Chapter 5

97 7 1
                                    


Huling araw ng pasok nila ngayong linggo. Malapit na rin ang matapos ang 1st Sem ng pagiging 2nd year nila. Isang linggo nalang bago ang Finals, at pagkatapos nun pwede ng mag-chillax kahit papano.

Ito na rin ang itinakdang araw para kay Charles. At desidido na talaga siya.

"Deal. Hindi na kita tatawaging 'Crush' kung yun ang gusto mo." Seryoso ang mukha ni Charles habang nakatayo siya sa harap ni Jarmcel.

Ang binata naman ay nabigla, pero bakas sa ngiti niya na sa wakas naintindihan na siya ng kaibigan niya.

"Hindi lang yun." Sambit pa nito.

"Simula rin ngayon, hindi na rin kita crush." Mula sa pagkaseryoso, ngumiti na rin ng dahan-dahan si Charles. Halatang masaya siya sa kung anuman ang naging epekto sa kanya ng paglalakad niya at pagbyahe niya mag-isa.

Natutuwa pa rin sa narinig niya si Jarmcel. "Yun! Ayos yan Brad! hahaha. Hindi na ako maiilang sa'yo ulit. " Inakbayan niya agad ito pakahulugan na naging mahirap din talaga kay Jarmcel na pigilin ang pagkasabik into sa kaibigan niya.

Pero agad din ipinatanggal ni Charles ang braso nitong nakasabit sa balikat niya.

"Ano ka ba? Kakasimula ko palang kumalimot sa pagka-Crush ko sa'yo. Tinetempt mo na ulit ako. " Pabirong banat niya sa binatang natatawa kasi kumbinsing kumbinse na ito na talagang gagawin na ng kaibigan niya ang pag-uncrush sa kanya.

"Hahaha! Okay okay. Fine!"

"Oh, tara na. Parating na yung bus." Wika ni Charles sa kaibigan. Nagsimula nang normal ang umagang yun, mula sa pagpasok hanggang sa pag-uwi nila. Bumalik na rin agad sa dati at nawala ang ilangan sa dalawa.

Ang kinaiba lang, kusa na rin nalayo ng paunti-unti si Charles kay Jarmcel. Para na rin sa ikatatagumpay ng plano niyang tuluyan kalimutan ang Crush feeling niya sa binata.

Pero sa kabilang banda, habang nae-enjoy ni Jarmcel ang oras na nagbalik ulit sa kanila ng kaibigan, hindi niya gaanong binibigyang pansin ang konting pag-iwas nito. Alam naman niya kasing part yun ng desisyon ni Charles na working in progress pa. At dahil na rin, hindi naman kasi talagang big deal kay Jarmcel ang konting distansya. Sa katunayan, mas okay pa para sa kanya ito.

May mga pagkakataon na naiba na ng upuan si Charles malayo kay Jarmcel. Pansamantala siyang napwesto sa grupo ng mga babae na orihinal naman talaga niyang barkada.

Si Jarmcel naman ay halos palagi na ring kasama si Michael, kasama ang iba pa nilang tropa. Busy sa paghahagilap ng estudyanteng may pinakamuting hita at may magandang hinaharap.

Sa PE class nila na Basketball ang tema ng buong kurikulum para semester na ito, maglalaro lahat ng estudyante. May men and women's division.

Sa Men's division, namili ng dalawang Captain ang Instructor. Si Jarmcel at si Franco, ang pinakamatatangkad sa klase. Nagtossed coin sila para malaman kung sinong unang mamimili ng kanilang mga teammates. Si Jarmcel ang nanalo, siya ang una.

Sa ganitong sitwasyon, dapat ang Captain ay mamili ng tamang kagrupo para manalo sa laro. Dito kasi nakasalalay ang score ng Final Exam nila sa PE3. At ganun ang tumatakbo sa utak ng unang kapitan. Salitan silang pipili hanggang sa lahat ng lalaki sa klase ay mahati na sa dalawang team. Even naman ang bilang kaya pantay ang laban. Skills nalang ang magdidikta sa kung sino ang mananalo.

"Oh, Jarmcel take the floor. Choose your teammates." Wika ng Instructor nila.

"Si Michael po." Siya ang unang pinili ng Jarmcel.

Sunod ng pumili si Franco, "Si Charles po."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Crush LifeWhere stories live. Discover now