Chapter 17

17 0 0
                                    


Cafeteria~

"Order lang kami." Sabi ni Blythe kasama sila Arvin at Icey. "Sama kami." Sabi naman ni Marcus at Caleb. Itong si Caleb tsk tsk, gusto lang ata makasama si Blythe.

"Tara.." Sabi ni Blythe at umalis na sila. Now! This is Awkward!

Puro ngitian lang ang nagaganap dito saming apat. Kapag titingin ako kay Gwen, titingin din siya sakin sabay irap. Tss, attitude! Kay Owen at Ally naman, magtitinginan ng mga ilang segundo tapos iiwas sabay ngingiti. Mga abnoy amp!

Maya-maya lang...

"Ah! A-Ally! m-may practice ba t-tayo sa Thursday ng baseball?" Biglang tanong ni Owen.

"M-Meron...M-Magpa-practice ka?" Naiilang na tanong naman ni Ally. Ngumiti naman si Owen. "Oo..sabay na lang tayo pumunta sa field sa thursday." Naks! Dire-Diretso Owen Hachiro ah Hahahah!

Nagulat naman ako ng biglang mahagip ng mga mata ko si Gwen! At lalong nanlaki ang mga mata ko ng mahuling nakatingin siya sakin! Haaaaaaaaaaaayyyssss!! Gwen naman! Tss.

"Oh?" Kuno't noong tanong ko sa kanya.

"Wala." Mataray na sagot niya. Attitude ka sis???

"Ano nga?" Pangungulit ko.

"I said nothiiiinggg!!" Medyo malakas na sabi niya sa pagmumukha ko. Ang bilis naman mag-init ng ulo nito! Tinatanong ko lang naman eh!

"Edi wala.. Bakit ba sumisigaw ka??" Medyo inis sa tanong ko.

"Ang kulit mo eh! Masama bang tumingin?"

"Hindi!" Sabi ko at inirapan nya lang ako!

"Naman pala eh! Tss" mataray pa rin na sabi nya. Hindi ba pwedeng hindi magtaray?!

Maya-maya lang ay dumating na si Caleb kasama sila Blyhte, Arvin, Marcus, at Icey may mga dalang tray na puno ng Sandwiches at Pizza's syempre hindi mawawala ung paborito kong milkshake hehehe.

"Heeeeyy!" Salubong ni Caleb pagkaupo nila.

"Ang dami naman!" Gulat na sabi ni Owen. Gunggong talaga to! Marami tayong kakain malamang! Tsk tsk tsk.

"Malamang! Ang dami kaya natin dito sa table." Sagot ni Caleb. Oo nga naman Owen! Hayst, bawas pogi points 'yang pagiging lutang mo kay Ally tsk!

"I-I mean..Ang d-daming nakapila kaya n-natagalan kayo!" Tatawa-tawang sabi ni Owen. Naks! Galing ng palusot mo Owen ah! Hahahaha!

"aaaaahhh!!" Tumatango at nakangising sabi naming lahat kay Owen.

"Kumpletuhin mo kasi Bud! Para hindi halata Hahahahah!" Sabi ni Caleb.

"HAHAHAHAHHAHAHAHAHA!!" Tawanan naming lahat.

"Tara na.." Biglang sabi ni Gwen. Anong problema nito? Tara na? Saan?

"Saan?" Sabay-sabay na tanong namin kay Gwen.

"Kakain! Anyare sa inyo?" Tatawa-tawang sabi ni Gwen sa amin. Ah sarado Hahahahah. Ayaw kasing kumpletuhin tsk.

"aaahh HAHAHAHAHAHAHAHA!!" Tawanan namin at nangibabaw ang tawa nila Owen at Ally. Bagay nga kayo tss.

"Mga lutang ampota." Nakangisi at napapailing na sabi pa ni Gwen.

"Sorry na bakla! Hahahaha!" Si Arvin.

"Baklang toh!" Si Icey naman.

"Hahahahah!" Tawanan nila Ally at Owen.

Nagsimula na kaming kumain. Nangingibabaw ang boses nila Ally at Owen, puro kwento at tawanan kaming lahat. Pero hindi ko talaga maiwasang hindi mapatingin kay Gwen! At lalong hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya sa tuwing ngumingiti at tumatawa siya! na realize ko na mabait din pala 'to. At ang napansin ko sa kanya, madali siyang mapangiti at mapatawa, lalo na kapag si Arvin at Ally ang nagbibiro.

"Huy!" Bulong ni Owen sakin sabay siko ng marahan. Ano na naman bang problema nito???

"Ano?" Tanong ko. Ngumisi naman siya ng nakakaloko.

"Bakit panay tingin ka kay Gwen? Maganda ba?" Nakakalokong bulong pa rin nya sakin. Tumigil ka dyan Owen ha! Bibigwasan talaga kita!

"Aba malay ko! Hoy owen ha! Kung iniisip mong may gusto ako dyan kay Gwen..ngayon pa lang tigilan mo na ha!" Medyo malakas na bulong ko sa pagmumukha nya. Wala akong gusto kay Gwen..pero hindi ko sure kung meron nga hehehe. Eh! Basta wala akong gusto dyan.

"Ako pa lolokohin mo, e matagal na akong loko-loko!" Tatawa-tawang sabi niya pa! At nainis ako kasi napalakas yung pagkasabi niya non! Tangina naman Oweeeeeeeeennn!! Anong klaseng bibig yaaaaaannn!!

"Ano?" Si Marcus.

"Ha?" Sila Ally, Arvin, at Blythe.

"What?" Si Caleb at Icey.

Tanong nilang lahat, samantalang si Gwen ay patuloy pa rin sa pagkain ng pizza. Kakagatin na niya sana yung pizza pero bigla siyang napatingin sakin dahil siguro napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Kaya ang itsura niya ngayon ay nakanganga at nakatingin sakin.

"Ano?!" Inis na tanong niya sakin. Actually, ang cute niya sa itsura niya ngayon. NGAYON LANG HA!

*Lunok*

"N-Nothing.." Sabi ko kay Gwen habang umiiling.

"Wala...wala! Hehehe!" Sabi ni Owen sa kanilang lahat. Tumango-tango naman sila at nagpatyloy na din sa pagkain at pagkwe-kwentuhan.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I stole the bad girl's heart (On Going)Where stories live. Discover now