Chapter 11

41 27 2
                                    


Pagpunta ko sa room ko ay sumalubong agad sa akin sila Ally, Blythe, Arvin, at Icey. Mga kaibigan ko. Wala pa si sir Antonie, Math lect.

"Gurl, ba't antagal mo naman." Si Icey. Bakla.

"Sinugod ako nung kuya ni Acky..kaya ayon, sa Dean's office ang bagsak namin." Sabi ko.

"Hindi naman na bago samin yan Teh!" Si Arvin.

"Kapag ako talaga hindi nakapag-timpi don sa magkapatid na yon, yayariin ko talaga sila." Gigil na sabi ko.

"Chill..sa ibang araw mo na lang gantihan, sasamahan ka naman namin e..diba?" Tanong ni Ally sa Tatlo.

"Of courseee!" Si Blythe.

"Oo na lang." Si Arvin at Icey.

"Ano namang punishment mo ngayong araw?" Si Blythe.

"Edi 25 laps sa Quadrangle..ng 12 noon" sabi ko at sumandal saka nagcrossed arms.
Nagulat naman silang lahat O.A.

"Ha?! 25 laps? ng 12 noon?!" Gulat na sabi ni Blythe.

"Oo nga! Ang mas kinaiinisan ko, kung bakit kailangan pang si Astrid ang sumundo sakin dito sa Room..e kaya ko namang pumunta sa Quadrangle ng mag-isa!" Inis na sigaw ko.

Ayokong may sumusundo o naghahatid sakin, hindi ako sanay at lalong hindi ako sanay makipag-usap sa ibang tao. At ayoko makasama yung Astrid na yon kahit yung tatlo niyang asungot. Ewan ko ba! Basta ayoko. Hindi ko naman siya kaaway at hindi ko din siya kaibigan, hindi ko lang siya trip kasama.

"Hoy! hindi mo kailangan sumigaw!" Sigaw din sakin ni Ally.

"E nakakainis kasi!" Inis pa ring sabi ko.

"Bakit ba kasi galit na galit ka kay Astrid? wala namang ginagawa sayo yung tao." Si Ally pa rin.

"Palagi din siyang galit sakin e..kaya palagi din akong galit sa kaniya!"

"Ang childish mo teh! Natural na magagalit sayo yung si Bebe Astrid dahil palagi kang nagiging cause ng pagka-stress niya gaga!" Si Icey.

"Edi wag niya kong pansinin.." Sabi ko.

"Mapapansin ka non gaga! E palagi kang laman ng usap-usapan ng mga bubuyog!" Si Icey pa rin.

"At ikaw lang ang babaeng ganyan ang pag-uugali!" Si Ally, tumango-tango naman sila Blythe, Arvin, at Icey.

"Korek ka dyan teh!" Sabat ni Arvin.

"Kaya nga walang babaeng pumapatol kay Gwen dito e Hahaha!" Tatawa-tawang sabi ni Ally.

"Sino ba naman kasing papatol sa isang Amazona na katulad ni Gwen, e konting pagkakamali mo lang sa kaniya jombag na agad ang abot Hahahahah!" Si Arvin.

"Hahahahahah!" Tawanan namin.

"Kaya nga walang naglalakas loob na manligaw kay Gwen e.." Si Ally.

"Malas lang ng magiging boyfriend ni Gwen.." Patuloy niya pa.

"Bakit naman teh? Ganda ganda ni Gwen e." Si Arvin.

"Syempre malas nila kasi hindi sila makakapagloko kay Gwen Estrada Hahahahaha!" Sabi ni Ally, natawa naman kami.

"Ano bang gagawin mo kung sakaling may boyfriend ka tapos niloko ka?" Tanong sakin ni Ally. Napaisip naman ako sa tanong niya.

Papatayin ko sila nung babaeng kasama niya hehehe. Joke! Hindi naman ako ganon kasamang tao.

"Ewan ko." Sagot ko.

"Ano ba yan! bili na kasi!" Si Ally pa rin. Madaldal na makulit pa.

"Edi papatayin ko silang dalawa..para magkasama na sila forever." Seryosong sagot ko.

"Ay! Ang harsh mo naman gurl! Hindi ba pwedeng mag-explain muna silang dalawa sayo?" Si Icey.

"Wala ng kwenta yung mga explanation nila..kahit pa ilang beses sila mag-explain at mag-sorry sakin, niloko pa rin nila ako..dahil masakit yon para sakin." Sabi ko.

"Aaaaahhh" parang malungkot na sabi nilang apat.

"Aw.. aw.. aw!" Si Ally.

"Parang tanga." Sabi ko kay Ally.

"Hahahahahah!" At nagtawanan kami.

"By the way Gwen..nakalimutan kong sabihin sayo na may practice na pala ang mga players ng Fencing." Biglang sabi ni Blythe.

"Kailan sinabi?" Takang tanong ko.

"Kanina lang, nasa office ka kasi kaya sakin na lang sinabi."

"Kailan daw at anong oras?"

"Mamayang 4 pm." Sagot niya, tumango na lang ako sa kaniya.

"Samahan ka na lang namin mamaya sa practice mo..wala ka namang jowa para sumupport sayo, kaya kami na lang hahahah!" Si Arvin.

Ang sama ng pag-uugali e! Hmp!

"Edi ikaw na may syota! Sapakin kita e!" Tatawa-tawang sabi ko kay Arvin.

"Hoy Bakla! Hanggang ngayon hindi pa namin kilala ang Boyfie mo! Pakilala mo naman..para share tayo hehehe!" Biro ni Icey.

"Kung sampalin kaya kita! Ayon oh! si jukno, ligawan mo!" Turo ni Arvin kay Jukno.

"Ayoko nga! Wala siya sa mga standards ko!" Sabi ni Icey at nagflip hair pa, kahit hindi naman mahaba ang buhok. Bakla talaga.

"Hoy! Wag niyong ganyan-ganyanin yang si jukno! Kayong dalawa ang nanguna sa pagboto sa kaniya bilang escort remember?" Tatawa-tawang sabi ni Ally.

"Hahahahahaha!" Tawanan naming lima.

"Hoy Icey! Wala ka din sa Standards ni Owen! Wag kang echusera! Baklang to." Natatawang sabi ni Blythe kay Icey.

"Oy teh! Wala ka din sa standards ni Caleb! Echuserang frog to!" Si Icey.

"Atleast buhay ako! you don't need to care! Duh!" Sabay irap at fliphair.

"Ay taray ni bakla! Pwede nang ka-double ng actress sa teleserye..yung sinasampal sampal lang ng bida Hahahaha!"  Si Icey.

"Hahahahahahah!" At nagtawanan na kami.

"Nakakahiya naman sa face mo 'Bernardo Mendoza' Hahahaha!" Si Blythe at talagang diniinan pa yung true name ni Icey.

"Lalaking lalaki ang pangalan..mala lumang tao sa taray ng pangalan e! Hahahaha!" Sabat ni Ally.

"Antagal naman ni Sir..pumasok ba siya ngayon?" Biglang tanong ko. Kanina pa kami daldalan ng daldalan dito, tapos hanggang ngayon wala pa rin?

"Oo nga no?" Silang apat.

"Hoy President! May klase ba tayo sa Math?" Sigaw ko kay Daphnie.

"Wala." Sagot niya.

"Anak ng tokwa naman Daphnie! Bakit hindi mo sinabi agad?"

"Nagtanong ka ba?" Mataray na tanong niya.

"Pucha! Dapat sinabi mo agad saming mga kaklase mo..wala ka talagang kwentang President!" Sabi ko sabay tayo. Hindi siya nakasagot.

"Anong gagawin mo?" Takot na tanong sakin ni Daphnie.

"Wala." Sabi ko at patuloy pa rin sa paglapit sa pwesto niya.

"W-Wag kang lalapit!" Sigaw niya sakin, pero hindi ko pa rin siya pinansin. Nang makalapit ako sa kaniya, binulungan ko siya.

"Sa susunod, pipili ka ng tatarayan mo ha! Wag ako..dahil yayariin kita..understand miss president?" Bulong ko.

"O-Oo na!" Takot niyang sagot habang tumatango-tango pa.

"Wag kang matakot..wala pa akong ginagawa." Nakangising sabi ko at lumabas ng classroom, sumunod naman sakin sila Ally at Blythe kasama yung dalawang bakla at saka kami sabay-sabay na pumunta ng Cafeteria.

I stole the bad girl's heart (On Going)Where stories live. Discover now