Chapter 3

86 65 9
                                    


Cafeteria~

"Napaka talino talaga ng isang Astrid Ortessa!" sigaw ni Owen.

Si Owen Hachiro, ang pinaka madaldal sa aming apat. May lahing hapon yang gunggong na yan. Matangkad, Gwapo, Habulin ng Chiks..Pero ako ang pinaka gwapo heheh! Varsity ng Baseball, mayaman, kaso wala pang naging Girlfriend kahit isa. Tss.

"Eto ang matinde Bud, sinigawan pa si Ma'am! hahahah! ang lakas mo bud!" sabi naman ni Caleb na tinapik pako sa balikat.

Si Caleb Tavera, ang kasabwat ni Owen sa mga kalokohan..Vice President ng student council, Gwapo, mayaman, habulin ng chiks, hindi katangkaran, siguro hanggang balikat ko lang. Walang sinasalihan sa mga sports, at nakaka-limang Girlfriend na. Palibhasa Instant chickboy tss.

"Hoy! manahimik kayo dyan! bagsak kayo remember?" Sarkastikong sabi ni Marcus.

Si Marcus Santos..gwapo, bookworm, kasing tangkad ni Caleb..meaning, Kaming dalawa ni Owen ang mas matangkad hehehe! habulin din ng chiks kaso SUPLADO tss. Mayaman, at katulad ni Owen wala pa ding girlfriend ni isa.

"Bakit nga pala na-late ka bud? ano bang ginawa mo kagabi?" ngingiti-ngiting sabi sakin ni Owen.

"Anong anong ginawa? Wala akong ginawa at talagang napuyat lang ako!" sigaw ko sa kanila.

"Bakit ka napuyat?" si Caleb.

"Kasi nga nag-review ako para sa quiz mamaya sa History subject! mga engot!"

"Ay dapak! nakalimutan kong may quiz pala tayo mamaya!" sigaw ni Owen.

"Ay oo nga pala no? tara, dun tayo tumambay sa Library..magre-review ako." si Marcus.

"Mamaya na tayo pumunta sa library! after Break pa naman yun e." sabi ko.

"Oo nga Bud, wag ka masyadong mag-panic tss" sabi ni Caleb.

"Sino ba may sabing nagpa-panic ako?" si Marcus.

"Wala naman.." Si Caleb.

"May kwento ako sa inyo.." biglang sabi ni Owen. Lumapit naman kami sa kaniya.

"Oy ano ba! hindi naman siguro kayo bading para lumapit nang ganyan?" Sigaw samin ni Owen. Masyado pala kaming napalapit sa kaniya.

"Sorry naman bud.. sungit e." si Marcus.

"Ano ba kasing kwento na naman yan?" takang tanong ko.

"Si Gwen.." pagbitin niya.

"Oh? anong meron kay katana?" tanong ni Caleb.

"Kanina kasi..nakita ko siya sa parking lot. Tapos, may sumuntok sa kaniya don, hindi ko nakilala yung dalawang lalaki e, mga nakahoodie kasi.." Kwento ni Owen.

"Oh?" kaming tatlo.

"Oo.. tapos muntik pa nga siyang hampasin nung baseball bat sa ulo e..pero hindi natuloy kasi dumating yung isang security guard kaya syempre nagtakbuhan yong dalawang lalaking nakahoodie." patuloy niya.

Talaga namang kung sino-sinong binubunggo e! Basagulera talaga! tss.

"Anong nangyari kay katana?" tanong ni Marcus.

"Edi tinulungan ko din yung guard na buhatin siya papuntang clinic." Sabi ni Owen.

"Anak ng..suntok lang, clinic agad?! O.A." sabi ni Caleb.

"Ikaw kaya suntukin sa mukha at tuhodin sa tiyan?!" inis na sabi ni Owen.

"Oo nga naman..masakit din kayang matuhod." Pagsang-ayon ni Marcus.

"Tss..dapat sinabi mo sakin agad kanina para naireport natin sa Guidance office." sabi ko kay Owen.

"E pano ko sasabihin sayo, e late ka nga?" Oo nga pala hehehe.

"Edi tara.." sabi ko. Kumuno't naman ang noo nilang tatlo.

"Saan?" sabay sabay nilang tanong.

"Sa Guidance office malamang!" sigaw ko sa kanila.

"Oh edi tara---" natigil si Marcus sa pagsasalita nang may marinig kaming nag-tumbahan na mga lamesa't upuan.

"What the heck?!" parang gulat na sabi ni Marcus. Magkatabi kasi sila ni Caleb, at magkatabi naman kami ni Owen. Dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko at...

Nakahiga na si Gwen sa sahig at nagdudugo na ang labi. Madami nang students ang nakapalibot at yung iba ay nagbubulungan pa.

"Ano ha?! lalaban ka na?!" hamon ni Ace kay Gwen. Tatayo na sana sila Caleb pero sinenyasan ko sila na 'wag munang tumayo' papanoorin ko lang si Gwen kung pano siya makipag-away.

"Are you crazy bud?! kapag nagkataon lugi si Gwen dyan kay ace!" sabi sakin ni Caleb.

"Oo nga bud, ang laki ni Ace oh!" sabi din sakin ni Owen.

"Easy buds, titingnan natin kung pano makipag-away si Gwen." sabi ko sa kanila pero hindi ko sila nilingon.

Nagulat ang lahat ng maangas na tumayo si Gwen at ngingisi-ngising naglakad papalapit kay Ace!

"Lalaban ako sayo..dahil hindi ako duwag katulad ng kapatid mo!" sigaw ni Gwen kay Ace.

"Tss..hindi duwag ang kapatid ko, ayaw ka lang niyang patulan dahil babae ka! bobo!" sigaw naman ni Ace sa kaniya.

"Ha! ako?! Bobo?! sino kaya saten ang 'Bobong' ginawang syrup ang ketchup sa ice cream?!" tatawa-tawang sabi ni Gwen kay Ace dahilan para mag-tawanan ang ibang student na nakapaligid sa kanilang dalawa. Nahalata ko namang napahiya si Ace.

"Hahahaha! bobo nga naman! sinong matinong gagawing syrup ang ketchup? sa ice cream? Hahahahahha!" Umalingawngaw sa buong Cafeteria ang boses na yon ni Owen dahilan para tingnan kami ng ibang student.

"Hahahaha loko ka bud!" si Caleb.

"Oy wag nga kayong maingay baka bigla na lang tayong sugurin dito ni Katana o kaya ni Ace!" suway ni Marcus kina Caleb at Owen.

I stole the bad girl's heart (On Going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt