Chapter 16

15 8 7
                                    


Quadrangle~

"ilang ikot?" Tanong ni Gwen sakin. Nagpalit siya ng sapatos dahil tatakbo nga siya diba. 

"25 laps." Sagot ko. 

"Sino mag-bibilang?" Tanong niya ulit.

"Ako." Sagot ko ulit. 

"Sinabi mo na ba kay Dean?" 

"Oo." 

"Sigurado ka?" 

"Oo nga." 

"Sige"

"Geh." Sabi ko. 

"Ang lamig naman dito! Ano ba itech!" Biglang sigaw ni Arvin dahilan para magtinginan kami sa kanya. 

"Anong malamig? Ang init-init nga eh!" Kuno't noong sabi ni Blythe kay Arvin. Ang slow mo Blythe tsk.

"Ewan ko sayo Blythe." Si Arvin. Lumingon na ulit ako kay Gwen. Nakaupo siya at busy-ng busy mag-sintas ng Rubber shoes na suot nya malamang! 

"Tumakbo ka na!" Sabi ko sa kaniya. 

"Oo! Teka lang!" Iritang sigaw niya. Sungit! Grrr! 

Pinagmasdan ko ang mukha nya. Maganda, makinis, mahaba ang pilik mata, hindi gaanong matangos ang ilong, at napalunok na lang ako ng mapatingin na ako sa pinkish niyang labi. 

Hays! Bakit ba kasi ganyan ugali mo! Ang ganda-ganda mo tapos basagulera ka! Tss. Kung hindi ka lang basagulera, matagal na kitang niligawan. 

"E-Ehem! Ehem!" Natauhan lang ako ng biglang mapaubo-ubo sila Owen, Marcus, Caleb, Ally, Blythe, Arvin, at Icey! Tiningnan ko sila ng masama at nagtawanan lang sila! Mga hangal! Tsk.

"Tatakbo nako" biglang sabi ni Gwen habang tumatayo. 

"Edi tumakbo ka!" Inis na sigaw ko. 

"Hoy! Wag mo akong masigaw-sigawan dyan ha! Di ako bingi!" Sigaw niya rin sakin. Narinig ko namang nagtawanan ulit sila Owen! 

 Kakainis talagaaaaaaaaaaaa!! Hmppp!!

"Oo!" Medyo mahinang sagot ko. 

"Ikaw ang magbibilang diba?" Humina din ng kaunti ang boses niya. 

"Kaya nga tumakbo ka na." Sagot ko. Ang daldal namaaaaaann!! 

"Ayusin mo bilang mo ha!" Huling sabi niya saka nagsimulang tumakbo. 

"Go Gwen! Go Gwen! Woooooohh!!" Sigawan ng mga kaibigan ni Gwen. Mga abnormal! Tss. Sigaw lang sila ng sigaw. At nang pang-Fifteen na bumalik siya sa pwesto namin. 

"Oh? Fifteen pa lang ang naiikot mo." Sabi ko sa kaniya. Umiinom siya ng tubig.

"Pwede bang maghintay ka lang? Napapagod din ako oy!" Inis na sabi niya habang nagpupunas ng pawis. 

"Oo nga naman Bud!" Biglang sabat ni Caleb. 

"Hindi robot ang kaibigan namin Astrid." Sabi naman ni Ally. Edi ako na! Sorry nga eh! At tsaka dapat lang sa kaniya yan. Tss, sanay naman na yan! Joke! syempre mas mahina ang babae kesa sa lalake. Maya-maya lang ay tumakbo na ulit siya. 


16..

17..

18..

19..

20..

21..

22..

23..

24..

25..

"Woooooooohhhh!!" Sigawan ulit ng mga kaibigan ni Gwen. Bagsak ang balikat niyang bumalik sa mga kaibigan niya. Actually naaawa ako sa lagay niya ngayon, hingal na hingal at pawis na pawis parang makukulangan pa ata ng hangin sa katawan eh. Teka nga! Bakit ba naaawa ako sa kaniya? E siya naman may kasalanan kung bakit tumakbo siya! 

"Wews! Nakayanan mo yon Gwen?" Namamanghang sabi ni Marcus kay Gwen. Tumingin lang sa kaniya sa Gwen at tumango. 

"Mauna na kami.." Paalam ni Blythe samin. 

"T-Teka!" Pigil ni Owen kina Gwen. Ano na naman ba yan Oweeeeeeenn??!! Wag mo sabihing??? 

Lumingon silang apat maliban kay Gwen. "S-Sumabay na lang kaya kayong mag-lunch samin?" Tanong ni Owen! Sabi ko na nga baaaaaa eeeeee!!! Ayoko makasabay yaaaann!! 

"Oo nga! Sumabay na lang kayo samin" sabi naman ni Caleb! Anakng!! Badtrip naman tong dalawang to! Tss.

"Okay...tara na." Sabi ni Ally at naglakad na ulit silang magka-kaibigan. Dali-dali naman silang sumunod kina Gwen, samantalang ako nagda-dalawang isip kung susunod ba ako sa kanila at sasabay akong mag-lunch. Pero, wala naman akong ibang kasama kaya NO CHOICE!! 

Napapailing akong sumunod sa kanila. 







I stole the bad girl's heart (On Going)Where stories live. Discover now