuntok na yan kanina sa parking lot? e bakit parang walang bakas ng pasa?" takang tanong ni Marcus kay Owen.

"Ewan ko dyan bud..dinala lang naman namin siya sa clinic tapos iniwan na namin." sagot ni Owen.

"Awatin na natin bud" parang natatakot na sabi ni Caleb.

"Hayaan niyo siya..gusto niya yan e." nakangising sabi ko.

"President ka diba? Bud, responsibilidad mong gawing maayos yung paaralan natin" sabi sakin ni Caleb.

Hindi ko na sila pinansin. Kitang kita ko talaga ang galit sa mga mata ni Gwen, kahit sino matatakot sa kaniya dahil sa tingin pa lang masisindak ka na.

Tumayo si Ace at akmang susuntukin niya din si Gwen ng sumigaw na ako.

"Hoy Ace! babae yan ah! bakla ka ba ha?!" Sigaw ko sa kaniya.

"Bakit mister president? mukha bang babae umasta yang kumag na yan?!" turo niya kay Gwen.

"What the?! kumag?!" sigaw ni Gwen at akmang susugod ulit siya kay Ace pero inawat siya nila Owen at Caleb.

"Gwen tumigil ka nga! kababaeng tao basagulera! sumama kayo sakin! don kayo sa Guidance office mag-usap!" galit na sigaw ko.

"Hey Astrid! hindi ako sunod-sunuran! At lalong hindi mo ko pwedeng ganyan-ganyanin!" mayabang na sigaw sakin ni Ace.

Aba't ang yabang neto ah!

"Susunod ka sakin o Kakaladkarin pa kita?!" Hamon ko sa kaniya.

"Tss" sabi niya saka naunang naglakad samin. Susunod ka din pala e! dami pang satsat!

"Tara tara!" sabi ko kina Owen at saka nila inakay si Gwen.

"Bitawan niyo nga ako! hindi ko kailangan ng alalay dahil hindi ako tuod! letche!" sigaw ni Gwen kina Owen at Caleb.

"Hoy babae! wag kang mayabang ha! nakakalimutan mo atang ako ang presidente ng student council at kayang-kaya kitang pahirapan sa ayaw at sa gusto mo?!" Hamon ko sa kaniya. Nagulat ako ng ngumisi lang siya sakin.

"Tss. Sinong tinakot mo? ha?! edi parusahan mo! wala akong pake kung President ka!" sigaw niya sakin at saka naunang maglakad samin.

Kita niyo?! nakakainis diba?! halos araw-araw ganyan yang babaeng yan! bwisit! Walang modo! parang hindi nag-aaral!

"Sundan niyo nga bud..pati si Ace sundan niyo. Dun tayo sa Dean's Office." sabi ko kina Marcus.

"Wala ka pala kay Gwen bud e hahaha!" bulong sakin ni Owen at saka sumunod kay Gwen. Isa pa tong gunggong na to!

I stole the bad girl's heart (On Going)Where stories live. Discover now