Chapter 17

104 7 2
                                    


Maliban sa inaabangan nilang bigayan ng Card sa susunod na Biyernes, may ipinagkakaabalahan pa rin ang dalawang grupo ng lalaki at babae sa section nina Charles. At yun nga ang Intersection Basketball Game na binanggit sa kanila ng PE3 Instructor nila.

Hindi na ito kagaya ng unang laro dahil wala naman ng grade ang pinag-uusapan dito. Isang masayang laro nalang ito na nais maging mas magkakakilala ang mga estudyante mula sa iba't ibang section, mula sa iba't ibang programa.

Katulad ng dati, napagdesiyunan nina Franco na magkameron ng practice game para naman hindi sila maging talunan kapag humarap na sa mga kalaban. Syempre, hindi mawawala kahit sa praktis ang presensya ng Lucky Charm niya.

"Uy! Akala ko hindi ka darating eh." Kahit may konting ilang si Charles dahil sa pag-amin ni Franco ng nararamdaman niya patungkol dito, pinili niya pa ring ibigay ang suporta para sa grupo nila.

"Kapag wala ako, alam kong matatalo kayo." Pabirong wika ng binata na dumiretso na sa bangko sa gilid ng court na pinaglalaruan nila. Wala sila sa gym ng University. Nasa court sila ng isang barangay malapit sa bahay ng Team Captain ng grupo.

Nagsimula na nga ang laro ng mga kalalakihan. Takbo rito, takbo roon. Talbog ng bola sa kaliwa, talbog ng bola sa kanan. Nahati ang grupo nila sa dalawa para sa opensa at depensa. May ibang lalaki rin na mula sa natalo nilang grupo, para makipaglaro ng basketball sa kanila. Hindi niya inaasahan na isa dun ang mismong kapitan ng kabilang Team ay maglalaro rin, si Jarmcel.

Natapos ang unang quarter na halatang pagod na rin ang mga manlalaro sa pabalik-balik nila sa magkabilang hati ng court.

Napansin ni Jarmcel ang paglapit ni Franco sa kaibigan niya sa kinauupuan nito. Medyo may kalayuan kaya hindi niya rinig ang kanilang pinag-uusapan. "Tss. Papansin talaga 'tong Franco na 'to." Hinubad nito ang jersey niya para mapreskuhan naman ang kanyang katawan.

Bakas ang kakisigan ni Jarmcel kahit naka-tshirt siya. Pero mas litaw ang matipunong dibdib nito at matitigas na abs lalo na kapag nagtanggal na ito ng pang-itaas. Isa ito sa kinabaliwan ni Charles sa binata nung una. Kahit naman sino ay walang magagawa kundi matakam sa magandang hubog ng maskuladong katawan niya.

"Ang init, grabe. Bakit ba kasi dito kayo nagyaya ng praktis ninyo?" Pagtatanong ni Jarmcel sa isang kagrupo ni Franco na ka-Team niya ngayon sa laro nila.

"Bawal daw kasi sa University eh. Hindi naman daw kasi event talaga yun. Atsaka, bakasyon na rin kasi diba?" Sagot ng kaklase niya.

Biglang may nagtanong kay Jarmcel ng tanong na natagalan siyang sagutin. "Ikaw? Akala ko ba hindi ka pwede ngayon?"

"Ah, eh." Lumikot ang mata niya habang nakatingin sa bawat miyembro ng team na nasa harap niya ngayon. "Um. Wala lang! Support na rin sa inyo. Wala rin naman ako gagawin sa bahay kaya pumunta na ako."

"Ahh. Kaya pala." Tugon ng lalaking nagbato ng tanong sa kanya. Mukhang sapat na ang sagot niya para itago talaga ang totoong motibo niya kaya siya sumama sa practice game ng Team Franco.

"Sa totoo lang, nandito ako para bantayan si Charles. Pigilan si Franco sa panliligaw nito." Pag-amin niya sa isip habang nakatingin sa kabilang dako. "Kaso, parang kahit nandito ako .. hindi ko yata sila mapaglalayo."

Patuloy na nag-uusap at nagtatawanan sila Charles at si Franco mula sa natatanaw ng mata ni Jarmcel. Halatang masaya ang dalawa. Bakas sa pag ngiti ni Charles na para bang nakalimutan na rin nitong nagkaCrush nga pala sa binatang nagmamatyag mula sa malayo.

 Bakas sa pag ngiti ni Charles na para bang nakalimutan na rin nitong nagkaCrush nga pala sa binatang nagmamatyag mula sa malayo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Crush LifeWhere stories live. Discover now