Chapter 8

77 7 1
                                    


"Dahil ba kay Gabriella?"

Namilog ang mata ni Jarmcel nang marinig nito ang isang katanungan na hindi man lang sumagi sa isip niya na ibabato sa kanya.

Sa sandaling iyon, napaisip nga rin siya habang nakatitig pa rin sa ideyang binigkas ni Franco sa harap niya.

"Dahil kay Gab?" Tanong nito sa isip niya. Alam naman niya kasi na hindi si Gabriella ang dahilan kung bakit siya dinala ng paa nito sa lugar kung saan hindi naman siya dapat pumunta.

Ang totoo lang naman ay napag-alaman niya sa isang kagrupo ni Charles na nag-organisa si Franco ng practice para sa team nito.

Napabaling ang mata ni Jarmcel sa lalaking mababakas din sa mukha nito na nabigla sa tinuran ni Franco.

"Ah, eh." Wala siyang ibang maisip pero pinili nalang nito na magsalita kahit di ayon sa takbo ng utak niya. "O-oo. M-mag.. Magmi-meet kasi kami mamaya pagkaawas niya .. Ganun nga."

Ngumiti siya ng pilit sa harap ng dalawa habang humihiling na sana'y bumenta sa kanila ang excuse niya.

"Sabi ko na nga ba eh! Hahaha. Ayos yan Jarmcel ah. Iba rin galawan mo ha." Masayang tugon ni Franco sa binata na umakbay pa sa kanya.

"Ahh." Bigkas naman ni Charles habang pinipihit ang takip ng boteng hawak-hawak nito. Para sa dalawa, ang reaksyon niya ay isang ordinaryong pagtugon. Pero sa loob-loob ni Charles, may kirot pa rin siyang nararamdaman dahil alam naman niyang nasa proseso palang siya ng pagkalimot sa feelings niya sa kaibigan niya. Pero bakit parang palaging pinapamukha sa kanya na di siya crush ng Crush niya.

Nagpatuloy ang usapan nilang tatlo habang nakaupo sa malamig na sahig ng gym. Tungkol sa magiging laro nila sa darating na Biyernes, sa kung anong mga pwesto ng mga team-mates nila, at sa kung bakit lumipas na ang magdadalawang oras ay sila pa rin lang dalawa.

"Bakit wala pa sila? Tsk." May pagkairita ng wika ni Charles. Kamot-kamot ang buhok sa bandang batok. "Turuan mo nalang ako, Franco."

"Hahaha. Nababagot ka na ba?"

"Oo eh. Turuan mo ko ng technique para mag-shoot."

Nakaupo pa silang tatlo nang biglang inagaw ni Jarmcel ang bola sa dalawang kamay ni Charles sa tabi niya. "Ganito .. Tara."

Napatingin sina Franco at Charles sa kanya na mabilis naman ng nakatayo at nagdribol na.

"Anong tara?" Intrigang tanong ni Charles habang nakatingala sa kanya. "Si Franco ang Captain namin, siya magtuturo sakin."

"E-edi dalawa kami. Hahaha. Wala ka bang tiwala sa Crush mo?" Pangiting tugon niya habang nagdribol pa ng isa. Noon lamang niya napagtanto na may mali pala siyang nasabi.

Hindi bago sa pandinig ni Franco at batid niya rin naman talaga na Crush ni Charles si Jarmcel, kung kaya't hindi big deal sa kanya na marinig yun mula sa binata. Halos lahat din naman ng kasama nila sa klase ay alam na 'Crush' at 'Brad' ang tawagan nila sa isa't isa. In short, alam ng lahat ang istorya nilang one-sided love.

Kaiba naman sa kung paano tinanggap ng mga tenga ni Charles ang sinabi ni Jarmcel. Sa pagkakataong napagdesisyonan na niya ang pag-unCrush, bigla naman ipapaalala nito ang mga oras na pwede niya itong ibulalas.

Para mawala ang pagkailang niya, binara nalang niya si Jarmcel. "Mas may tiwala ako kay Franco at .." Napalunok pa ito bago tuluyang nagsalita muli. "Atsaka ano ka ba, hindi na nga kita crush, di ba?"

Binaling agad ni Charles ang sarili niya kay Franco sa kanyang kaliwa. Inagaw na rin niya ang nilalarong bola ng lalaki sa kanan niya. "Tara na, Captain."

Crush LifeWhere stories live. Discover now