Chapter 7

56 38 2
                                    


Dean's office~

"Dean.." sabi ko pagbukas ko nang pinto.

"Come in." Halatang galit na sabi ni Dean Harold. Pinauna kong pumasok sila Acky at Bambi saka kami pumasok dalawa ni Caleb.

"Anak ng tokwa naman! hoy Acky! ang lakas ng loob mong magpakita sakin, pagkatapos mo kong suntok---" di na natapos ni Gwen ang sasabihin niya ng biglang sumigaw si Dean.

"Ms. Estrada!!" galit na sigaw ni Dean kay Gwen.

"Sorry Dean!" parang galit pang sabi ni Gwen sabay sandal ulit at nag-crossed arms. Umupo naman sila Acky at Bambi sa tabi ni Ace.

"Acky at Bambi! totoo bang sinuntok niyo si Ms. Estrada sa Parking lot?!" galit na sabi ni Dean.

"H-Hindi po t-totoo yun Dean! w-wala po akong ginawa dyan kay G-Gwen!" nauutal na saad ni Acky.

"Hindi daw totoo pero nauutal! tss" narinig kong bulong ni Gwen.

Anak ng..palaging may nasasabi e! sobrang daldal talaga!

"Bambi! totoo ba?!" galit na talagang sigaw ni Dean. Ayaw pa kasing umamin!

"Ah D-Dean!" biglang sabat ni Owen dahilan para tumingin kaming lahat sa kaniya.

"Ano yon Mr. Hachiro?!" inis na baling ni Dean kay Owen.

"Nakita ko pong may sumuntok kay Gwen sa parking lot, ang kaso lang po ay hindi ko nakilala dahil mga naka-hoodie..hahampasin pa nga po sana si Gwen ng baseball bat sa ulo e, mabuti na lang po dahil dumating si Kuya bok, yung guard po sa parking lot.." si Owen.

"Ilan ang nakita mo?" tanong ni Dean.

"Dalawa po.." sagot ni Owen. Nilingon ko naman sila Acky at Bambi halatang kabado.

Kung silang dalawa nga ang sumuntok kay Gwen, hindi sila magka-kaganyan..at lalong hindi mauutal-utal si Acky sa pagsagot. E kung ipa-check ko kaya sa locker at bag nila Acky at Bambi kung may Hoodie sila? Tama! Ang bright talaga!

"Ah Dean, kung i-check ko po kaya ang bag at locker nilang dalawa? Baka sakaling makita ko po kung may hoodie nga talaga sila?" Tanong ko. Napaisip naman si Dean.

"Sige Mr. Ortessa...Mr. Hachiro, nakita mo ba kung anong kulay nung hoodie?" seryosong tanong ni Dean kay Owen. Nilingon ko naman si Owen at halatang napaisip din siya.

"Kulay Black po ang hoodie at may Print ng oxford." Sabi ni Owen.

"Okay..Acky at Bambi ibigay niyo ang susi ng locker niyo kay Mr. Ortessa." seryosong baling ni Dean sa kanilang dalawa.

"P-Pero sir--" si Bambi.

"Walang pero pero! ibigay niyo ang susi niyo!" galit na sigaw ni Dean. Parang nanlulumo naman nilang ibinigay sakin ang susi ng locker nila.

"Number 23 yung locker ko." si Bambi.

"Number 20 yung akin." si Acky naman.

"Mr. Santos at Mr. Hachiro paki sabi sa Lecturer niyo at lecturer nila Mr. Imedez at Ms. Estrada na excuse muna sila." baling ni Dean kina Marcus at Owen. Tumango naman silang dalawa saka lumabas.

"At ikaw Mr. Tavera, dito ka lang.. Pumunta ka na sa Locker area Mr. Ortessa." Sabi sakin ni Dean, tumango lang ako kay Sir at kay Caleb saka lumabas na din.

I stole the bad girl's heart (On Going)Where stories live. Discover now