Chapter 8

52 36 0
                                    


Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Locker Area ng mga Freshman at Sophomores.

"Number 17..18..ayon! 20.." sabi ko sabay bukas nung locker number 20. Eto yung kay Acky. Pagbukas ko ay may black na hoodie akong nakita.

"Nice one!" tuwang-tuwang bulong ko. Kinuha ko yung black na hoodie at tiningnan kung may print ba ng Oxford.

At meron nga! sinara ko na ulit yung Locker ni Acky at sunod ko namang hinanap ang locker ni Bambi.

"20...31..23!" Bulong ko at dali-daling binuksan ang locker. Hinanap ko kung may black na hoodie pero wala akong nakita!

Asan naman kaya ang hoodie nung mokong na yon?! ha! siguro nasa bag niya...sa classroom nila.

Sinara ko na ulit yung locker ni Bambi at nagtungo naman ako sa Room nila.

Paakyat pa lang ako ng makasalubong ko sila Owen at Marcus. Pababa na sila.

"Oh bud! saan ka?" tanong sakin ni Owen.

"Sa classroom nila Acky..titingnan ko kung may hoodie siya sa bag niya.." sabi ko.

"Kaninong bag?" tanong nilang dalawa.

"Kay Bambi..tara..samahan niyo na lang ako." sabi ko sa kanila, tumango naman sila at sumunod na din sakin Paakyat ulit.

"Grabe talaga si Gwen, kung sino-sinong binabangga tsk tsk tsk.." si Owen habang umiiling pa.

"Basagulera nga kasi siya..Anong aasahan mo sa babaeng yon? e puro gulo ang pinapasok non tss" sabi ko.

"Pero bud, kahit ganon si Gwen magaling sa Fencing yun, at balita ko e matalino daw yong si Gwen.." si Marcus.

"And siya pa rin daw ang representative natin sa Fencing, sabi ni Sir Orola." si Owen naman. Si sir Orola, coach ng Fencing.

"Oh?" si Marcus. Nakikinig lang ako sa kanila.

"Oo..nakita ko nga siya kung panong maglaro ng Fencing last week e. Magaling nga talaga siya."

"Kaya siguro Katana ang tawag sa kaniya dito Hahaha!" si Marcus. Natawa naman ako.

Pagkarating sa tapat ng Room nila Acky at kumatok ako ng Tatlong beses, mabuti naman at hindi na si Ma'am lucy ang lect. nila ngayon.

"Oh? Why Mr. Ortessa?" tanong sakin ni Sir Albert, Science Lect. ng Grade 9,10.

"Good morning sir..Excuse lang po sa Bag ni Mr. Himpasho.." Sabi ko.

"Bakit daw?" si Sir pa rin.

"May titingnan lang po ako sa Bag niya Sir..titingnan ko kung may Black na hoodie ba siya sa bag niya..About po yun sa Accident kanina sa parking lot." paliwanag ko.

"Ahh that! okay..okay..tracy, pakikuha ang bag ni Mr. Himpasho.." Baling ni Sir kay tracy, classmate nila Acky.

"Sir.." sabi ni Tracy habang iniaabot ang Bag kay sir.

"Oh Mr. Ortessa." sabi ni Sir at inabot sakin ang Bag ni Bambi. Kinuha ko yon at nagpaalam na.

"Thank you sir. Mauna na po kami." paalam ko at ganon din sila Owen at Marcus.

"Welcome.." sabi ni sir at tumango sabay sara ng pinto.

"Tara na buds." yaya ko sa kanilang dalawa, naglakad na kami pabalik sa D.O.

I stole the bad girl's heart (On Going)Where stories live. Discover now