Chapter 4

76 6 0
                                    


Hindi pa rin makapaniwala si Charles na nasabi ni Jarmcel na nag-iba na ang sitwasyon. Hindi na pwedeng ipagpatuloy ang pagkacrush niya sa binata dahil nakasalalay dito kung maisasalba pa ba niya ang nabuong pagkakaibigan nilang dalawa.

Sa gabing yun, magkasunuran din silang sumakay ng bus papauwi. Umaasa na maiba ang hangin kumpara sa tensyon na nangyari sa may bus station, sa Kapitolyo.

Pero mahirap mawaglit sa isipan ng dalawang lalaki na nakaupo sa iisang upuan, dati pa rin nilang pwesto, na ang kanilang pagtatalo ay magdulot na nga ng mga pagbabago.

Ang tatlumpung minuto ay napakatagal na oras lalo na't kapag walang kausap. Ganito ang eksena na gusto ng matapos ng dalawa. Pero wala sa kanila ang naglalakas-loob na unang magsalita.

Di kalauna'y may isang ng sumuko o nagpaubaya -- alin man sa dalawa ang rason, may isa nang nagsimula ng usapan.

"Kailan ka magsisimula?" Sa mahinang boses nagmula ang mga unang salita. Kay Charles.

Hindi nalingon si Jarmcel sa kanan, pansamantalang prinoseso kung saan patungkol ang tanong ng katabi niya. Pero malamang sa malamang, may kinalaman yun sa panliligaw niya sa natitipuhan babae sa unibersidad.

"Hindi naman agad-agad yun diba?" Nagkameron na ng tugon sa kabilang bahagi ng usapan. Nagsalita na rin si Jarmcel na may tonong gusto niyang kunin ang opinyon ng kaibigan. "Kailangan magsimula muna sa pagkakaibigan."

Sinilip ni Charles ang mukha ni Jarmcel, pero malayo ang tingin nito habang nakaharap sa bintana. "Ibig sabihin, mali pala talaga ang naging entrada ko -- inuna ko munang magkagusto sa'yo kaysa maging magkaibigan tayo. Binaliktad ko pala ang takbo." Pabulong na sabi niya.

Hindi ito narinig ni Jarmcel. At wala na ulit nagtangka pang magbukas ng bibig sa kanila. Tuluyan na ngang natapos ang 30 minutes ng pagka-ilang habang natakbo ang sasakyan.

Ang saglit na pag-uusap nila ay isang malabong pangitain kung ano nga na ba ang mga mangyayari sa mga susunod na araw, sa kanilang relasyon bilang magkaibigan.

Ang saglit na pag-uusap nila ay isang malabong pangitain kung ano nga na ba ang mga mangyayari sa mga susunod na araw, sa kanilang relasyon bilang magkaibigan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinabukasan. Magkasabay na bumaba mula sa loob ng bus sina Jarmcel at Charles, sa station sa may Kapitolyo. Ang naging siste sa byahe, katulad ng nakaraang gabi. Tahimik ang naging ruta ng bus mula sa kanilang pinanggalingan hanggang sa natumbok nila ang lugar kung saan nagsimula ang kanilang diskusyunan.

"Una na ako ha. May dadaanan pa ako eh." Sambit ni Jarmcel sa kaibigan niya at nanakbo na nga siya papalayo.

Sa kanilang dalawa, mas hindi kaya ng naunang umalis ang pagka-ilang ng sitwasyon.

Habang naglalakad mag-isa, napabulong nalang si Charles. "Madali lang naman sa'kin na palitan ang pagtawag ko. Pero hindi ganun kadali maalis ang nararamdaman ko para sa'yo." Napabuntong hininga na lamang siya.

Sa klase, hindi man pansin ng iba. Pero hindi na gaanong nagkakaimikan ang dalawa. Sa kabila nun, hindi pa rin naman nawala yung turing nila sa isa't isa. Hindi lang ordinaryong magkaklase kundi magkaibigan pa rin naman .. na may konti lang ilangan.

Crush LifeWhere stories live. Discover now