Chapter 5

77 56 5
                                    


Dean's Office~

Nasa tapat sila ng pinto ng D.O. Sila Owen, Caleb, Marcus, Gwen, At Ace.

"Antagal mo naman!" reklamo sakin ni Gwen ng makalapit ako sa kanila.

"Ewan ko sayo..Pasok!" sabi ko sa kanila at binuksan ko ang pinto.

"Good morning Dean." seryosong bati ko kay Dean Harold.

"Good morning, come in" sabi niya at sinenyasan pa kaming pumasok. Pumasok silang lahat at ako na ang nagsara ng pinto saka tumabi kay Marcus.

"Ano na naman bang ginawa nitong si Ms. Estrada at Mr. Imedez?" tanong sakin ni Dean.

"Nagsuntukan po sila sa Cafeteria Dean." Sagot ko.

"Anong rason at nakipag-suntukan ka na naman Ms. Estrada?" baling ni Dean kay Gwen.

"Ganto yon Dean..si Acky po kasi sinuntok ako kanina sa Parking lot kasama niya si Bambi tapos etong kumag na kuya ni Acky sinugod ako sa cafeteria! and that's the exact reason Dean Harold!" sabi ni Gwen.

Isa pa yang kabastusan niya! nasanay na kasi siyang makipag-usap ng ganyan kay Sir Harold. Eto namang si Dean sanay na din, dahil nga si Gwen ang araw-araw na laman ng D.O. tss.

"Explain your side Mr. Imedez." Seryosong baling ni Sir kay Ace. Sobrang seryoso ni Dean.

"Nagsumbong sakin yung kapatid ko Dean---" di niya na natapos.

"Duwag kasi yang kapatid mo! siya na nga yung may sala siya pa yung pa-victim! Yung kapatid mo abnoy!" biglang sigaw ni Gwen dahilan para magulat kaming lahat na nandito sa loob.

"Shut up Ms. Estrada! hintayin mong makapag-explain si Mr.Imedez!" inis na sabi ni Dean. Napasandal naman si Gwen at nag-crossed arms. Narinig ko namang naghagikgikan sila Owen, Caleb, at Marcus.

"Hoy!" bulong ko sa kanilang tatlo. Tumahimik naman sila.

"Nagsumbong ho kasi sakin yung kapatid kong si Acky..ang sabi niya sinugod daw siya nitong si Gwen, tapos ho binantaan pa daw siya ni Gwen na 'Aabangan daw ho ni Gwen si Acky sa labas' kaya po dahil sa inis ko sinugod ko po si Gwen sa Cafeteria." paliwanag ni Ace.

"Is that true Ms. Estrada?" galit na sabi ni Dean kay Gwen.

"That's not true Dean..Ang kapatid niya nga ang nauna e, did you see this sir?" sabi ni Gwen sabay turo sa mata niyang may Black eye. "Alam niyo ba Dean na nakatulog ako sa sapak ng kapatid niyan! mandurugas yang kapatid niyan! merong bakal yung pinansuntok sakin! And that's not fair!" gigil na sigaw ni Gwen.

"Hahahaha!" tawanan naming apat. Loko ka talaga Gwen.

"Mr. Ortessa and Mr. Tavera, Iexcuse niyo ang kapatid ni Mr. Imedez na si Acky at isama niyo na din si Mr. Himpasho! Now!" Galit na sigaw ni Dean sa aming dalawa ni Caleb.

"Y-Yes Dean.." sabi ko at saka sinenyasan si Caleb na sumundo sakin.

I stole the bad girl's heart (On Going)Where stories live. Discover now