Chapter 10

80 6 0
                                    


Crush: Meet muna kami ni Gab ha! Wait mo ko ha.

Crush: Tapos na ba kayo? Sabay na tayo umuwi Brad.

Crush: Uy! Textback. Tapos na kayo?


"Bakit ba kailangan mo pang sabihin kung anong gagawin mo kasama si Gab? Tsk." Pabulong na pagmamaktol ni Charles habang binabasa ang 3 messages ni Jarmcel sa kanya.

Mahirap mag-moved on sa isang relasyon na di naman naging kayo. Pero parang mas mahirap para kay Charles na mag-uncrush sa taong hindi naman niya kayang iwasan.

Sumagot siya sa tanong ng kaibigan pero mga ilang minuto rin bago siya nakatanggap ng sagot mula rito.

Charles: SLR. Ngayon ko lang nabasa ang text mo Jarmcel. Nakasakay na ako ng bus pauwi eh.

*** Text Conversation ***

Crush: Ahh sige. Ingat.

Charles: Nakauwi ka na rin ba?

Crush: Oo. Pagkahatid ko kay Gab.

Charles: Ahh sige.

*** End of Conversation ***


Nawalan na siya ng gana para sumagot pa ng mahaba ng mabasa niya ang huling text mula sa ex-Crush niya.

"Edi wow!" Susot na bulong nito habang umirap ang mata nito. Hinayaan nalang niyang laruin ng magagandang tanawin sa labas ng bintana ang kanyang mga mata. Inaaliw ang sarili para makalimot sa kaunting kirot at para mas patatagin ang sarili para palitan ang nickname nitong 'Crush' at baguhin nalang sa totoo nitong pangalan.

"Yan. Mas okay na Jarmcel lang talaga pangalan mo sa phonebook ko."

Lumipas ang Miyerkules at Huwebes nang mabilis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumipas ang Miyerkules at Huwebes nang mabilis. Natural na nagdaan ang dalawang araw ng mga klase nina Jarmcel. Pero para sa kanya, may mga bagay na hindi natural na naganap at nagaganap sa pagitan ng kaibigan niya at ni Franco. Hindi lang siya sigurado at kung anong meron sa likod ng mga haka-haka nito.

Pilit binabagabag ng kakaiibang pakiramdam ang binata sa kung ano nga ba ang tunay na motibo ni Franco sa kaibigan niya.

Palaging nahuhuling nakatingin ni Jarmcel ang binata kay Charles, sa kahit anong maging pwesto nito sa loob ng room nila.

Hindi rin natural na sumama si Franco sa pagkain sa barkadahan ng mga babae na kinabibilangan ng kaibigan niya.

Maski sa mga oras na mababakante ang upuan sa tabi ni Charles, agad-agad itong tumatabi rito. Hindi na natapos ang pag-uusap nilang dalawa.

Hindi ito pansin ng marami dahil likas kay Franco na maging palakaibigan at gentleman. Pero para kay Jarmcel, ang lahat ng ito ay hindi talaga natural.

Crush LifeWhere stories live. Discover now