Chapter 6

52 40 1
                                    


Kasalukuyan kaming naglalakad ni Caleb papunta sa room ni Acky at ni Bambi sa second floor.

Ang room namin nila Caleb, Owen, at Marcus ay sa kabilang building sa second floor. Puro Grade 11 and 12 ang nandoon at itong building na inaakyat namin ngayon ni Caleb ay puro Freshman at Sophomores.

Si Gwen naman ay Grade 12, ka-batch ko. Ang room niya ay sa First floor at katabi nang room niya ay yung room ni Ace Imedez, yung kaaway niya.

"Bud, tibo ba si Gwen?" Biglang tanong ni Caleb.

"Siguro..." sagot ko.

"Ano ba yan." parang inis na sabi niya.

"E bakit ba sakin mo tinatanong? e hindi ko naman close yung babaeng yon!" Maliban na lang kung makikipag-kaibigan siya sakin at kung magtitino siya.

"Malay ko ba..baka kasi nahahalata mo e."

Base sa kinikilos ni Gwen, hindi naman siya mukhang lalaki mag-lakad at hindi rin siya lalaki kung umasta at pumorma. Basta! ewan ko!

"Tanongin mo sila Arvin, kaibigan non si Gwen." sabi ko sa kaniya.

"Sinong sila?" takang tanong niya.

"Edi sila Arvin, Blythe, Ally..Sino pa ba yung isa?..ayon! si Icey." Sabi ko.

"Icey? e Bernardo pangalan non diba? Hahaha!" tatawa-tawang sabi ni Caleb.

"Bakla nga kasi bud! hahahaha!" sabi ko at nagtawanan kami.

Maya-maya lang ay nasa tapat na kami ng room nila Acky at Bambi.

"Ikaw na kumatok bud" sabi sakin ni Caleb sakin at sinagi pa ko.

"Oo na..ako naman palagi yung kumakatok e." sabi ko sa kaniya saka kumatok ng tatlong beses. Bumukas din naman agad.

"Good morning ma'am." Bati ko.

"Good morning..Anong kailangan?" masungit na tanong sakin Ma'am Lucy, Math Lect. ng Grade 9 and 10.

"Excuse lang po kay Mr. Imedez at Mr. Himpasho, pinapatawag po sila ni Dean Harold sa Dean's office." Paliwanag ko. Hindi niya ako sinagot at tumingin sa mga student.

"Mr. Imedez and Mr. Himpasho.." sabi ni ma'am at sumenyas na lumabas.

"Bakit daw ma'am?" parang takot na sabi ni Acky.

"Pinapatawag kayo ni Dean sa Dean's office!" si Ma'am Lucy.

"Ah s-sige po ma'am.." Sabi ni Acky at tumayo sila ni Bambi saka sila pumunta samin.

Narinig ko na naman ang mga bulungan ng mga babae.

"Oh my god!! andito sila fafa Astrid at fafa Caleb! eeekk!"

"Oh my! look who's here Kathy! sila Astrid at Caleb my bebe love's!"

"Oo nga yieeeee!"

"Wag kang ambisyosa teh! hanggang tingin ka na lang dyan sa mga ulam na yan!"

"I don't care! basta araw-araw ko sila nakikita masaya nako!"

"Silence!" galit na sigaw ni Ma'am Lucy. Tumahimik naman lahat.

"Thank you po Ma'am Lucy, mauna na po kami." paalam namin ni Caleb.

"Sige na sige na!" parang inis na sabi ni Ma'am Lucy saka niya sinara ng pinto. Sungit talaga!

"Tara na." yaya ko sa kanila. Sumunod naman sila at naglakad na din.

"B-Bakit daw kami pinapatawag Astrid?" tanong sakin ni Acky. Halatang natatakot na siya.

"Basta.." sabi ko na lang.

"Bakit nga! simpleng tanong hindi masagot ng maayos!" inis na sigaw ni Bambi.

"Sabi ko 'Basta'! Kutusan kita dyan e!" inis na sigaw ko din sa kaniya.

"Wag mo kong sigaw--" di na niya natapos.

"Manahimik ka na lang Bambi." mahinahong sabi ni Caleb.

"Tss." si Bambi.

I stole the bad girl's heart (On Going)Where stories live. Discover now