Chapter 7

77 6 1
                                    


Maagang umalis si Charles sa kanilang bahay. Ito ang araw na napagkasunduan ng kanilang kapitan na magkaroon ng practice game. Kahit maliit man na effort at paghahanda para hindi naman sila maging tampulan ng katatawanan sa loob ng court. Lalo na dito sa lalaking kakasakay lang ng bus papuntang University. Doon kasi magaganap ang pagsasanay nila.

10:00 am ang usapan nila kaya alas nuebe palang ng umaga nasa daan na siya. Dumiretso siya sa bakanteng upuan, sa tabi ng bintana. Lumipas na rin ng mabilis ang solong byahe niya papuntang Kapitolyo.

Dahan-dahan na siyang nakakapag-adjust sa kapaligiran na walang Jarmcel sa tabi niya. Masasabing halos lahat ng oras na nagdaan kasama siya, nakatuon sa binata ang kanyang dalawang mata. Kung nakatalikod man siya, dalawang tenga naman niya ang gumagana. Pero sa pagkakataong ito, nasasanay na siyang mag-isa. At makakilala ng maraming iba pa.

09:35 am, nasa loob na ng gym si Charles. Doon nakalatag ang malawak na court na paglalaruan nila ng habulan at agawan ng bola. Kaso, wala pa siyang ibang taong nakikita.

May mga pailan-ilang estudyante na napasok at nalabas din sa gym. Ang iba'y nakatambay, yung iba naman naglalaro. Pero wala pang pamilyar na muka mula sa seksyon niya ang nahahagilap ng kanyang mga mata.

"Masyado yata akong maaga." Bulong niya sa sarili habang humanap ng pwesto na maaring maupuan habang naghihintay sa mga kasama niya.

Mga ilang minuto pa, tumunog ang phone niya. May nagtext. Si Franco. Binasa niya ito at bumaling na sa paligid para hanapin ang lalaking nagsabi na nasa loob na rin siya ng gym.

Mula sa malayo, nakita niya ang binata na pormadong pormado sa paglalaro. Puting-puting t-shirt na tinernuhan ng asul na jersey shorts na may nakatatak na numerong katorse. Pati rubber shoes niya na sumisiyap pa kapag naglalapat ang ilalim nito at ang makinis na sahig. At pares ng mahahabang medyas na itim na itim, na tumakip sa binti niyang bakas ang tikas sa pananakbo.

"Dito!" Bumuka ang labi ni Charles pero hindi nagpakawala ng boses mula sa loob nito. Kumaway rin siya para sabihin na siya ang nauna.

"Oh! Aga natin ah." Ibinababa ni Franco ang bitbit niyang bag na nakasabit sa kanang balikat.

"Parating na rin naman siguro sila. Quarter to 10 na naman eh."

Mahinang pagtawa at iling lang ang sinukli nito sa tinuran ng may pagkainosenteng early bird. "Hindi ka pa ba sanay sa kanila? Hahaha."

Narinig ni Charles ang di kaaya-ayang ideyang pumasok sa utak niya dahil sa malaman na sinabi ng Kapitan nila. "Anong ibig mong sabihin?"

"10 am usapan. Alas onse o baka after lunch pa dating ng mga yun."

Namilog ang mata ng binatang gumising pa ng maaga kahit puyat pa kagabi dahil sa panonood niya. "Hay naku!" Napasalampak na lang siya ng upo sa kulay kapeng hinaluan ng gatas na sahig ng gym.

Mukhang inaasahan naman ni Franco na mangyayari ito. Tumayo na agad ito at hindi hinayaang sakluban ng katam ang kanyang, kanilang Lucky Charm.

"Game!" Malakas na sigaw ng matipunong binata habang nakapamewang sa bandang gitna. Napalingon nalang sa pagkabigla ang parang batang si Charles.

"Warm up muna."

Nakalipas na nga ang isang oras,  maski isang mukha ng matikal nilang kaklase ay wala pa ring kabakas-bakas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakalipas na nga ang isang oras, maski isang mukha ng matikal nilang kaklase ay wala pa ring kabakas-bakas. Ang dalawang lalaki namang nauna, ay nagsisimula sa pagpapatalbog ng bola.

"Yan, sige sanayin mo lang sarili mo sa pagdi-dribol." Nakatayo ito habang nakangiting nakatitig sa binatang kapansin-pansin ang lamtik ng kamay sa bola habang tinatapik pababa.

"Tama ba talaga ang ginagawa ko? Hehehe." Maski si Charles ay di sigurado kung may magagawang epekto ba talaga to sa magiging laro niya para sa grupo.

"Hahaha. Oo naman." Pumatong na sa balikat ng lalaki ang kamay ni Franco. Pinagpahinga niya muna ito. Marami-rami na rin naman basic moves ang naturo nito kay Charles.

Umupo muna ito sa gilid, sumandal sa malamig na pader ng gym. Hinihingal at pawis na pawis, kahit nasa labinlimang minuto palang naman siyang nagsimulang gumalaw.

"Wait ka lang dyan, Charles ha. Bili lang ako ng tubig natin." Dumukot lang ito ng mabilis ng pera sa bag niya at nanakbo na palabas ng malawak na palaruan.

"Ah. Okay." Hindi na rin natapos ni Charles ang pagsasalita dahil sa liksi ng kapitan nila."Gusto ko sana ng chuckie."

Mga ilang saglit pa, may lalaking paparating na.

"Jarmcel?" Mahinang tanong ng binata sa sarili sa nakita niyang naglalakad patungo sa direksyon niya.

Sa kabilang grupo si Jarmcel. Pinagtataka tuloy ni Charles kung bakit pumunta rin sa University ang kaibigan kung wala naman silang klase. Biglang pumasok sa isip nito na baka may laro rin sila.

"Brad! Kamusta practice?"

"May practice din kayo?"

"H-ha? Wala."

"Eh bakit nandito ka?" Napakunot ang noo ng binatang nakasalampak sa sahig ng gym. Nakatayo na sa harapan niya ang ex-Crush niya, si Jarmcel.

"Bakit bawal ba?" Nilagay ng binata ang dalawang kamay sa dalawang bulsa ng maong pants niya. May pagkapilosopo ang tono niya ng sumagot sa tanong ng kaibigan.

"Tss." Umikot ang mga mata nito ng marinig ang tugon ni Jarmcel. "Ano naman trip nito?" Bumulong nalang ang binata sa sarili niya ng may inis sa boses nito.

"Na'san na ang mga kasama mo?" Hindi pinansin ng bagong dating na binata ang pang-iirap ng kaibigan niya. "Wag mong sabihing di natuloy ang practice game ninyo kaya mag-isa ka lang dito? Hahahaha."

Mula sa malayo, natanaw ni Franco ang isang pamilyar na tindig at pagkilos ng lalaki kahit nakatalikod ito sa kanya. "Si Jarmcel? Bakit siya nandito." Napatigil siya sa paglalakad habang hawak ang isang bote ng malamig na tubig.

Kapansin-pansin din na halatang di maganda ang usapan ng dalawa kahit sa malayo dahil sa ekspresyon ng lalaki na nakaupo naman habang nagsasalita.

Ilang lakad na lamang bago marating ni Franco ang pwesto ng dalawa, nakita na siya ni Charles. Kumaway ito para salubungin ang may bitbit ng pamatid-uhaw kaso bigla siyang napatigil. "Oh. Bakit isa lang binili mo?"

"Kinulang ako ng barya para sa dalawa eh. Binili ko nalang to, mas marami pa." Nakangiting sagot ni nito. Binaling niya rin naman agad ang isang unexpected person sa harap nila. "Bakit nandito ka Jarmcel?"

"Ano ba?! Bakit ba?! B-bawal bang pumunta sa school kahit walang klase? Ha? Ha!" Halos mapuno na siya sa ilang ulit niyang pagdepensa kung bakit nga ba siya pumasok ng University kung wala naman siyang importanteng gagawin. Pero maski isa sa mga taong na yun, wala naman siyang naisagot kundi mga taong lang din pabalik.

"Ahh! Alam ko na!" Sabat ni Franco habang iniabot pababa kay Charles ang binili niya. Napatingin naman ang dalawang binata at naghintay sa kung anong pumasok sa utak ng isang kapitan.

"Dahil ba kay Gabriella?"


*** End of Chapter 7 ***

I hope you enjoy this chapter 😊

If you do, please remember to comment and vote -- it really means a lot for me! 😍😘

Crush LifeWhere stories live. Discover now