Chapter 10

40 29 5
                                    

Napahilamos na lang sa mukha si Dean sa sobrang stress at galit.

"Mr. Imedez at Mr. Himpasho! bukas na bukas ay papuntahin niyo ang mga magulang niyo dito! nakakatatlong record na kayo sa akin! At kapag umabot pa 'to ng lima!...isu-suspend ko kayo ng Isang buwan!" Galit na talagang sigaw ni Dean na halos lumabas na ang ugat sa leeg.

"At ikaw Ms. Estrada! halos araw-araw kang nandito sa office ko! hindi ko na alam ang gagawin kong punishment sayo!" Sigaw sakin ni Dean.

Ayaw niyo non? ayaw niyo ng palaging may bumibisitang estudyanteng maganda? hindi ba pwedeng 'MISS' ko lang kayo? awit! Hahahaha!

"Edi katulad na lang nung ginawa niyong punishment sakin last week..20 laps sa quadrangle.." Sabi ko. Napahilamos na naman ng mukha si Dean. Bigla naman akong marahang siniko ni Astrid na nasa gilid ko, nakatayo.

"Ano ba?!" inis kong bulong sa kaniya.

"Umayos ka nga sa pagsagot mo! parang hindi si Dean ang kausap mo!" inis niya ding bulong sakin.

"Tss." sabi ko at muling tumingin kay Dean.

"Pasalamat ka at hindi kita mapatalsik sa School na to Ms. Estrada! dahil hanggang ngayon ay wala pa din kaming mahanap na kasing galing mo sa larong Fencing! at ikaw pa rin ang Representative ng school natin!" Sigaw ni Dean.

Manenermon na nga lang may kasama pang papuri..

"Of course Dean..walang makakatalo sakin pagdating sa Fencing.." proud na sagot ko. Napahampas naman si Dean Harold sa noo niya at napapikit ng mariin.

"25 laps paikot sa Quadrangle! Mamayang 12 noon! yan ang punishment mo ngayon!" Sigaw na naman ni Dean.

"Eh? 25? Laps? ng 12 noon?..sir naman..minus 5 naman Dean! Ang init init sa quadrangle ng tanghaling tapat e." nakangusong reklamo ko.

"Parusa ay parusa Ms. Estrada!" Sigaw na naman ni Dean.

"Papupuntahin ko si Mr. Ortesaa mamayang 12 noon sa Classroom mo! para gawin ang punishment mo!" si Dean.

"Wag na si Astrid Dean! Alam ko naman tumingin ng oras e! gusto mo pa nga Dean  pumunta ako dito para aware kayo na tatakbo na ko sa Quadrangle mamayang 12 noon." sabi ko.

"Wala ng reklamo reklamo! sige na! bumalik na kayo sa mga classroom niyo! At kayo Mr. Imedez at Mr. Himpasho! papuntahin niyo bukas na bukas ang mga magulang niyo! Kapag wala akong nakitang magulang dito bukas automatic..suspended kayo ng one month!" Sigaw ni Dean.

"O-Opo D-Dean.." sila Acky at Bambi.

"Mauna na po kami Dean.." sila Astrid, Owen, Caleb, at Marcus.

"Bye bye.." sabi ko at naunang lumabas sa kanila.

I stole the bad girl's heart (On Going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin